C44

318 10 0
                                    

INTERVAL

"Congrats ma'am!" Naka-face mask ang babaeng bumabati sa akin pero alam kong nakangiti siya.

"Thank you, congrats sa atin." Ngiti ko naman pabalik. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang dinaraanan ko ang staffs ng restaurant ko na panay ang pagbati sa akin. Panay rin naman ako pasasalamat sa kanila dahil hindi ko maa-achieve ang anumang achievements ko ngayon kung wala sila.

"Congrats ulit, anak." Yakap sa akin ni Mama. Kung may pinaka-proud man dito sa lahat ng nandito ay siya iyon. Pang-ilang beses na niya akong na-congrats ngayong araw na ito. Kada nagsasagawa ako ng ribbon cutting, siya ang pinakanaluluha.

"Thank you po." Sabay yakap ko rin sa kaniya. Sunod na yumakap sa akin sina Ate na walang hanggan ang suporta sa akin noon kada gusto ko nang sumuko. Wala naman si Kuya ngayon dahil nasa Luzon pa rin siya. Ilang taon nang hindi kami nagkita at panay lang kami sa phone nag-uusap dahil hindi na siya nakapupunta rito mula noong lumaganap ang COVID. Kasama niya naman doon ang asawa niyang si Ate Ella kaya kampante akong okay siya roon.

"Kamakailan lang, tagapaypay ka lang ng barbeque," saad ni Mama habang hinahagod ang balikat ko. Nandito pa rin kami sa lugar kung saan nakatayo ang isang branch ng A3, restaurant ko. "Ngayon, nakakailang branch ka na at hindi lang dito sa Mindanao ang restaurant mo, nasa Luzon na rin, I'm so happy for you anak ko." At naiiyak na naman siya. Niyakap ko naman siya ulit pabalik.

"Ma, kapag tayo nasita dahil sa panay ang body contact ninyo," sermon ni Ate Tin. "May COVID pa rin." Pero maya-maya'y yumakap din siya sa amin.

"Pake ko sa COVID, basta ako may kayakap." Saka sumali si Ate Steph sa group hug.

"Kaya nga, tiniis natin ang sakit na idinulot ng vaccination, deserve natin ng yakap," biro ko rin naman kaya nagtawanan kami.

Habang kumakain ay panay ang kuwentuhan namin. Masyadong busy sina Ate kaya minsan lang kami kung magkita sa isang linggo at kada nangyayari iyon ay pawang asaran ang nagaganap. Madalas pa'y si Mama ang pinagtutulungan naming asarin.

"May beauty pageant at fashion show raw pala next week diyan sa kabilang bayan, designs daw ni Agon ang irarampa nila, pupunta ka ba?"

Bahagya akong natigilan sa tanong ni Ate Tin. Noon pa ako in-inform ni Ella tungkol dito. "Kung hindi busy." Pero sa loob ko'y talagang pupunta ako. Next week. Inilabas ko ang cellphone ko at nakita ko ang date. September eight ngayon. Twelve ang ganap ng Elemenef. September twelve two thousand twenty one, mark that day. Because in that day, I will take him back.

Ф†Ф

Pag-uwi ko sa apartment ay sinalubong agad ako ng yakap ni Junior kasabay ng halos walang hanggan niyang kuwento tungkol sa nilaro nila ni Jonah, kaibigan ko.

Lumapit din sa akin ang bakla. "Ang hyper niya Beh!" reklamo niya gamit ang lalaking-lalaking boses. Lalaking-lalaki rin ang tindig at pormahan niya pero pusong babae siya.

"Salamat sa pagbantay sa kaniya."

Tumango lang naman siya saka inaya na kaming kumain. Tatlo kaming nakatira dito sa unit na ito. Magkahiwalay naman ang kuwarto namin, iba nga lang ang akala ng ibang tao. Bagay na hindi na lang namin pinapansin. Saka, mabuti na ring ganoon ang alam ng ibang tao para walang maghinalang bakla ang kaibigan ko. Homophobic kasi ang parents niya.

"Mommy, is it true that Daddy will come anytime soon?" tanong ni Junior habang kumakain.

Nagkatinginan kami ni Jonah bago ko siya sinagot. "Y—yes." I smiled. There's no point in lying. Malalaman din naman niya. Huwag nga lang sana siyang i-deny ng ama niya.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon