7
"Kahit bayaran n'yo ulit ako ng milyon... hindi kita mamahalin."
Nanghina ako bigla dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay matutumba ako anumang oras. Kumapit ako sa laylayan ng jacket niya bilang suporta. Mas napahigpit ang kapit ko rito noong pinunasan niya ang duguan kong labi gamit ang daliri niya. Mas lalong napahigpit ang pagkakakapit ko sa jacket niya nang halikan ulit niya ako.
"I can kiss you as passionate as this, but Ara, take note of this, I will never love you," he said that made my tears to flow enevitably. He is busy kissing me as his right hand is combing my hair using his fingers. While on the other hand I'm still crying. He's kissing me, gently, but it feels like a torture. I badly want to push him away, but I'm too weak enough to do so. Wala akong ibang magawa kung hindi ang lumuha nang walang hikbi.
Sa wakas ay lumayo na siya mula sa akin saka inayos ang buhok ko. Maya-maya pa'y niyakap niya ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko pagkasandal ng mukha ko sa dibdib niya, habang abala pa rin siya sa pagsuklay ng buhok ko. Amoy na amoy ko ang pabango niyang amoy lavender. Nakakakalma ang amoy nito pero hindi ko magawang kumalma. Akala ko ay tapos na siya sa pang-to-torture sa akin kaya yayakapin ko na sana siya pabalik nang nagsalita ulit siya...
"I can hug you as tight as this for hours, or even for years... but Ara, I can't love you. And even if I can, I don't wanna love you." He then kissed my head. "Itatak mo iyan sa isip mo ha? Hindi kita mamahalin."
Ф†Ф
I don't know how did I get home after what happened earlier. Sa kuwarto ako dumiretso saka nagmukmok. Mabuti't hanggang ngayon ay wala si Kuya.
"I can't love you. And even if I can, I don't wanna love you."
Parang sirang plaka iyang paulit-ulit kong naririnig. Habang nagpapaulit-ulit naman iyan ay parang hindi nauubos ang mga luha ko sa pagtulo. Pumikit ako. Hindi rin naman kita mahal. Ang tanda mo kaya. Ang sama pa ng ugali mo.
Pumatak ulit ang mga luha ko dahil habang inuuto ko ang sarili kong wala akong nararamdaman para sa lalaking iyon, ay mas naitatatak sa aking mayroon, kaya nasaktan ako sa sinabi niya. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya sa kabila ng ginawa niya. Isa pa ay alam kong kasalanan ko rin naman kung bakit niya iyon ginawa.
Ф†Ф
"Anong nangyari sa lips mo?" tanong ni Kuya.
Yumuko ako at napatingin sa pagkain naming kanin at ulam na tuyo lang dahil kailangan daw naming magtipid. "Nadapa lang po."
Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kaya kinabahan ako. Pakiramdam ko'y isa akong kriminal na nasa interrogating room at inaalam ni Kuya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. "Anong ginawa mo sa Rizal nang dis-oras ng gabi? Alam mo namang teritoryo iyon ni Chris, 'di ba? At sa bar ka pa talaga nagpunta?"
"I—inutusan po kasi ako ni Kuya Zack na sunduin si Agon kahapon."
"Sunduin?" Taas kilay niyang tanong, halatang hindi makapaniwala sa narinig. "Inutusan ka ni Zack na sunduin si Agon na mas matanda kaysa kaniya?" tanong ulit niya noong tumango ako. Muli naman akong tumango. "Lokong iyon." Iling noya ng dalawang beses bago sumubo ng kanin. Maya-maya'y tumingin sa'kin. "Nasundo mo naman siya?"
Umiling ako bago tumungo at tumingin sa pinggan ko. Parang nawalan ako bigla ng gana para kumain.
"Talagang hindi mo iyon masusundo dahil hindi naman iyon bata para magpasundo. Kaya sa susunod na utusan ka ulit ni Zack, huwag mong susundin. Alam mo naman ang kuya Zack mo, loko-loko."
"Opo."
Bumuntong-hininga siya. "Kain ka na... iwasan mo na rin pala ang kuya mo Agon," diin niya sa 'kuya'. "Kung si Zack, baka puwede pa iyong mahulog sa'yo. Pero si Agon? Malabo pa sa malabo. Kaya habang maaga pa, umiwas ka na. Okay?"

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
Roman d'amourArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...