"A—ano?"
"Ara, maghiwalay na tayo."
Napalunok ako kasabay ng pagpatak ng mga luha ko nang walang kurap. Mula sa pagkakasandal sa likod ng sofa ay umayos ako ng tayo saka kumapit sa magkabilang braso niya na parang anumang oras ay aalis siya't iiwan niya ako. "B—bakit?" iyan agad ang lumabs sa bibig ko. "Agon, may—may nagawa ba akong mali?" Tumingkayad ako ulit saka siya hinalikan. Hindi kami puwedeng maghiwalay. Hindi. Hindi puwede. "Or hindi ka pa ba tuluyang magaling? Okay lang iyan Agon, okay lang sa akin. Huwag kang mag-alala sa gastusin dahil nakapag-ipon naman na tayo. Hmm?" Niyakap ko pa siya. Please, huwag mo akong iwan. Napahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya nang naramdaman kong kumakalas siya.
"A—Agon, h—huwag mo akong iwan, p—please?" Hindi ko makilala ang sarili ko. Noong bata pa ako, habang pinapanood ko si Mamang lumuluhod noon kay Papa, huwag lang kaming iwan nito, nasabi ko noon sa sarili kong kapag may tao mang gustong iwan ako, ihahatid ko pa ito. Pero ito ako ngayon, nagmamakaawa. Pakiramdam ko'y kumalas mula sa akin ang katinuan nang nakakalas siya mula sa pagkakayakap ko. "A—Agon?" tanong ko pa sabay sunod sa kaniyang papasok ng kuwarto. Agad akong lumapit sa kaniya nang nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng durabox niya at iniisa-isa niyang kinukuha ang mga damit niya roon habang hindi nagsasalita.
Pinunasan ko ang luha ko dahil alam ko na ang balak niyang gawin. "Agon naman," iyak ko pa saka ibinalik sa durabox niya ang damit na inilagay niya sa maleta. Ganoon palagi ang ginagawa ko. Kada may inilalagay siya sa maleta niya'y ibinabalik ko ito sa lagayan ng damit niya. "Agon naman, huwag mo namang gawin ito, please?" Sabay balik ko ulit ng t-shirt niya sa durabox. "May mali ba akong nagawa? Sorry, hindi ko na iyon gagawin ulit." Kailan man ay hindi ako nag-sorry nang walang dahilan. At ni minsan, hindi ko naisip na magagawa ko iyon. "Sabihin mo lang Pa, hindi ko na iyon uulitin." Iling ko pa, habang nakatingin pa rin sa kaniya habang deritso lang naman ang tingin niya sa inaasikaso niya. Patuloy kami sa paggulo ng mga damit niya.
Naglagay ulit siya ng damit niya sa maleta, kinuha ko naman ito ulit saka ibinalik sa durabox. Dahil sa ginawa ko'y nakita ko ang ring finger kong wala pa ring suot na singsing. "D—dahil ba ito sa pagsangla ko ng singsing? Bukas, makukuha ko na iyon—" tumayo ako kaagad nang tumayo siya at lumabas ng kuwarto nang walang dala.
Malapit na siya sa pintuan, sa main door nang naabutan ko siya kaya niyakap ko siya mula sa likuran. "Agon please, magsalita ka naman, hindi iyong ipinapahula mo ako sa nangyayari," I cried out. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin. What matters to me right now is I want him to stay. Walang hiwalay-hiwalay lalong-lalo na't nangangapa ako kung ano ang dahilan.
"Arrietty, let go," mabigat ang pagbigkas niya nito, halatang seryoso pero hindi ako bumitiw.
Umiling ako habang nakasandal ang mukha ko sa likod niya. Basa na ang ilang parte ng damit niya dahil sa luha ko. "Sabihin mo muna ang dahilan kung bakit bigla ka na lang makikipaghiwalay. Okay naman tayo kanina, 'di ba?" Tumingin-tingin pa ako sa paligid. "Or pina-prank mo ba ako?" Tumingin ulit ako sa ibang banda, naghahanap ng camerang nakatago. "Kung oo, Agon, hindi ito nakatutuwa. Hindi na ako natutuwa." Hinigpitan ko ulit ang pagkakayakap sa kaniya nang sinusubukan niyang kalasin ang pagkakayakap ko sa kaniya. "Agon please, huwag kang umalis?" iyak ko ulit nang nakakalas na siya.
Hawak ko ngayon ang laylayan ng t-shirt niya. "'Di ba, 'di ba sabi mo, pakakasalan mo ako ulit?" Halos hindi na maintindihan ang sinasabi ko dahil kinakapos ako ng paghinga. "'Di ba sabi mo, sabay nating palakihin ang business natin kasabay ng pagpapalaki ng magiging mga anak natin?" I'm trying to make him remember every of his promises before. And I hope, it will stop him from leaving... but it didn't. "Agon—"
Pinilit niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa damit niya saka walang lingon-lingong lumabas.
Nanghina ang mga tuhod ko dahilan para mapaluhod ako habang pinapanood ko siyang papalayo. Napahawak ako sa tiyan kong sobrang sakit. Gusto ko siyang habulin habang naglalakad siya ngayon sa kalsada, palayo sa akin, pero sobrang sakit na ng tiyan ko. "Agon," bulong ko ulit nang nakita ko siyang sumakay ng jeep. Ni lumingon, hindi niya ginawa. Ilang sandali pa'y unti-unting nagdilim ang paningin ko. Sana... Sana bukas, paggising ko... panaginip lang ito. Sana hindi ito totoo. Sana dala lang ito ng pag-o-over think ko. Sana bukas, nandito ka pa rin.
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...