"Stop calling me Ara, Agon... Because your Ara already died the night you left." Tumalikod ako mula sa kaniya para pihitin ang door knob gamit ang kaliwang kamay ko dahil hawak ng kanan ang cellphone ko.
Humakbang siya palapit sa akin para sana pigilan ako pero ramdam kong siya ang natigilan. Kasabay nito'y ang mahihina niyang paghikbi.
Nahinto naman ako sa balak ko sanang lumabas at parang ang gusto ko na lang gawin ngayon ay ang patahanin siya. "Putang-ina!" I cussed for the nth time. Tumingala ako para mapigilan sana ang mga luha ko, pero panay pa rin ang mga ito sa pagpatak. "Kingina!" iyak ko pa. "Kingina kasi bakit ikaw, hindi ko matiis samantalang ako at ng anak mo, nakaya mong tiisin ng walong taon?!" Sabay harap ko sa kaniya.
Nanatili siyang nakatingin sa kamay kong nasa doorknob, saka ko lang napansing sa mga laslas ko pala siya nakatingin. Palagi ko itong tinatakpan ng jacket kaya ngayon lang yata niya ito napansin. Ibinaba ko ang kamay ko saka pipihitin na sana ulit ang knob gamit ang kanan kong kamay nang niyakap niya ako mula sa likuran habang panay ang pagsabi ng, 'sorry'. But... will his sorry will make a difference? Will it fix me?
"S—sorry." Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin pagkatapos ay ipinaharap niya ako sa kaniya. "Sorry." His eyes are full of remorse and I can see how sincere his apologies through his eyes, but I can't trust his words right now. I can't. "Sorry for leaving you... I—I was just too weak and too broke before... to deserve someone like you... kaya ako umalis."
I shook my head as another batch of tears flowed from my eyes. "Too shallow, Agon. Too shallow." Tinabig ko pa ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin. Natanggal naman pero niyakap niya ako nang mahigpit, kaya hirap na hirap akong kumalas mula sa kaniya. "Masyadong mababaw para matiis mong iwan ako at ng anak mo ng walong taon," bulong ko habang nakasubsob sa dibdib niya ang mukha ko.
Humihikbi rin siya habang yakap pa rin ako. Ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga habang nakadantay pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. "I just love you." He kissed my head. "Both of you." Iyong hikbi niya kanina'y naging hagulgol na. People say, if a guy cries because of you, he loves you. But then I realized that he's a gay, and so I can't trust that adage. Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin, na parang ayaw akong pakawalan, kagaya lang din ng pagyakap ko sa kaniya noon. At kagaya ng ginawa niya noon, pinilit kong makakalas mula sa pagkakayakap niya. "Ara please, I love you."
Napatingala ako sa sinabi niya at napatawa na rin nang peke habang panay pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "You love me?" Tumawa ulit ako kasabay ng paghikbi ko. "You left because you love me?" I asked as I'm breathing heavily. "Kung ganiyan ang pagmamahal para sa'yo, then putang-ina, Agon, ang sakit mo namang magmahal!"
Hinalikan naman niya ang noo ko habang panay rin sa pag-iyak. "I love you, Ara... H—"
"Is the meaning of love for you is taking my feelings for granted?" I cut him off. "Because that's how you showed it." Bahagya akong lumayo mula sa kaniya, kaya kitang-kita ko ang luhaan niyang mga mata. "That's how you made me feel. Alam mong mahal na mahal kita, kaya ang dali-dali lang para sa'yong iwan ako... iyong—iyong ikaw ang panay makaawang huwag kong iwan, pero Agon—" huminga ako nang malalim. "Ikaw ang nang-iwan..." Nanlabo na naman ang mga mata ko dahil sa luha. "After fixing you before myself, ang dali-dali mo na lang akong iniwan," tuluyan na akong napapiyok. "After fixing you before myself, you did nothing in return aside from breaking me."
"Ang dali-dali mo akong iniwan, Agon, tapos ngayon, ang kapal ng mukha mong sabihing mahal mo ako? Ang kapal ng mukha mong tawagin ang sarili mong asawa ko? Kung asawa talaga kita, kung mahal mo talaga ako, saan ka noong mga panahong kailangan kita?" Pinunasan ko ang luha ko sabay tingala. "I suffered and survived from postpartum depression, wala ka."
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomansaArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...