14
"Sa'n ba tayo pupunta?" curious kong tanong habang palabas na kami ng bahay. Ang tigas niya. Sa sofa nga siya natulog kagabi. Akala ko lilipat siya sa kama kapag nakatulog na ako dahil sobrang lamig, pero hindi! Mukhang sanay na siya sa lamig ng Baguio.
"Sa isang park." Tumingin siya sa kabilang banda. "Huwag kang kiligin dahil hindi ako ang may ideya nito kundi si Boss. Sagot ni Boss ang gastos kaya sulitin na natin."
Ngumiti naman ako habang nakatingin pa rin siya sa kinalalagyan ng kotse niya. Halatang nagsisinungaling kasi siya. "E para saan naman iyang dala mo?" tanong ko na lang na ang tinutukoy ay iyong dala niyang malaking bag.
Nilingon niya ako. "Sa hotel tayo matutulog mamayang gabi kaya nagdala na ako ng pangpalit natin bukas."
"Hotel?!"
"Pauso ito ni Doc Sherwin. Sakyan mo na lang." Oo nga pala, sinabi ni Doc na siya na raw ang bahala sa pang-'honeymoon' namin.
Nginitian ko na naman siya. "So ngayon tayo magh-honeymoon?"
"Ang dumi mo mag-isip. Matutulog lang tayo doon."
"Anong marumi? Mag-asawa tayo, kaya normal lang." Sabay taas baba ko ng kilay. "Dapat nga open ka roon dahil sa'ting dalawa, ikaw ang nurse."
Binigyan na lang niya ako ng hindi makapaniwalang tingin bago pumasok sa kotse.
Sumunod ako sa kaniya saka inilibot ko ang tingin sa kotse niyang hanggang ngayon ay pinagtatakahan ko pa rin kung paano niya nakuha. Maski ibang nurse kasi, nagtataka rin. "Ang ganda ng kotse mo," panimula ko. "Bigay ni Doc?"
"Nope. Regalo ng mama mo."
"Eh?" Demonyo si Mama sa kaniya, kaya hindi ako makapaniwala.
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan dahil maski ako, hindi rin makapaniwala." Iling niya. "Akala ko nga, uutusan niya ako noong pumatay kaya niya ako binigyan ng sasakyan."
"Sobra ka naman kay Mama!"
Dahan-dahan siyang tumango nang nakapikit at halatang pleasure na naman para sa kaniya ang sinabi ko. "You missed her?" tanong niya makalipas ang ilang segundong katahimikan, habang nagmamaneho.
"Oum." Tango ko. Syempre, isa si Mama sa mga dahilan kung bakit ako lumaban sa dalawang sakit na iyon. Normal lang na ma-miss ko siya kahit pa ganoon ang naranasan kong pagtrato niya noong magaling na ako. Kilala ko si Mama as magagalitin. Pero alam kong hindi niya ako kayang murahin. Nagawa lang talaga niya yata iyon dahil sa influence ng droga.
"Nahanap na ba siya ng kuya mo?"
Umiling ako.
"Sa liit ng Pinas, hindi pa rin siya mahanap?"
"Si Kuya lang kasi ang naghahanap. Ayaw niyang ipaalam sa kapulisan."
Tumango-tango siya. "Speaking of that coward. May alam ka bang rason kung bakit hindi ko siya ma-contact?"
"Ang sabi ni Tita Cassidy noong tinanong ko kung saan si Kuya—"
"Cassidy? Iyong barat na kaibigan ng mama mo, na isa ring barat, na tita ni Old Woman?"
"Agon, your words!"
"What? Idini-describe ko lang siya?"
"Oo. Siya nga," suko kong saad. "Sa kaniya ako nagtanong dahil taga-Jacinto siya. Sabi naman niya, busy lang talaga si Kuya dahil sunod-sunod na operation anti drugs ang isinasagawa nila."
"That jerk. Mas mahal pa niya ang trabaho niya kaysa sa'ting kapatid niya."
"Maski ba naman sa trabaho niya, nagseselos ka?"

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...