Hanggang dito sa restaurant kung saan kami magtatanghalian ay sobrang ingay pa rin ng tatlo at puro guwapo ang usapan nila habang kami naman ni Ella ay abala sa pagluluto.
"Mukhang ang sarap tumira dito! Ang daming guwapo!" tili ni Nami na halatang sawa na sa mga nakikita niya sa hospital.
"Kapag ako talaga, nakapag-ipon, bibili ako ng lupa dito tapos dito na ako titira."
Umiling na lang ako habang nakikinig sa usapan nila saka nagpatuloy sa pagluluto. Napatingin ako kay Ella na kanina pa tingin nang tingin sa dining area kung nasaan ang tatlo. "Bakit?"
"Ganiyan ba talaga ang mga iyan?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Oo. Iyang inaasta nila ngayon, may mas iw-worse pa iyan." Pero sa kabila n'on, mahal na mahal ko pa rin naman silang tatlo. Hanggang salita lang naman kasi sila. Napatingin ako sa labas nang may pumaradang kotse. Nanlaki naman ang mga mata ko nang nakita ko si Kuyang palabas ng kotse. "Kuya!" tili ko mula rito sa loob na tinawanan ng tatlo.
"Merry Christmas, sinabi niyang huwag daw naming sabihing pupunta siya rito." Ngiti ni Jane.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Kuyang hindi na naka-uniform unlike noong first niyang punta rito. Pagpasok niya'y napatingin siya kay Ella. Pansin ko pa ang pagkagulat sa mukha niya, samantalang busy lang naman si Ella sa pag-aayos ng hapag. Kumuha pa ito ng isa pang plato para kay Kuya. Mabuti't kahit napaka-man at pulis hater niya'y sinusubukan pa rin niyang makibagay.
"Kuya, si Ella nga pala," pagpapakilala ko kay Ella nang tapos na kaming magyakapan. "Ella, si Kuya Arris."
Inilahad ni Kuya ang kamay niya para sa shake hand, pero ngiti lang ang isinagot ni Ella. Pahiya si Kuya! Si Ate Maiden pa lang ang nakagagawa n'on! Sa itsura kasi ni Kuya'y nagkakandarapa halos lahat ng mga babae mahawakan lang siya. Maski nga itong tatlong nurse, crush din si Kuya. I mean, isa si Kuya sa mga crush nila.
Ф†Ф
"Anong number n'on?" tanong ni Kuya. Nasa bahay na kami ngayon dahil gabi na. Nakaalis naman na ang tatlo.
"Si Ella?"
Tumango siya.
"You stand no chance to her, she hates men."
"Hindi ko kailangan ng opinion mo, Agon. Pansin ko, lahat na lang ng type ko, inaayawan mo."
"Hindi sa ayaw ko sila. Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Tama siya," segunda ko kay Agon.
"Pati ba naman ikaw?"
"E wala ka ngang pag-asa kay Ella, ayaw niya sa mga lalaki. Mas lalong ayaw niya sa mga pulis."
"Just like Maiden," Agon commented. "Baka na-trauma siya sa mga pulis. Kayo kasing mga pulis, wala kayong iniambag sa buhay ng mga babae maliban sa pagbibigay ng trauma."
"So, anong number niya?" pamimilit pa ni Kuya na hindi pinansin ang sinasabi ni Agon.
"Itatanong ko muna kung okay lang sa kaniya." Itinext ko si Ella after. 'K' lang naman ang reply niya, kaya ibinigay ko na nga ang number niya kay Kuyang abot langit ang ngiti. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kasaya mula nang naghiwalay sila ni ate Maiden.
"Hulaan ko, siya iyong sinabi mong nangtaray sa'yo noong huli mong punta rito?" Agon asked.
"Siya nga. Akala ko, hindi ko ulit iyon makikita." Nakangiti pa ring saad ni Kuya habang nakatingin sa phone niya.
"Ano pang ginagawa mo? I-text mo na!"
"Ayaw ko. Nahihiya ako," sagot ni Kuya kay Agon. May hiya pala ito? Sa kanilang tatlo, siya ang pinakababaero. Si Kuya Zack, pinaka-loyal. Si Agon, pinakawalang pakialam.
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomansaArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...