C25

629 9 2
                                    

25

"Aray! Hindi mo talaga ako mahal!" Nguso ko habang sapo-sapo ko ang noo kong pinitik na naman niya. Nagbiro lang naman ako.

Ngumiti siya at halatang guilty sa ginawa niya saka hinalikan ang noo ko. Kung ito ba naman ang way niyang mag-sorry, willing akong magpapitik segu-segundo. "Kontrolado ko naman kasi dapat ang pagpitik ko, kaso ikaw naman kasi, isinalubong mo ang noo mo. Ayan tuloy, napalakas." Hinalikan ulit niya ang noo ko. Nang inilayo na niya ang mukha niya sa akin ay kumunot ang noo niya. "Bakit?"

Mas napanguso naman ako. "Halikan mo rin ako sa lips— aray! Agon naman!" Pinitik kasi niya ang labi ko. Mahina lang naman, OA lang ako. Napangiti ako noong hinalikan niya ito. Lalaking ito! Kailangan talaga muna niya akong pagtripan bago siya maging sweet. Umayos na siya ng upo saka itinutok ulit ang tingin sa TV. Love story ang pinapanood namin. Tungkol sa reincarnation.

"I love you! Eversince the time immemorial, I love you..." saad ng leading man. Napatingin ako kay Agon dahil napansin kong nakatingin siya sa akin at nakatingin nga.

"Do you believe with the title of that nonsense love story?" tanong niya sabay turo sa TV.

"When history repeats itself?"

"No. With the words, 'history repeats itself'."

Nagkibit balikat ako dahil wala lang naman sa akin ang sayings na iyan.

"E anong comment mo tungkol diyan?"

"Wala." Sabay kain ko ng mansanas. Mabuti't hindi naninilaw ang ngipin ko kahit pa panay ang pagkain ko nito. Ginagawa ko kasing toothpaste ang abo. Itinuro iyon sa akin noon ni Agon. Mabuti talaga't best in science ang napangasawa ko. Minu-minuto akong nakakakalap ng trivia. "Ikaw? Naniniwala ka?" tanong ko dahil nanahimik na siya.

Nagkibit balikat siya. "Dati hindi. Pero ngayon, mukhang oo na." Sabay tingin niya sa akin, at kumuha pa ng slice ng apple. "I used to say, history is brainless and so it can't repeat itself. Not until I saw history repeating itself right before my eyes."

"So naniniwala ka?"

"Medyo? Ang hirap maniwala e."

Nag-isip ako. "Ako hindi." Binigyan niya ako ng question look kaya nagpatuloy ako, "Para kasi sa akin, walang kakayahan ang history na ulitin ang sarili niya. Tayong mga tao lang ang umuulit n'on. But people being people, we always blame others whenever the outcome of our doings are negative. Tapos ang sinisisi natin, iyong history kahit pa halata namang tayo lang din ang may kasalanan. Kung tao lang yata iyang history, baka inis na inis na iyan sa atin dahil palagi natin siyang sinisisi sa mga bagay na hindi naman niya kasalanan."

Ngumiti siya sa mga sinabi ko. "Pareho pala ang liko ng pag-iisip natin." Ibinalik ulit niya ang tingin sa TV at ganoon din naman ako. Napatingin nga lang ako sa ibang banda dahil sa kissing scene ang naipapalabas ngayon, samantalang casual lang naman sa panonood itong kasama ko. Oo nga pala, dati siyang nurse. Therefore, open siya sa mga bagay na ganito. Tumingin siya sa akin. "Kung iyang movie, naramdaman ng leading man iyong kahindik-hindik na salita noong three pa lang siya," saad niya at alam ko nang 'mahal' or pagmamahal ang tinutukoy niyang 'kahindik-hindik' saka nagpatuloy, "ikaw, kailan mo naramdaman?" Halatang board na ito. Kung ano-ano kasi ang itinatanong.

"Sa'yo?"

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin? May iba kang minahal bago ako?"

"Crush lang naman."

Tumango-tango siya. "Sino?"

Ngumiti ako. "Si Doc Corbyn."

"Iyong hayop na iyon?"

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon