19
"Ang mahuhuli—"
"Mangmamasahe?"
"Syempre hindi. Baka sa iba na naman mapunta kamay mo," saad niyang ikinapula ko. Akala ko, makapupuntos.
"Pitik na naman?"
Umiling siya.
"Ano?"
"Maghuhugas ng pinggan mamaya."
"Eh?"
"Kilala ko ang lalaking iyon. Kapag kumakain, may sawsawan pang mantika." Tama siya. Hindi makakakain si Kuya na walang sawsawang mantika. Vegetable oil naman ang ginagamit niya pero hindi ko maiwasang mag-alala para dito.
"Ayaw ko. Buntis ako. Gusto mo akong madapa?"
Tiningnan niya ako. "Oo nga pala." Sabay bukas ng pinto. "Tara?" At nauna na siya sa pagpasok sa bahay. Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.
"Pa'no ka na naman nakapasok?" Imbis na kumustahin ni Agon si Kuya, ay ito pa ang ibinungad niya rito. Though, gusto ko rin iyong itanong kay Kuyang nakadekwatro ngayon sa sofa habang umiinom ng beer in can.
"Binaril ko lang naman iyong padlock."
"Kuya!" sigaw ko sabay lapit sa padlock para i-check kung nabaril nga ito pero mabuti't hindi. Narinig ko pa si Kuyang patawa-tawa. Dating seryoso naman si Kuya. Naging palabiro lang noong naghiwalay sila ni Ate.
"Utouto talaga," tawa pa niya. "Kilala ko kayong dalawang mahilig ilagay sa ilalim ng pot ang susi, kaya iyon." Sabay tayo niya. "Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"
Ngayon lang naman nanubig ang mga mata ko. Agad akong lumapit sa kaniya saka ko siya niyakap. Hindi nga lang mahigpit dahil may baby ako sa tiyan ko. "Ba't ngayon ka lang?" iyak ko pa sabay singhot.
"Busy. Fourteen hours ang duty ko sa Jacinto. Iba pala ang kalakaran doon. Hindi lang ako sumaludo sa nakakataas, ginawa na nilang fourteen hours ang duty ko."
"Halata nga ang pagiging busy mo," Agon commented. "Kitang-kita sa uniform mo."
Ngayon ko lang napansin ang suot niyang uniform. Naka-complete uniform kasi siya. Suot din niya ang cap niya. "May gagawin ka ba rito kaya ka dumalaw?" medyo nagtatampo kong tanong.
"Wala. Nag-uniform lang talaga ako para ipakitang pulis ako."
"Proud?" halatang nang-aasar na tanong ni Arris habang umiinom din ng alak.
"Hindi. Nabalitaan ko kasing tirador daw ng pulis ang mga taga-Baguio kaya ito. Malay n'yo, baka may mabingwit ako rito." Kibit -balikat niyang nagpangiti sa'kin. Mabuti't naka-move on na siya kay Ate Maiden.
"May irereto ako sa'yo." Sabay upo ko sa tabi niya.
"Kung isa lang din sa tatlong nurse, huwag na lang."
"Hindi! Tagarito!"
"Huwag na. May nakita na ako. Tinarayan ako. Nagtanong lang ako kung saan dito ang Extraordinary na restaurant dahil iyon ang sinabi ni Boss Cas na pinakamalapit dito, pero ayon, tinarayan ako."
"At iyon na ang type mo? Mataray?" hindi makapaniwalang tanong ni Agon. Pareho ulit kami ng tanong. Kilala kasi namin si Kuyang mahinhin ang type niya. Kaya nga siya hulog na hulog kay Ate Maiden.
"Hindi. Ayaw ko sa mataray." Ngumiti pa siya't halatang nag-i-imagine. "Pero exempted siya sa mga ayaw ko. Iba tama ko sa kaniya buddy."
Umiling naman si Agon na halatang nasusuka sa sinabi ni kuya. "Total at nandito ka na rin, baka may balak kang balitaan kami tungkol sa Chris na iyon? Saka si Tita, nahanap mo na? Ilang buwan na ah."
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomantizmArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...