17
Nagkatinginan kaming lahat dito sa restaurant nang biglang dumating si Etham. Maski si Aljun ay nagulat sa biglaang pagdating nito. Bumalik din naman kami agad sa pagluluto. Tagaktak ang pawis ko habang nagluluto. Hindi ko alam pero iba ang presensya sa'kin ni Etham lalong-lalo na noong ipinaalis na niya si Aljun. Ayaw pa sanang umalis ni Aljun, pero mukhang takot siya kay Etham kaya umalis na nga siya.
Kung kanina'y nagtatawanan pa kami, ngayon, hindi na. Parang si Nadine nga lang ang tuwang-tuwa sa pagbalik ng lalaki. Dini-distract ko ang sarili ko sa pag-amoy ng iniluluto ko.
Matapos ang ilang minuto'y tapos na ako sa pagluluto. Kukunin ko na sana ito mula sa stove para ilipat sa mesa, nang lumapit sa'kin si Etham at aksidente kong napaso ang kamay niya dahilan para magsitilian ang mga kasama ko, nabitiwan ko rin naman ang hawak kong kawali kaya natalsikan ako ng mainit na sabaw. "Okay ka lang?"
"Ah—oo. Malayo sa bituka." Kagat labi niyang saad habang iniihipan ang paso sa braso niya.
"Hindi ka kasi nag-iingat!" galit namang saad ni Nadine sa'kin.
"Ako naman ang may kasalanan," pagtatanggol sa'kin ni Etham. Maya-maya'y lumapit siya sa dining area saka umupo sa mesa. Ako naman, inasikaso ko ang kalat ko.
"Ako na rito, Arriya." Ngiti ni Aling Nelia. Siya ang kasambahay nina Etham. "Nako, may paso ang paa mo," nag-aalala pa niyang saad. "Sa susunod kasi, mag-iingat ka na. Hala, doon ka na't ako na ang bahala rito."
Tumabi nga ako gaya ng sinabi niya. Nagsilapit naman sa'kin ang ibang kasamahan ko. Hindi na sila nag-abala pang lapitan si Etham para itanong kung okay lang ito, dahil si Nadine na ang bahala rito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Ate Aira.
"Oum." Tango ko. Talsik lang naman kasi ang natamo ko.
"Tanga naman kasi ni Chef!" mura naman ni Ella. "Alam na ngang nagluluto ka! Nanglalandi pa!"
"Ara?" hirap na hirap na tanong ni Etham.
"Bakit?"
"'Di ba, malapit lang dito ang bahay ninyo? Puwede ba akong matulog muna doon?"
"Ay, kaya naman pala," bulong na naman ni Ella. "Way pala niya manglandi ey, iba din!"
Pareho kami ng hinala ni Ella. Natatangahan din naman kasi ako kay Etham, bakit kailangan pa niyang salubungin iyong kawali tapos iharang ang braso niya rito, pero kapag nakikita ko ang braso niyang parang malalapnos na'y nakukonsensya ako.
"Ser, 'di ba ser, may kuwarto kayo sa taas?" hindi napigilang itanong ni Ella.
"Ipinapalinis ko pa." Sabay baling sa'kin. "Puwede ba?" Umaray pa siya kaya napa-oo ako agad-agad. Sana lang ay umalis siya agad bago pa umuwi si Agon.
Pumunta nga kami sa bahay at ipinatulog ko siya sa kuwarto namin dahil nakahihiya naman kung sa sofa siya matulog.
"Sweet n'yo rito." Turo niya sa naka-display na picture namin ni Agon sa flower garden noong monthsarry namin. Nakangiti lang kami sa picture at hindi naman ako nakayakap sa lalaki kaya hindi ko alam kung nasaan doon ang sweet.
Nginitian ko na lang siya saka lumabas na ulit para pumunta sa restaurant. Halos mapamura naman ako nang nag-text sa'kin si Etham at ipinapapunta ako roon. Wala pang isang oras mula nang nakabalik ako rito!
"Huwag kang pumunta," bulong ni Ella dahil nandito si Nadine na tainga ng lalaki. "Kunwari, hindi mo nabasa." Kindat pa niya nang nag-ring ang cellphone ko. Si Etham ang tumatawag. "Huwag mong sagutin." Ganoon naman talaga ang balak ko. Ilang sandali pa'y tumigil na sa pagtawag ang lalaki.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
Storie d'amoreArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...