C15

671 11 0
                                    

15

Nasundan pa ang gabing iyon. Nang nasundan. Nang nasundan at minsan pa nga'y ako na ang nag-aaya. You can't blame me. I'm pregnant at iyong OB na rin mismo ang nagsabing normal lang ito sa buntis. At isa ang minsan na iyan, sa araw na ito. Isang ngiti ko lang kay Agon ay alam na niya kung ano ang gusto ko kaya napailing siya.

"My God! Ara! Ang aga-aga." Sabay upo niya, hinagilap ang damit at pantalon dahil mala-Adam at Eve kami sa ilalim ng kumot ngayon.

"Eh? May oras ba 'yon?"

"Manahimik ka. May trabaho pa ako." Nakatayo na siya ngayon at halatang pupunta nang banyo.

"Huwag ka nang pumunta sa trabaho. Uuwi ka lang din naman."

Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Kapag ako, nag-stay rito at hindi ako ipinasahod, bahala ka sa buhay mo." Tumingin pa siya sa kalendaryo. Akinse ngayon ng September. "Sabado ngayon. 'Di ba, ngayon iyong sched ng seminar?"

Sa sobra kong landi, nakalimutan kong ngayon na pala ang seminar!

Ф†Ф

Sabay kaming lumabas ng bahay at sabay ring pumunta sa magkaibang resto. Nag-request pa ako kanina ng goodbye kiss, pero sinabihan lang niya ako ng, 'mangarap ka'. Pero mamayang gabi, humanda ka sa'kin.

The day ended with full of new knowledge and tactics. Kaya pala binansagan nilang best chef si Etham. Best nga talaga siya. Marami rin akong nakilalang kapwa ko gustong magtayo ng business.

Paglabas ko kanina ng restaurant ay nakita ko si Agon na naghihintay. Kasabay ko that time si Etham at pansin ko nga ang panglalandi niya, kaya ipinakilala ko si Agon sa kaniya at sinabi ko ring asawa ko ito. As expected, nagulat siya, samantalang ngiting-ngiti naman si Agon.

Nakaupo kami ngayon sa sofa, nanonood ng TV. Kabibili lang niya para daw makanood kami ng news at para daw hindi kami mapag-iwanan sa balita.

"How's your day?"

"Okay lang naman." Ngiti ko habang tutok sa panonood. Awang-awa ako sa mga apektado ng bagyo. Mabuti't hindi gaano ang epekto nito rito.

"Hindi ka nilandi ng lalaking iyon?"

Umiling lang ako.

"Ang landi niya. No'ng ipinapakilala mo ako sa kaniya, nangangati ang kamao kong mag-landing sa mukha niya."

Nakuha naman niya ang attention ko dahil umiiral na naman pala ang pagiging seloso niya. Yumakap pa ako sa kaniya. "Lavedavs, kalma ka. Sa'kin ka na lang mag-landing."

"My God! Ara, alas sais pa lang ng hapon!" saad niya, pero nag-landing din naman siya sa'kin after. 'Di ba sabi ko, maghanda-handa ka sa'kin?

Ф†Ф

"Ara! Gising na!"

Nagising akong nakahiga na ako sa kama. Inilipat yata niya ako rito. Sa sofa kasi kami natulog kagabi. Ngumuso naman ako. "Sunday ngayon. Hindi Sabado."

"Magsisimba tayo, kaya bangon na."

"Eh?" Kailan pa ito nagsimba? Religious pala siya?

"Bilisan mo na. Mag-aalas nuebe na."

Hindi pa rin ako bumabangon. "Kiss muna."

Akala ko, sasabihan niya ako ng, 'mangarap ka', pero himala't lumapit siya sa'kin saka ako binigyan ng mabilis na halik. "Happy? Bangon na."

Ngumiti ako. "One round pa."

"Ara!"

Ф†Ф

"Sa'n mo gustong magsimba?"

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon