18
"I was three," saad niya out of the blue. Nakahiga kami ngayon sa kama at matutulog na sana, pero ito't nagsalita siya, "when I first saw my parents arguing." Nakatingin siya sa kisame, habang nakatingin naman ako sa kaniya't iniuunan ko ang braso niya habang naghihintay pa ng sasabihin niya. "I was too young that time. But their lines, their fights were still vivid. And it seemed like it all came back yesterday, when we fought. Your lines were the same with my mama's line... iyong salitang, 'pagod'... 'asawa ako at hindi katulong'... the day after their fight, Mama took me away from Papa... after naman ng pag-aaway natin, ramdam kong nanlalamig ka na— kaya inakala ko na talagang umalis ka na—" his voice cracked. "Akala ko, pagod ka na talaga—akala ko..."
Niyakap ko siya. The pain and fear that his past brought him, is visible on his face. He's trembling. And I wish, I could help. He went through a lot... my Agon went through a lot. Sorry kung dumaragdag pa ako. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, saka siya hinalikan. "I love you Agon... kaya hindi ako mapapagod." Nginitian ko pa siya. "At kung mapapagod man ako, hindi pa rin ako aalis sa tabi mo—just except if the pain you'll bring would be too much to handle... if it would be greater than my love for you... I'll let go... and you know how much I love you... right?"
Nakangiti siyang tumango, kaya napangiti na rin ako, saka pumikit na para matulog, habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. Blame the cold weather for that. "Ara?"
"Hmm?" inaantok kong tanong. Anong oras na kasi.
"Ara?" banggit na naman niya ng pangalan ko gamit ang pinakamahina at pinakamalambing niyang boses.
Idinilat ko na ang mga mata ko saka siya tiningnan. "Hmm?" Namula ako nang nakita ko siyang nakangiti. Agon! Ang landi! Sino ba naman ako para hindi magpalandi?
Ф†Ф
Nagpa-check up ulit ako kasama si Agon. Three months na ng baby namin. Kabilin-bilinan pa ng OB na magdoble ingat faw ako dahil maselan talaga ang pagbubuntis ko. Bumili na rin kami ng panibagong vitamins dahil ubos na ang binili namin ni Tita Cas. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita kong patingin-tingin si Agon sa nalampasan naming shop ng pang-baby.
"Bili na tayo?" hirit pa niya. Mukhang mas excited siya kaysa sa'kin.
"Kapag nine months na si Baby."
Hinawakan niya ang tiyan ko. "Babae ka ba, o lalaki? Bilisan mong lumaki ha? Susundan ka pa namin. Ilang kapatid ba ang gusto mo?" sunod-sunod niyang tanong na nagpapula sa'kin. "Ilang anak ang gusto mo?" This time, sa'kin na siya nakatingin.
"Tatlo?" patanong kong sagot. "Kuya, ate at bunso."
"Ganiyan din ang gusto ko."
Pagkauwi nami'y tinuruan ko siya kung paano magluto dahil gusto raw niyang matuto. After that fight, tumutulong na siya sa gawaing bahay at nakokonsensya pa rin naman ako hanggang ngayon sa way kong pag-ask sa kaniya na tumulong.
"Ahhh... Ara?"
"Bakit?" tanong ko habang kumakain kami. Iniangat ko pa ang tingin ko para makita siya. Mukha siyang nag-aalinlangan. "May sasabihin ka?"
"May nangre-recruit kasi..."
"At?"
"May nakilala akong recruiter from Aldhi."
Tinaasan ko siya ng kilay para ipagpatuloy ang sasabihin niya. Paputol-putol kasi at parang sobra ang pag-aalinlangan. "Recruiter from Aldhi, and?"
"Nagustuhan niya ang boses ko."
"That's great!" Ngiti ko. Syempre, ako ang unang-unang matutuwa bukod sa kaniya dahil ako ang number one fan niya. "Tapos?"
"Inaaya niya akong mag-abroad," pagpapatuloy niyang nagpawala ng ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...