C29

264 10 0
                                    

"Agon," Corbyn gasped. Halatang hindi inaasahang makikita ngayon ang kasama ko. Binalingan ko ang kasama ko, nakatingin lang ito nang deritso sa kaharap. Nakaramdam naman ako ng kaba. "K—kumusta?" Tiningnan niya ako. "Kayo?"

"Okay lang naman po, kayo po?" ako na ang sumagot ng tanong niya dahil hindi sumagot si Agon. Nag-move ako para magkaroon ng space para sa kaniya, pero kay Agon siya tumabi. Dati, hindi ito big deal sa akin. Pero ngayon, oo. Asawa ko iyan! Nawala ang pagkakakunot ng noo ko nang inakbayan ako ni Agon. Mainggit kang lalaki ka.

"Hindi okay," sagot niya sa tanong ko matapos ang halos isang minuto. Akala ko wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

"Bakit naman po?" Kunwari ay interesado akong malaman ang rason kung bakit hindi siya okay kahit pa inis na inis na ako dahil ang lagkit ng tingin niya sa asawa ko. Tinging halatang may pagnanasa. Bakit hindi ko napansin ang tingin niyang ganito noon kay Agon? Sabagay, wala pa kasi akong muwang noon tungkol sa ganito.

"Kapagod dito. Wala na ang pinagpapahingaan ko." Hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin sa asawa ko. "Parang gusto ko ngang sumunod kay Agon... Parang gusto ko ring mag-resign." Then mag-resign ka. Huwag mo lang sundan ang asawa ko, sesesantihin kita mula sa mundong ito.

Napatingin ako sa pintuan nang tumunog ito. Nasa first floor na kami kaya sabay kaming tatlong lumabas. "Sige po, ingat po kayo." Yuko ko pa.

Ngumiti naman siya saka tiningnan ang katabi kong hanggang ngayon ay tahimik at nakaakbay pa rin sa akin, habang nilalaro ko naman ang daliri nito. "Agon, can we talk?"

Tumingin siya sa relo niya. "Malapit nang mag-ala una. Kailangan na naming umalis." Sabay marahan niya akong hinila palabas. Binigyan ko naman ng final look si Corbyn saka binigyan ng ngiting, 'mainggit ka'.

"Bakit ayaw mo siyang kausapin?" kinakabahan kong tanong nang palabas na kami ng hospital.

"Sayang lang siya sa oras." Sabay pindot niya ng button sa key niya. Nasa parking lot na kasi kami. "Saka, ang alam ko, wala na kaming pag-uusapan dahil nagkausap na kami bago ang kasal natin."

"Pero... mahal ka pa niya," nasabi ko bigla. Iyon kasi ang nabasa ko noon.

"While I don't, and never did." Sabay na kaming pumasok ng kotse. Nanahimik na ako after ng sinabi niya. Napansin ko pa ang pagsulyap niya sa akin pero ipinanatili ko ang tingin ko sa bintana. Kung hindi niya minahal si Doc Corbyn, bakit siya umiyak noon? Bakit sila nagtagal ng ilang taon? Saka, bakit nila ginagawa ang ginagawa ng mag-asawa?

"I was just used being with him before... kaya ako umiyak nang hiniwalayan niya ako... nine years ding naging kami, kaya dinibdib ko ang paghihiwalay namin. Pero ngayon, wala na iyon sa akin. Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Okay?"

Nilingon ko siya saka dahan-dahang tumango. Does it mean, ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin? Sanay lang siyang nandoon ako para sa kaniya palagi, kaya ayaw niya akong mawala sa tabi niya? Napatingin ako sa kaliwa kong kamay na hinawakan niya, habang nagmamaneho ang kaliwa niyang kamay. Kung ganoon man ang nararamdaman niya sa akin, mananatili pa rin ako sa kaniya. Ako ang naglagay sa sarili ko rito. I chose this life. I should face and endure every of its consequences. Nginitian ko siya. Okay lang na wala kang nararamdaman para sa akin. Huwag mo lang akong iwan ha? Iniwan na ako ni Mama at ng baby natin... please, huwag mo akong iwan. Huwag nating iwan ang isa't isa.

Ф†Ф

"Can I have large fries and large milk shake?" malambing na tanong ng customer.

"Sure Ma'am, just a minute." Ngiti ko pabalik. Nginitian ko pa ang ibang nasa table na ito, saka kinuha isa-isa ang orders nila.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon