C10

2.8K 40 5
                                        

10

"'Di ba nangako akong sasakay tayo rito paglabas mo ng hospital?" tanong pa niya. Tama siya, nangako nga siya sa'kin noon. Noong tinanong niya ako kung gusto ko pang mabuhay, noong may Magdalena Syndrome pa ako. Itinanong pala niya iyon parang hingiin ang go signal ko. Aware ako noon na ang tanging paraan para gumaling ako, ay iyong three letters. Pero pumayag akong maisagawa iyon, dahil gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang maranasang sumakay sa rides, gusto ko pang makasama sina Ate Maiden, si Kuya, si Agon, si Mama, hindi ko alam, paglabas ko, hindi lang pala roon iikot ang mundo ko.

Hindi ko rin naman alam na sa umiikot na kabayo lang pala kami sasakay ni Agon. Sa carousel. Sa katabi kong kabayo siya sumakay habang tawang-tawa sa reaction ko.

"Bakit parang hindi ka natutuwa?" May gana pa siyang magtanong kung bakit.

"Pangbata naman 'to eh!" maktol ko na mas nagpatawa sa kaniya. Gustong-gusto ko siyang naririnig na tumatawa dahil minsan lang siya kung tumawa, pero ngayon, naiinis ako.

"Anong pangbata? Kita mong may kasama tayong matatanda," tawa pa niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka may makarinig sa kaniya.

Tumingin ako sa likuran namin and gladly, walang nakarinig. Tama naman siya, may kasama kaming mas matanda kaysa sa'min. May dalawa pang halatang mag-asawa't may anak na, pero ang sweet pa rin sa isa't isa. Ito at nakasakay pa sila sa iisang kabayo. Tumingin na ako kay Agon bago pa ako mamatay sa inggit. Nahuli ko naman siyang nakatingin sa'kin, pero umiwas agad siya ng tingin. "Love, honey, mahal sinta ko," banggit ko sa halos lahat ng endearment na alam ko, habang nagpapa-cute sa kaniya.

"Ano na naman?" Kunot noo, pero halatang naaaliw niyang tanong kaya mas nagpa-cute pa ako.

"Gusto ko rin ng ganoon." Sabay nguso sa mag-asawang nasa likuran namin, isang kabayo lang ang pagitan.

"Ako, ayaw ko." Pumikit pa siya't halatang nahihilo na siya. "Ki-nas!" mura niya. "Nahihilo na ako!" Sakto namang huminto na sa pag-ikot ang sinasakyan namin kaya bumaba na siya. "Baba ka na."

Ngumiti naman ako sabay taas ng dalawa kong kamay. "Buhatin mo ako pababa."

"Balakajan." (Bahala ka diyan)

Ф†Ф

"O, bakit ang lungkot mo na naman?" tanong ni Agon na nang-iwan sa'kin kanina sa park.

Ngumuso naman ako saka tumingin sa labas ng bintana. Nasa sasakyan na kami ngayon pauwi. "Sabi mo, puwede tayong sumakay," parang bata kong saad. Gusto ko talagang sumakay sa rides! Kung bakit ba naman kasi, bawal sa'kin iyon noon!

"Sumakay naman tayo."

"Pero sa umiikot-ikot lang na kabayo. Tapos wala pa akong yakap. Tapos kiss."

Narinig ko naman siyang tumawa. "Buntis ka, Ara, at maselan ang pagbubuntis mo kaya hindi puwede sa ibang rides. Unless, gusto mong manganak nang maaga, sige, balik tayo."

Akma na siyang magyu-U-turn nang pinigilan ko siya. "Pero iyong yakap man lang sana. Or kiss, hindi mo ginawa noong nasa kabayo tayo."

"Ang daming tao do'n, Ara!" Pinagtaasan na naman niya ako ng boses, pero napangiti ako.

Lumapit ako sa kaniya habang nagmamaneho siya. "Walang tao rito, maliban sa'tin. So, yakapin mo na ako. Gusto ko, iyong mahigpit na mahigpit."

Binigyan naman niya ako ng hindi makapaniwalang tingin, saka tumingin ulit sa harapan, sa kalsada. "Asa ka."

Ф†Ф

"Kahapon lang, ang landi-landi mo. Ngayon naman, parang dinaig ko pa ang may nakakahawang sakit dahil sa pag-iwas mo sa'kin," pagpansin ni Agon sa pag-iiwas ko sa kaniya. Kumakain kami ngayon.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon