22
"Agon! Ang dugyot mo!" reklamo ko sabay tanggal ng kumot na nakatakip sa mukha ko, saka huminga dahil pakiramdam ko kanina'y na-suffocate ako sa utot niya. Tawang-tawa lang naman siyang kumaripas palabas. He's getting worse! Halos araw-araw, iba-iba ang way niya pang-greet ng good morning! Minsan, iki-kiss niya ako sa noo. Minsan naman, pipisilin niya ang pisngi ko. Ngayon, ganoon na!
Antok na antok pa rin ako habang palabas ako ng kuwarto kahit alas otso na. Kada talaga umuulan, napapasarap ang tulog ko. Malakas ang bagyo ngayon kaya naisipan naming huwag munang buksan ang puwesto. Si Agon naman, wala ring pasok dahil magsasara din ang Extraordinary. "Ang aga-aga, kademonyohan na naman ang inaatupag mo!" Nguso ko nang naabutan ko siyang naghahanda na ng pang-almusal.
"May oras ba 'yon?" asar niya't halata pang ginaya niya ang linya ko kada nilalandi ko siya.
Hindi ko na lang siya pinansin saka lumapit sa stove.
"May nailuto na nga ako, magluluto pa."
"Noodles ang gusto ko ngayon." Hindi naman na siya nagsalita. Masyado siyang matipid pero pagdating sa cravings ko, hindi niya tinitipid. Mabuti nga't hindi mamahalin ang mga gusto kong kainin. Nang hindi siya nakatingin ay nilagyan ko ng maraming sili ang noodles. Nasabi kasi niya kagabing wala lang siyang panlasa, hindi naman daw manhid ang dila niya kaya malamang ay maaanghangan siya sa ipapakain ko sa kaniya. "Kain na tayo?" Ngiti ko saka inilapag sa tabi niya ang iniluto ko. Agad naman niya itong nilantakan habang naghihintay ako ng reaction niya.
"Ang anghang!" sigaw niya sabay inom ng gatas. "Wala na ngang kalasa-lasa, sobrang anghang pa!" reklamo pa niya na akala mo naman kung kasalanan ng luto ko kung bakit hindi niya ito malasahan. Maluha-luha ang mga mata niyang tumingin sa'kin at tingin pa lang niya'y mukhang handa na siyang gawin ang naipong pambihirang trip sa utak niya. Napatingin ako sa labas na malakas pa rin ang ulan. Oh no, mukhang magiging aso't pusa na naman kami, Nanay Lolita! Tulong! Tumawag ka ng mga pulis! Pinapatay ako ni Agon sa kiliti!
Ф†Ф
Alas tres nang hapon, wala pa ring tigil ang ulan kaya na-stuck pa rin ako rito sa bahay kasama ang demonyo. Para maging productive ang araw ko ngayon ay naisipan kong gumawa ng FB page para sa small business namin. Si Ella ang nag-suggest. Nagdagdag na rin kasi kami ng burgers, fries and shake dahil palagi nila itong itinatanong. Naisipan naman naming gumawa ng page para dito na lang sila mag-message instead na sa main account ko dahil natatabunan ito ng messages ng tatlong nurse na maraming accounts na puro poser accounts.
"Pa'no na nga ulit?" tanong ko sa katabi ko habang nakatitig sa screen ng laptop ko dahil hindi ko alam kung paano iyong sinasabi niya.
"Akin na nga!" Sabay kuha mula sa'kin ang laptop. Kanina pa kasi niya itinuturo kung ano ang gagawin, pero dahil sa hindi talaga ako palagamit ng social media, ay nai-igno ako sa itinuturo niya. "Hindi ako galit." Sabay akbay niya sa'kin. Akala yata niya, na-offend ako sa pagtataas niya ng boses sa'kin. Sa tinagal-tagal na nakasama ko siya, sanay na akong napagtataasan niya ng boses. Kita ko namang sinusubukan niyang tanggalin ang pag-uugali niyang iyon, kaya iniintindi ko siya. Iba talaga ang anger issue niya. Mabuti't nagawa pa rin niyang maging crim student. "Okay na. Open mo na."
"Ano ang password?"
"Iyong account ko ang i-open mo. Connected na iyon doon. The password is your name. No space," saad niyang nagpapula sa'kin. Hindi ko kasi inakalang may pagkaganito siya.
Napakunot noo ako nang 'incorrect password' ang sinasabi ng app. Nilingon ko siyang tatawa-tawa ngayon habang nakatingin sa laptop. Nanonood yata. Sinubukan ko pa ang ibang pangalan kong itinatawag nila sa'kin, pero mali talaga. "Complete ba?"
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...