TW. self harm and mentioning of rspe ahead!
"Disinfect lang muna natin ang sugat mo," saad ni Judy habang ginagamot ang sugat ko. Nandito ako sa Rizal. Inihatid ako rito ni Ella noong nakita niya akong muntik na ulit magpakamatay. Dalawa na ang sugat ko sa kaliwang palapulsuhan ko. Ramdam kong gusto nilang magtanong kung bakit ko ito ginagawa, pero hindi sila nagtatanong. Tinanong din naman ako ng ilang psychiatrist pero ayaw kong magsalita.
No. I don't want them to find out how dirty I am. Base sa itsura ko noong nakita ako ni Ella ay hinihinala niyang na-rape ako kaya panay ang tanong ni Kuya sa nangyari pero gaya ng ginawa ko sa mga psychiatrist ay hindi rin ako nagsalita maski noong kaibigan na niyang babaeng isa ring pulis ang nagtanong sa akin. While Agon... I don't know about his whereabout, but I wish, wherever he is right now, I wish he's okay. And I hope... He will never find out about what happened to me.
"Arri? Kain ka na. Nagdala ako ng pagkain para sa'yo. Hindi na ito panis." Sabay bigay sa akin ni Kuya ng apple at sawsawang ketchup. Naglaway naman agad ako. Paano niya nalamang gusto kong kumain nito? Ngumiti siya habang kumakain ako. Hinawakan pa niya ang kaliwang kamay ko para tingnan ang mga tahi rito. Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko, pero hindi siya nagalit sa akin. Sorry Kuya... ayaw ko lang marumihan ka dahil sa dumi ko.
"Everyone's telling me that you did this because Agon left you... but I know there's a deeper reason behind this. No matter what it is, remember, I'm always here." Tumingin siya sa akin saka ngumiti. "We are here... we're just waiting for you to say something... we are just waiting for your go signal before we take an action. We will always be here, Arri. Kaya kapag kaya mo nang sabihin, sabihin mo, okay?"
Nanatili akong tahimik... I can't. I don't want them to judge me. I can't... It's all my fault after all. Lastly, I don't want Agon to find it out... Iiwan niya ako— iniwan na niya ako... paano na ang kasal namin? Alam na ng ibang ikakasal kami... paano kung matsismis ako? Hindi puwede... wala akong mukhang maihaharap sa kanila... ang dumi-dumi ko.
Pag-alis ni Kuya'y lumabas na rin ako. Hindi ako nakabitan ng dextrose dahil okay naman ako. Talagang dito lang nila ako ipina-stay para mabantayan daw ako rito ni Doc Sherwin. Delikado raw kasi ako sa Baguio. Baka gawin ko ulit iyong ginawa ko habang wala si Ella. Mas lalong delikado naman ako sa boarding house dahil wala akong kasama roon.
"Saan ka pupunta?" tanong ng isang doctor ditong kalalabas lang ng isang kuwarto.
"Magpapahangin lang po."
Ngumiti siya sa akin. "Presko ang hangin sa garden. I suggest, doon ka pumunta. Nandoon din ngayon si Doc Cabrera."
Ngumiti na lang ako saka nag-bow. She's kind. I love her smile. Napangiti ako noong nginitian ako ng batang pasyente rito. Naka-wheelchair ito. Naalala ko naman bigla si Min. Min, why did you leave me? Wala na akong kaibigan ngayon. Wala na akong kalaro ng Nintendo na madali kong matalo. Wala nang nananakot sa akin tungkol sa mga multo rito... kaya mo ba ako iniwan ay dahil sa alam mo kung gaano kasama ang mundo? Gusto mo bang samahan kita riyan?
Huminto ako sa isang pintuang may nakasulat na, 'operating room'. Aalis na sana ako noong kusa itong bumukas. Tumapat pala kasi ako sa sensor. Pagpasok ko'y nakita ko ang kagamitan pang-opera. Lumapit ako sa mini table na kinalalagyan ng mga gamit ng doctor. Ang tatalim ng mga ito. Walang tao ngayon... wala nang makapipigil sa'yo. Gawin mo na... gusto mo bang mahusgaan ka?
Ayaw ko. Ayaw ko sa gusto kong gawin pero mas ayaw kong ma-judge. Itinapat ko na ang scalpel sa palapulsuhan ko... Am I killing myself? No, this world is killing me.
Ramdam ko na ang hapdi ng palapulsuhan ko dahil sa ginagawa ko. May kaunting dugo na ring tumutulo.
'Kulang iyan,' at may naririnig na naman ako.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...