C13 stan vxon

1.2K 22 1
                                    

13

"Lumayo-layo ka sa asawa ko habang kalmado pa ako."

Pareho kaming napatingin ng lalaki sa stage, kung saan nakatayo na ngayon si Agon at nasa tapat pa ng bibig niya ang mike. Did he just broadcast that I'm his wife?! Basta niyang ibinaba ang hawak niyang gitara kaya nakagawa ito ng tunog. Iyong masakit sa tainga. Agad naman itong inayos ng ibang staff dito. Nang tinanggal ko na ang tingin ko sa harapan, ay nakita ko si Agon na nasa tapat ko na.

"Asawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ng lalaki, habang itinuturo si Agon.

"Oo. Bakit? May angal?" maangas na tanong ni Agon na parang nang-aaya ng away.

"Agon."

"Call me loves, honey, sinta— or any creepy endearments under the sun that you used to call me whenever we're making love, Love." Ngiti pa niya sa'kin.

Making love? Kailan pa nangyari iyon?! Ni wala ngang nangyayaring kababalaghan sa'min kaya anong sinasabi niya? Ramdam kong ang awkward na ng paligid. Maski itong lalaki, naiilang na. Sino bang hindi maiilang? E binanggit lang naman nitong kaharap namin iyong bagay na dapat ay private?

"Ahh..." Kinamot ng lalaki ang batok niya at halatang ilang na ilang na at halos yakapain na niya ang tray na hawak niya. "May gagawin pa pala ako do'n. Sige, maglabing-labing na kayo."

"Sige. Umalis ka nang malandi ka." Sinundan pa ni Agon ng masamang tingin ang lalaking halos tumakbo na makalayo lang mula sa amin.

"Anong kaguluhan ito?" tanong ng lalaking nasa hagdan at halatang galing lang sa second floor. Base sa suot nitong polo at slocks, at tindig niya'y halata nang siya ang nagmamay-ari ng restaurant.

"Nilalandi nila ang asawa ko Sir."

Tumawa naman ang lalaking tinawag ni Agon na sir. Kanina'y mukhang istrikto ito, hindi naman pala. Saka ko lang na-realize na kaibigan nga pala ito ni tito Sherwin, kaya malamang, mabait din ito. "So you're Arrietty?" Baling niya sa'kin.

"Opo," magalang kong sagot kahit pa nagtataka ako kung paano niya ako kilala.

"Do you still remember my son?"

Nilingon ko si Agon dahil baka ito ang kausap ng sir, pero mukhang ako pala. "Alin po sa mga anak mo?" tanong kong ikinatawa niya nang mahina.

"I only have a son." Umupo siya sa upuang hinila ng babaeng staff na nanglandi kanina kay Agon, para sa kaniya. "His name is Eioua."

"Iyong kasama ko po noon sa hospital! Kumusta na po siya?" Ngiti ko nang naalala ko ang binanggit niya. May sakit ito sa kidney at kagaya ko'y rare din ang dugo nito kaya nahirapan sila sa pagbili ng kidney.

"Okay na siya. Maraming salamat sa kaibigan mo," tukoy niya kay Min. Miss ko na ang batang iyon. "Sa iyo rin, dahil nabanggit sa'kin ng doctor na ikaw raw ang nag-suggest na ibigay sa anak ko ang kidney ng kaibigan mo."

"Wala po 'yon!"

"Anyways, miss ka na pala niya—"

"Sir," sabad na naman ni Agon na nandito pa pala. "Mawalang galang na po ha?" Sabay akbay sa akin. "Pero pinoproblema ko na nga iyong ilang karibal ko, dadagdagan mo pa?"

"Agon!" sita ko, natawa lang naman ulit si Sir.

"I'll say this once more, call me love. Tawagin mo akong mahal. Itinagalog ko na."

Namula ako sa sinabi niya, pero mas natawa ang kaharap namin. My God! Nahawa na ba siya sa kalandian ko? Hindi ito puwede! Ako lang dapat ang malandi eh!

"Huwag kang mag-alala, Agon. Binatilyo pa ang anak ko." Sabay harap niya sa'kin. "Six nga pala bukas. Mag-iisang buwan na kayong kasal bukas. Hindi ako nakapagbigay ng regalo noong kasal ninyo, kaya ngayon ko na lang ibibigay." Hinarap naman niya si Agon. "Pinapayagan kitang mag-day off bukas. Pero hindi ikaw ang binibigyan ko ng special treatment, kundi itong missis mo." Tinapik niya ang balikat ni Agon. "Sige, alis na ako." Palabas na si Sir nang huminto siya, saka kami nilingon, kaya agad kong tinanggal ang kamay ni Agon na nakapalibot sa baywang ko. "Nga pala Agon, iyong gitara. Huwag basta-bastang ibinabagsak. Okay?"

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon