Alas singko pa lang ng madaling araw ay dinig ko na mula rito ang mga ingay na nagagawa ni Agon. Base pa sa amoy ng bawang at sibuyas ay mukhang nagluluto siya. Dahil sa nagising na rin ako'y bumangon na ako. Nakita ko naman siya sa kusinang halatang busy. Sa sobrang pagka-busy niya'y hindi niya ako napapansin. Sumandal ako sa pintuan habang pinapanood siyang nagbabasa ng recipe book. Ibinubulong pa niya ang nakasulat dito, saka sinusunod at ang cute niya!
Parang ibang-iba siya sa Agon na mas mataray pa kaysa sa'kin. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ito kaya nag-e-enjoy ako habang pinapanood siyang parang mababaliw na dahil mukhang hindi niya makuha-kuha ang instructions. Lumapit pa siya sa kinalalagyan ng laptop at mukhang nanood ng instructions dito. Nang napagod ako katatayo ay bumalik ako sa kuwarto saka natulog ulit. I guess, kailangan niya talagang matuto mag-isa. May mga tao kasing mas natututo kapag sila mismo ang nag-aaral.
Kapag self learning at mahilig nga roon si Agon. Kaya nga palaging mataas ang grades niya dahil ituturo pa lang ng teachers nila ang lesson nila, alam na niya. Ang sipag kasi niya mag-aral mag-isa. Bagay na pinupuri ni Mama. Hindi nga lang nito ipinapakita kay Agon. Madalas ko pang naririnig noon si Mamang ikinukumpara si Agon kay Kuya. Mabuti nga't kahit madalas silang ipagkumpara ni Mama'y hindi nagkaroon ng lamat sa pagitan ng dalawa.
Alas sais nang ginising ako ni Agon. Halata pang excited siyang ipatikim sa'kin ang luto niyang menudo. Amoy pa lang, masarap na kaya expected ko nang masarap ang luto niya at masarap nga. Not bad for first timer. Iyon nga lang, pangmarami ang iniluto niya. Mukhang ginaya niya talaga ang instructions. Akala ko, pagluluto lang ang ginawa niya, naglinis din pala siya. Ang aliwalas kasi ng paligid. Kagabi hindi ko nagawang makapaglinis dahil sa pagod.
Gano'n pa rin ang ginawa niya nitong mga nagdaang mga araw. Bilang babaeng lumalaki na ang tiyan at pahirapan na sa pagyuko-yuko para makapaglinis, sobrang appreciate ko iyong ginagawa niya. Sana nga lang ay huwag siyang magsawa.
Ako naman, nagpapakaabala pa rin sa restaurant.
"Isang order nga miss—sis nito." Sabay turo sa menudo, habang sa tiyan ko ang tingin. Nakaupo kasi ako kanina, kaya kakikita lang niya ang tiyan ko.
Ibinigay ko naman sa kaniya ang order niya. "Salamat." Ngiti ko pa bago siya pumunta sa puwesto ng mga lalaking kaibigan yata niya.
"Apay? Kalla ka natayan?" (Bakit? Para kang namatayan?) Dinig kong tanong ng isa sa mga kaibigan ng lalaki kanina.
"Natay talaga toy pusok, men!" (Patay talaga iting puso ko, men!)
"Gutom lang iyan."
"Bakit ba?"
Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila dahil malakas sila magsalita. Madalas pa'y ilokano ang gamit nila sa pananalita at marunong ako n'on kaya nakaiintindi ako.
"Ata akin puwesto ditoy." Pasimple pa niya akong itinuro gamit ang tingin, habang nagpapanggap akong hindi ko sila naiintindihan. (Iyang may puwesto nito)
"Oh?"
"Kayat ko kuma ariman. Addan mt gayamen nakaunan." (Gusto ko sanang ligawan. May nakauna naman na pala.) Na-offend ako sa word na ginamit niya, pero pinilit kong kumalma. Sakto namang may iba na namang customer.
"Was chance, pare. Mas maitsura kaysa kanyam jay asawa na ata," singit naman ng isang madalas na naming customer dito kaya yata alam niyang may asawa na ako. (No chance, pare. Mas maitsura kaysa sa'yo ang asawa niyan.)
Bandang alas onse, nagulat ako sa biglang pagbisita ng mga kasama ko sa pa-seminar ni Etham noon. Si Nadine lang talaga ang wala. Kumain sila rito pagkatapos ay tumulong na rin sila sa'kin.
"Sige at mauuna na ako ha?" paalam ni Ate Aira. "Marami naman na kayo rito. Nangumusta lang talaga ako." Hinalikan pa niya ako bago umalis. Sumunod namang nagpaalam ang iba. Medyo dumami na kasi ang customer dito. Nahiya yata silang nakikipuno sila rito. Simple lang ang pagbisita nila sa'kin, pero na-touch na naman ako. Grabe. Iba pala talaga kapag buntis.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...