Nakatayo lang ako sa tapat ng saradong pinto ng kuwarto ko, habang dinig na dinig ko mula rito ang usapan nina Mama at Kuya, na tungkol sa pagiging 'disgrasyada' ko.
"Kailangang may lalaking pakakasalan siya. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala ko?!" Here she is again, thinking about nothing aside from herself. "Na may anak akong disgrasyada?"
"Ma! Tama na!" my brother shouted. "Saka huwag mo ngang tinatawag ang kapatid kong disgrasyada! Hindi niya iyon ginusto!" For once, I haven't either heard nor saw Kuya raising his voice. Ngayon lang talaga. Sumusobra na kasi si Mama, mabuti na nga lang at hindi na ulit ito nagsalita. Napansin yata nitong pinagtaasan na niya ito ng boses.
Napatingin ako sa tiyan ko. Tama si Kuya. Hindi ko nga ito ginusto. Kung bakit ba kasi, sa bilyong-bilyong tao sa mundo, ako pa ang tinamaan ng pambihirang sakit na iyon? Magdalena Syndrome. Isang sakit na noon pa nag-e-exist, pero ngayon lang nahanapan ng lunas at ang tanging panlunas ay pagbubuntis. Kagaya ito ng menstruation kaya minu-minuto akong nakararanas ng sobrang sakit sa puson noong nags-suffer pa ako rito. Kagaya rin ng menstruation ay nahihinto ito, kapag buntis na iyong pasyente.
Kaya kinailangan kong magbuntis dahil puwede akong mamatay kapag hindi pa ako nagbubuntis. Unti-unti kasing nauubos ang dugo ko noon kahit pa halos lumaklak na ako ng gamot na naglalaman ng iron. Hindi naman ako masalinan ng dugo noon dahil sa bukod sa rare ang sakit ko, ay rare din ang blood type ko. Rhnull blood type, also known as the golden blood. Minsan, hindi rin maganda ang pagiging pambihira.
Namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo na sa sahig at umiiyak. Hindi ko naman ginustong magpabuntis. Mas lalong hindi ko ginustong si Agon, na half brother ng half brother ko, ang nangbuntis sa akin dahil kuya ang tingin ko rito.
Ilang sandali pa'y nakita ko na lang ang sarili kong nakatitig sa reflection ko sa salamin. Hindi ako kagandahan. Kaya yata nahirapan sila sa paghahanap ng gagawa n'on sa'kin. Dahil doon, si Agon na lang ang gumawa n'on. Morena, makapal na kilay na namana ko kay Mama, hindi katangusan at hindi rin naman pangong ilong, nanlilisik na mga matang black na black, makapal na labi. Noong bata pa ako, gandang-ganda ako sa sarili ko kasi palagi akong napagsasabihang cute ako. Pero habang nagdadalaga ako, ay nawawala ang confidence ko, lalong-lalo na noong nakalabas na ako sa hospital dahil sa nakita kong maraming mas cute at mas magaganda kaysa sa'kin.
Though, most of the time I don't care about how our world turn, where the world is in favor of those privilege people who have pretty face. But, sometimes I can't stop myself from comparing myself to others. From wishing that, I wish I were born like them. At this point, I just want to talk to Ate Maiden. I wanna hear her voice. Pero alam kong busy siya kaya ayaw kong madisturbo siya.
Naibaling ang tingin ko sa picture frame kung saan nakalagay ang family picture namin. Tatatlo lang kami sa picture. Ako, si Kuya at si Mama. Dalawa ang lalaki ni Mama, pero wala sa dalawa ang nagpakalalaki para panindigan siya. Iyong una niyang kinasama, ang pinakasalan, iyong ina ni Agon. Kaya mataas ang dugo ni Mama kay Agon. Iyong pangalawa naman niyang kinasama, na iyong ama ko, binuntis lang nito si Mama tapos tumakbo. Hinahabol ito noon ni Mama. Pero ayaw talaga ni Papa na panindigan siya. After years, nang napagod na si Mama sa paghabol dito, karma na ang nanghabol sa kay Papa.
My father died due to heart illness. Sa kaniya ko namana ang sakit kong nalunasan naman. Unfortunately, another illness has taken its place, the Magdalena Syndrome. It seems like the world really doesn't want me to be happy. Kasi kahit na nalunasan na rin iyong Magdalena syndrome ko, ramdam kong hindi pa rin ako magiging masaya. Because I know that my baby will grow up without a father, just like me and I don't want that to happen. At mas lalong ayaw ko sa suggestion ni Mama na ipalaglag ko raw ang bata. Why does it's so hard to be happy?
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...