34
Nang medyo kumalma na si Agon ay lumabas na ako para maisagawa na ni Doktora ang pangt-therapy. Alas otso nang gabi kaya medyo inaantok ako at para malabanan ang antok ko'y naisipan kong bumili ng kape.
"Clay, hospital ito, hindi club, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ng ginang sa babaeng anak yata niya. Tiningnan ko ang suot ni Clay habang hinihintay kong mapuno ang paper cup ng kape. Nakasuot si Clay ng white sando at short pant na two inches above the knee. Hindi naman masagwang tingnan.
"Ang init ma e!"
"Kahit na! Magpalit ka kaagad. Sa suot mo, naghahanap ka ng lalaking mangre-rape sa'yo!" the mother said which was I found pointless. Hindi na lang ako nakialam sa kanila kahit pa kating-kati akong pagsabihan iyong nanay. Kung alam lang niya, mga rapist ang naghahanap ng mabibiktima, hindi iyong mga biktima.
Pumasok na sa loob ng isang private room si Clay at mukhang magpapalit nga ng damit. In this world full of rapist, people are now desperate to escape from them. Out of desperation, they will do countless adjustments without knowing that no matter how much and how many adjustments you'll do, you can still be a subject of rape because... there's a rapist.
Pagbalik ko sa tinambayan namin kanina ni Kuya ay nakita kong kausap niya iyong dalawang Aldhians na sumundo kanina sa nanay at kapatid ni Iodin. Akala ko umalis na sila. Saktong papalapit ako sa kanila'y paalis naman na sila.
"Are you a sister of one of the two?" tanong ng isa sabay lapit sa akin.
"No, she's a wife of one of the victims, so hands off." Dahil sa sinabi ni Kuya ay ibinaba ng lalaking kaharap ko ang kamay nito saka ngumiti.
"Oh! Let me guess, are you Ara?"
"Y—yes. Why?"
He smiled. "On our way here, one of the victims kept on mentioning your name. He kept begging us to take him back here in the Philippines because his wife, Ara is waiting for him." Tinapik niya ang balikat ko. Last week ko pa ito narinig, pero hindi ko pa rin maiwasang manubig ang mga mata ko kada naririnig ko ito. Ilang sandali pa'y nagpaalam na sila.
"Next week na raw mabibitay sina Aditty at ng mga kasamahan niya," saad niyang nagpakunot ng noo ko. Akala ko, nabitay na siya. Hindi pa pala. "Isang linggo raw silang na-torture sa death room bilang parusa pa rin. Kung hindi lang ako busy, pupunta ako doon para panuorin silang mamatay."
"Pagkatapos nilang mabitay, ibabalik ba nila ang mga bangkay nina Aditty rito?"
"Hindi. Hindi rin sila mabibigyan ng magandang libing bilang parusa pa rin."
Dapat lang. Sa katunayan ay kulang pa iyon bilang kabayaran ng mga ginawa nila sa mga biktima nila. Anim na Pilipino at twenty three na Aldhians ang namatay dahil sa kanila. Dalawang Pilipino at siyam namang Aldhians ang nasa hospital. Balita ko pa'y isa sa Aldhians ang hindi makapagsalita at hindi rin nagre-respond sa mga doctor. Ayon sa doctors ay sobrang trauma raw ang inabot nito kaya nag-breakdown ang cerebellum niya, dahilan para maging parang lantang gulay na siya. At iyon ang iniiwasan ng mga doctor ditong mangyari sa dalawa kaya pinagbawalan muna nilang makapasok dito ang mga press.
Ф†Ф
"Huwag na, wala akong naitulong sa restaurant kaya huwag mo nang ibigay ang share ko," tanggi ko kay Ella. Nandito siya ngayon para bisitahin kami at para din ibigay raw ang share ko. Kailangan namin ng pera ngayon dahil tumigil na nga sa pagsuporta ang bansang Aldhi sa gastusin dito, pero nakahihiya naman yata kung tanggapin ko ang ibinibigay niya kahit pa hindi ako nakatulong.
"Tanggapin mo na lang. Parang hindi tayo magkaibigan niyan e." Sabay lagay sa bulsa ko ang pera. "Huwag mo nang ibalik. Gamitin mo na lang iyan sa pagbili ng gamot ni Agon."
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...