C33

464 12 2
                                    

Inatake ako ng kaba. Humigpit ang pagkakahawak ko sa nanlalamig din na kamay ni Ella bago ko siya tiningala kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. "Bakit nasa TV si Aditty?" tanong ko bago nilingon ulit ang TV. "B—bakit siya nakaposas?" Humakbang ako palapit sa TV saka nilingon si Ella. "M—mabait naman si Aditty— anong—anong nangyari?" putol-putol kong tanong sa gitna ng mga hikbi ko, habang nanatili lang namang tahimik si Ella. "Bakit nila sinasabing siya ang mastermind n'ong balita kahapon tungkol sa walong OFW na nag-abroad sa Aldhi?" tanong ko pa. Hindi ako tanga. Alam ko ang nangyayari sa paligid ko. Hindi ko lang tanggap at ayaw kong tanggapin. "B—bakit—"

"Arriya." Sabay yakap sa'kin ni Ella, saka ko lang na-realize na humahagulgol na pala ako.

"Ella, please, sabihin mo, mali ang iniisip ko... na ligtas ang asawa ko, please?" pagmamamakaawa ko sa gitna ng hagulgol ko at hindi ko alam kung naiintindihan ba niya.

Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko kahit pa kino-comfort ako ni Ella. At kahit pa yakap niya ako ay napaluhod pa rin ako habang humahagulgol pa rin. "A—Agon..." bulong ko habang nakapikit at niyayakap nang mahigpit ang kaibigan ko. Gusto ko mang isiping okay lang doon si Agon para hindi na ako mag-overthink ay hindi ko magawa dahil sa pag-comfort ng kaibigan ko. "Ang asawa ko..." muli kong bulong dahil wala na akong boses.

"Tahan na," patuloy sa pagpapakalma sakin ni Ella. Humihikbi siya. "Hindi matutuwa si Agon kapag uuwi siya't malalaman niyang umiyak ka gaya nito."

Sa sinabi niya'y tiningala ko siya para makita kahit pa nanlalabo ang mga mata ko. "Uuwi siya ngayon?" paos kong tanong, pero ayaw kong malamang uuwi nga ang asawa ko ngayon. Kasi ngayon ipupunta rito ng pamahalaan sa Aldhi ang mga bangkay ng mga biktima ni Aditty. Nakahinga naman ako nang maluwag noong umiling si Ella.

"Sa Lunes pa raw."

Sabado ngayon. Meaning, dalawang araw pa. Medyo matatagalan, pero nakahinga ako kahit papaano. Pero habang nakatingin ako sa mukha ni Ella at ni Kuya na nandito rin pala kasama ang ilang pulis, habang binibigyan nila ako ng naaawang tingin ay parang gusto ko ulit maiyak dahil naalala ko bigla iyong mga binanggit n'ong nagbabalita tungkol sa trahedyang sinapit n'ong walong OFW.

Tuluyan naman na akong naiyak noong binilinan kami ng isa sa mga kasama ni Kuya. Na kung makikita man daw namin si Agon ay huwag kaming mabibigla.

Ф†Ф

Gabi ng Miyerkules. Noong gabi pa ng Lunes nakabalik si Agon at iyong isa pang naka-survive mula sa kademonyohan ni Aditty. Lumuwas na rin ako dito sa Manila noong Linggo pa lang, pero ngayon ko lang siya makikita. Ako lang ang ipinapasok nila sa private room kung saan nakakulong ang asawa ko dahil ayaw raw niyang magpapasok ng ibang tao, maliban kay Ara, na walang iba kundi ako.

"Huwag kang mabibigla sa lagay niya ma'am ha?" tanong ng nurse kaninang papasok ako. Pang-ilang beses na nila akong sinabihang huwag daw akong mabibigla sa lagay ng asawa ko habang panay naman ako sa pagtango.

Inihanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng maabutan ko, pero pagkabukas ko ng pinto'y napahigpit ang pagkakakapit ko sa door knob noong nakita ko ang lalaking nakaupo sa kama. Walang kurap-kurap na tumulo ang luha ko habang parang gusto ko nang magwala at umiyak na lang. Hindi ganitong muling pagkikita ang pinangarap ko. Maayos ko siyang inihatid sa airport.  Bakit marami na siyang mga pasa ngayon? "Agon..." iyak ko. Mas nangilid ang luha sa mga mata ko noong tumingin siya sa banda ko. Hindi ko siya makilala hundi dahil sa luhang pumupuno sa mata ko, kundi dahil sa maraming pasa ang mukha niya.

"A—Ara?" mahinahon niyang tanong, na parang nabuhayan ng loob, na nagpatubig na naman ng mga mata ko. "I—ikaw na ba 'yan?" Ngumiti pa siya pero mas naiyak lang ako. Tinakbo ko ang ilang hakbang na layo ko mula sa kaniya saka siya niyakap habang pinipigilan ko ang paghagulgol. Niyakap naman niya ako pabalik saka tinapik-tapik ang balikat ko. "'Di ba sabi ko sa'yo... babalik ako?" tanong na siyang tuluyan nang nagpahagulgol sa akin.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon