C40

1.8K 29 5
                                        

40

TW: Sexual harassment and self harm ahead!







"You love me, right? You said it, you love me."

"Yes I did... But Arrietty, I'm a liar... I don't love you... Never in my life did I love you." Maya-maya'y tumawa siya. "Saka, 'love' Naniniwala ka do'n?" tanong pa niya. "Kailan ka ba magma-mature para malaman mong kagaya lang iyan ni Santa Claus na hindi nag-e-exist?"

Kumurap ako sa sunod-sunod niyang sinabi. Hinahabol ko ang paghinga ko. Hindi ako makahinga nang maayos. Kinakapos ako ng hangin. Ang sakit ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y may nakadagan dito. "Agon... naman," tanging nasambit ko habang panay ang pag-iling.

Tinitigan lang naman niya ako. Iniangat ang dalawang kamay, saka walang sabi-sabing tinanggal ang kamay kong nakahawak sa magkabilang pisngi niya kanina. Ilang sandali pa'y nakatalikod na siya't papalayo sa akin.

Pakiramdam ko naman ay paulit-ulit niya akong pinapatay habang pinapanood ko siya. I've never felt this pain before. When I thought I've already experienced every pain and agonies of life, life then handed me another pain. Hurtful than before. Hurtful enough that I think I can't endure its lethal pain. No. You love me. You're lying Agon. You love me. I know it-why can't you love me? Why did you lie? Why did you make me feel like you love me? Like you treasure me just to shred me into pieces afterwards?

Nilaro-laro ko ang daliri ko. Mannerism ko ito kada hindi ko gusto ang nangyayari. Dahil sa ginawa ko'y naramdaman ko ang singsing sa daliri ko. Sakto namang malapit na siya sa pintuan. Mabagal ang bawat hakbang niya kaya nahabol ko pa siya. Nang naabutan ko siya'y niyakap ko ulit siya mula sa likuran niya. Itinaas ko pa ang kamay ko para ipakita sa kaniya ang singsing na suot ko. "Nasa akin na ito ulit. Dahil dito kaya mo ako hiniwalayan, 'di ba? Or dahil ba sa kasal? Masyado bang magastos? Agon, okay lang naman kasi kahit walang kasal. Or dahil ba sa-" wala na akong maisip pang dahilan kung bakit niya ako hihiwalayan hanggang sa napahikbi na ako nang mahina, sabay higpit ng pagkakayakap sa kaniya. "Agon naman..."

"Let go." Kinakalas na niya ngayon ang pagkakayakap ko sa kaniya.

Umiling naman ako. "No. I won't until you tell me your reason why you're asking for a break up."

"I already told you. Do you want me to repeat it?" Tuluyan na siyang nakakalas mula sa pagkakayakap ko. Ngayon ay nakaharap na siya mula sa akin. "I lied when I said I love you." Hawak niya ang magkabila kong braso habang titig na titig sa mga mata ko. "Yes, I'm a liar... I never loved you. Kontento ka na?"

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Sa mga mata niyang naluluha rin ngayon. "If you... if it's true that you really never loved me, why are you crying?"

"It's because I'm in pain."

And what do you think about me?

"I was forced to marry you..."

Were you really forced?

"I was forced to go abroad because of you..."

I met his eyes. I never forced you to.

"I fought with death... because of you..."

Was it really my fault?

"Kung alam ko lang na ganito pala kasakit mabuhay dahil sa iyo, sana hindi na ako lumaban pa sa loob ng dalawang taon-" nahinto siya sa pananalita dahil sinampal ko siya.

Huminga ako nang malalim, saka tumingala. Nagbabakasakaling mapigilan ng pagtingala ko ang mga luha ko. Samantalang siya ay nanatiling nakatingin sa kanan kung saan siya napatingin nang sinampal ko siya. Pinilit ko ang pagpigil ng hikbi ko, habang nakatingala pa rin sa kaniya. Gamit ang nanlalabo kong mga mata dahil sa luha ay hinahanap ko iyong Agon na nakilala ko-na hindi ko na mahanap sa kaniya. Huminga ulit ako nang malalim. "Does hurting me feels like breathing for you?" I saw him gulped. I saw him took a step. From step, to steps. I even saw how he opened the door. Hindi ko siya kayang panooring paalis kaya muli kong hinawakan ang laylayan ng damit niya saka umiling ulit.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon