"Agon?! Ang aga-aga, nangba-badtrip ka!" sigaw ko sa lalaking humalik ng noo ko. Nandito na naman siya sa kuwarto namin ni Junior at halatang para mang-inis.
Ngumiti lang siya. "May oras ba iyon?" Tumingin pa siya sa Rolex niyang relo. "Saka anong ang aga-aga? Tanghali na!" Sabay tanggal ng nakabalot sa aking kumot. Kita ko pa ang pagngiti niya nang nakita niya ang legs kong hindi nababalutan ng robe ko.
Binigyan ko siya ng nang-aasar na ngiti habang inaayos ang robe na pangtulog ko. "Don't tell me, gusto mo rin nito?"
Ngumiti siya ng girly na ngiti at parang pinanindigan ang pagiging gay niya. Siguro kapag nagsama sila ni Jonah, magkakabati sila nang husto. Bigla ay naging ngisi ang ngiti niya. "Hindi. Gusto ko lang."
Nanlaki ang mga mata ko noong na-gets ko ang sinabi niya. "Manyak!" Sabay bangon ko. Ang galing talaga niya sa pagbaliktad ng mesa. Siya ang inaasar ko, pero ako ang naasar. Mas naasar pa ako noong nag-'yamete kodasai' siya at ginaya pa talaga ang boses ng on-trend ngayon sa TikTok. Iyong may ungol. "Agon!" Sabay bato ko sa kaniya ng unan na nailagan niya.
Tawang-tawa naman ang demonyo habang pinupulot ang unan. Pumunta naman ako sa banyo. Ilang taon na ang lalaking iyon, pero nagmumukhang tumanda siyang paurong. Araw-araw kasi, iba ang trip niya sa panggising sa akin. Napatitig ako sa reflection ko habang nagmumumog ako. We used to be like this before. In an instant, our past flashed back before me. Those good days and those bad ones.
There I was, craving for an ice cream, and he bought me two gallons. There I was, so insecure and he assured me. Lastly, there I was, aching for an explanation, yet he left me.
Paglabas ko ng banyo ay naamoy ko ang bango ng kape. Mukhang nagpa-deliver siya.
Ngumiti siya sa akin na parang walang ginawang kalokohan, kagaya ng palagi niyang ginagawa. "Buhay ka pa pala? Akala ko, nalunod ka na sa lababo."
Hindi ko na lang siya pinansin at lumapit na lang ako sa mini table, katabi ng kinauupuan niya. Nagsimula na akong gawin ang inventory ko for the month of September, samantalang nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin. "Ano?" pagpansin ko sa kaniya dahil baka may gusto siyang sabihin.
Mas ngumiti lang siya at halatang nagpapa-cute. Lagi-lagi na lang siyang ganito. Bilib naman ako sa sarili ko dahil wala itong epekto sa akin. "Hulaan mo ang nasa isip ko."
Kumunot ang noo ko. Kahit hindi ko naman hulaan ang nasa isip niya dahil alam ko na kung ano ang iniisip niya. 'Mahal kita', kagaya ng palagi niyang sinasabi. "Ano?" tanong ko na lang para matigil siya sa kahibangan niya.
Tumitig siya sa mga mata ko. Sabi ko na nga ba. Tama ang nasa isip ko. Go ahead, Agon. Spill it. "Maganda ka pa rin kahit may muta ka."
"Kingina?!" 'Expect the unexpected,' they say. Kinapa ko kaagad ang gilid ng mga mata ko at tama siya. Hindi pa kasi ako nakapaghihilamos dahil sumasakit ang mga mata ko kapag naghihilamos ako pagkagising ko. Pagtingin ko sa kaniya ay para siyang batang ipinapaikot-ikot ang swivel chair ko habang nakasakay siya rito.
"Bakit pulang-pula ka? Nahihiya ka?" tanong niyang hindi nakatutulong sa pamumula ng mukha ko. "Dati naman, ipinupunas mo pa sa damit ko ang muta mo. Kunwari yayakapin mo ako tapos—"
"Agon Alacar Senior, manahimik ka na!" sigaw kong mas nagpangiti sa kaniya saka ko lang na-realize na natawag ko siyang senior. Big deal kasi sa kaniya ang pagpapangalan ko sa anak niya ng 'Agon'. Hinarap ko ulit ang computer ko dahil nanahimik na nga siya.
Wala pang isang minuto ay nagv-video call si Jonah. Mabuti at naisipan na ng baklang itong mag-online. Hindi ko kasi siya ma-contact kahapon. "Anong nangyari sa mukha mo?" Iyong mukha agad niya ang napansin ko dahil kapansin-pansin ito. May pasa siya. Sa ibaba ng labi niya pati na rin sa kaliwa niyang mata.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomansaArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...