21
Nakaalis na si Agartha kanina pa, pero hindi pa rin mawala sa'kin iyong sinabi niya kagabi. The last time na nasabi niya sa'kin ito, hindi ko ito nai-big deal. Pero ngayon, hindi ko maiwasang i-big deal. Pangalawang beses na kasi niyang nabanggit.
Ano ba talagang sikreto mo? Bakit parang bahalang-bahala ang kapatid mo?
"Bakit?" inosenteng tanong ng kaharap kong kumakain ngayon.
"May... may gusto ka bang sabihin sa'kin?"
"Wala naman. Bakit?" Ilang sandali pa niya akong tinitigan, ganoon din naman ako sa kaniya kaya napansin ko ang mabilis na pagdaan ng kaba, pagkabahala at takot sa mga mata niya. Tumingin pa siya sa pintuan kung saan lumabas ang kapatid niya kanina. "May—may sinabi ba siya sa'yo?" Sabay lunok niya. Nagmamakaawa namang tingin ngayon ang ibinibigay niya sa'kin kaya mas na-curious ako sa sikreto niyang tinutukoy ng kapatid niya.
"Wala naman." Iling ko saka ngumiti. "Maliban sa sinabi niyang mahal mo ako, wala na."
Halatang parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi ko. Maya-maya'y binibigyan na niya ako ng nanunuksong tingin. "Ide kilig na kilig ka na naman."
Tumango ako. "Pero mas kikiligin pa ako kapag ikaw mismo ang magsasabi sa'kin. Kaya honey, love, mahal, sinta ko, sabihin mo na."
"Asa ka pa."
As always, pumunta na naman kami sa puwesto after ng mga dapat asikasuhin sa bahay.
"Ara?"
"Hmmm?" Abala ako sa pagluluto kaya hindi ko na nilingon ang lalaki.
"Alis na ako." This time, hinarap ko na siya saka nginitian. Nagulat ako nang lumapit siya sa'kin saka ako hinalikan. Matagal-tagal na rin mula noong huli niya akong hinalikan kaya sobra na naman ang kilig ko ngayon kahit pa mabilis na dampi lang ang ginawa niya. Araw-araw talaga, iba ang surpresa nito. Hindi kasi siya sanay i-kiss ako. Madalas, kapag aalis na siya, titingnan lang niya ako sabay sabi ng, 'alam mo na', 'babalik ako agad para hindi mo ako ma-miss' at iba pang paraan niya ng pagsabi ng good bye. Minsan pa nga'y sinabayan ko siya sa pagsabi ng, 'alam mo na'.
The next days, hindi na naman nagpapaalam si Agon tapos wala na ulit kiss. Gaya na naman ngayon. Tapos na siya sa paghuhugas ng pinggan kaya common sense nang aalis na siya. Tumingin siya sa'kin.
"Oo alam ko na/Alis na ako," sabay naming saad. Nakita ko pa siyang ngumiti at nang-aasar.
"Akala mo, masasabayan mo na naman ako? Ahuh! You stand no chance, Ara." Umiling pa siya habang may pang-aasar pa rin ang tingin. "Binago ko na."
Agon! Kaligayahan mo talagang asarin ako! Babatuhin ko na sana siya ng bawang na hawak ko pero kumaripas na siya ng takbo palabas habang tawang-tawa pa rin. Tuwang-tuwa talaga iyon kada pinagti-trip-an ako! Naibaba ko agad ang hawak kong pangbabato ko sana sa lalaki nang nakita ko si Aling Lolitang papasok.
"Oh? Nag-away na naman ba kayo? Mga batang ito talaga! Daig n'yo pa ang mga aso't pusa!" Iling niya saka inilagay sa cabinet ang mga pinamili niyang gulay. Ako sana ang bibili kanina pero nag-suggest na siyang isasabay na lang daw niya sa pamamalengke niya na ipinagpapasalamat ko naman dahil mabigat na ang tiyan ko.
"Ako na rito. Upo ka na lang doon," saad ni Ella.
"Pero—"
"Malamig ang tubig. Buntis ka." Pinandidilatan pa niya ako ng mga mata. Hugas lang naman ng pinggan, binabawalan pa ako. Dahil sa alam kong wala akong panalo sa kaniya'y umupo na nga ako.
May bagong dating na customer kaya ako na sana ang mag-aasikaso rito nang inalisto ni Ella ang paglapit at pag-entertain sa customer. Talagang hindi niya ako ipinagtatrabaho. "Bayaran n'yo na lang ako ng one hundred per day. Okay na iyon." Ngiti niya nang napansin yata niyang nahihiya na ako sa kaniya. Siya kasi ang gumagalaw rito. Mas nahiya pa ako sa sinabi niya. Mayaman kasi siya. Kaya alam kong ginagawa niya lang ito para makatulong at malaki nga ang tulong niya. Sa sobrang laki nito'y hindi ko maiwasang mahiya. Kakikilala ko pa lang kasi sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...