C38

1.5K 26 2
                                        

38

'Oct six ngayon. Ika 26th namin. Ilabas mo ang asawa ko, please. Kahit sa salon lang. May pera akong naiwan diyan sa durabox na blue kung wala kang pinapasok diyang magnanakaw, malamang nandiyan pa iyon'

'Gamitin ninyo iyon pangsalon. Ikaw ang marunong sa mga bagay na ganon, ikaw na ang bahala. Basta dapat maramdaman niyang maganda siya. Sobrang insecure kasi ng asawa ko, wala pa naman ako sa tabi niya para ipaalala kung gaano siya kaganda'

Nanubig na naman ang mga mata ko dahil sa nabasa kaya hindi ko na itinuloy ang pagbabasa. Napatingin ako sa cellphone ko nang nag-beep ito. Si Agon pala ulit ang nag-text.

'Paakyat na akong bundok. Usap tayo'

Hinintay ko naman siyang makakalap ng mas malakas na signal. Ilang minuto pa'y nag-ring na ang phone ko. Nagv-vc siya. "Oh?"

"Anong oh?" Medyo madilim sa kinaroroonan niya pero halatang nakakunot noo siya. '"Di ba sabi ko, mag-load ka?"

"Sayang pera."

"Ngayon lang naman. Alam kong kuripot ka sa sarili mo, pero sana, ipinagpaliban mo ang araw na ito sa kakuriputan mo. Birthday na birthday natin, muntik nang hindi tayo magkausap."

Nanlaki ang mga mata ko saka tumingin sa calendar. Birthday nga pala namin ngayon. "Oo nga ano? Muntik ko nang makalimutan!"

"Anong muntik? Nakalimutan mo na nga e."

"Sorry, ikaw lang kasi ang nasa isip ko," banat ko. Kita ko naman ang pagngiti niya. May bonfire kasi yata sa tapat niya.

"Ako ang nasa isip mo, pero natitiis mo ako?"

Ilang segundo akong nanahimik. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ang plano ko. "Okay ka na ba?"

Tumango siya. "Puwede na ba akong pumunta riyan?" parang bata niyang tanong at bakas ang pagmamakaawa.

Suminghot ako. Gustong-gusto ko na siyang makasama rito. Hindi ko namamalayang napatango ako.

"Talaga? Aakyat na ba ako riyan bukas?"

"Hindi pa. Mag-celebrate muna tayo riyan ng birthday natin kasama ang kapamilya mo tapos magpaalam ka na sa kanila." Bahala na si Batman. Pero kasi, mukhang ako naman na ang magkaka-mental illness kapag hindi ko siya kasama. Maya-maya'y nagpaalam na kami sa isa't isa. Sakto namang nanakit ang tiyan ko. Pagbalik ko rito, bumalik naman itong sakit ng tiyan ko. Hindi naman ako puwedeng mag-take ng pain reliever dahil wala namang deperensiya sa tiyan ko. Talagang nagmarka lang talaga sa akin iyong sakit na naramdaman ko noong tinanggal nila sa tiyan ko ang bahay bata.

Gusto kong huwag maalala ang baby ko, pero naaalala ko ito kaya mas sumasakit ang tiyan ko. Huminga ako nang malalim kagaya ng itinuro sa akin ni Ella. Effective naman ito. Medyo humupa na ang sakit hanggang sa nakatulog na ako.

Ф†Ф

"Alagaan mo ang anak ko doon ha?" habilin ni Mama. Tumango naman ako. Binalingan niya si Agon na busy sa paghuhugas ng mga pinggang pinagkainan namin. Nagsagawa kasi kami ng kaunting salo-salo. Para sa birthday namin ni Agon at thanksgiving na rin dahil kahit papaano'y gumaling si Agon.

"Sorry po at napaaga ang pag-alis niya," paghingi ko ng pasensiya. Sana, huwag nilang isiping madali lang para sa aking ilayo mula sa kanila ang anak nila, ngayong medyo okay na ito.

Ngumiti naman siya. "Hindi mo kailangang manghingi ng pasensiya anak. Dapat nga'y magpasalamat kami sa iyo dahil sa laki ng sakripisyo mo para sa kaniya. Halos wala ka nang pahinga dahil pabalik-balik ka rito. Isa pa'y gustong-gusto ka nang makasama ng anak ko. Kita naman yata sa ngiti niya, hindi ba?"

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon