28
Malamig na bangkay ni Mama na nakahiga sa kabaong ang nakita ko pagdating namin sa bahay. Buyer at naging disposer si Mama sa Trading Area, kaya maraming nakilamay. Isinagawa ang lamay sa paraan naming mga Bugkalot. Nagkatay sila ng baboy at ipinatagal ng ilang araw ang lamay.
"Ngayon na sana ang lamay, pero ipinabukas namin dahil alam naming gusto ninyo siyang makita," saad ni Tita Cas. Nasa tabi niya si Jack, pinsan ni Kuya Zack.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Tita at yumuko na lang ako para makapantay si Jack na nakatingala sa akin kanina. Nginitian ko siya, samantalang in-stretch naman niya ang magkabilang braso niya at halatang gustong magpakarga sa akin, kaya niyakap ko siya. Hindi muna ako puwedeng kumarga ng mabigat. Naiyak ako nang tinapik niya ang balikat ko. Nangako ako kaninang hindi na ako iiyak dahil sa baby ko, pero naiiyak na naman ako.
"Mamam po, iyong natutulog?" (Mama mo...) inosente niyang tanong habang tinatapik ang balikat ko. "May ipinapasabi po siya," dagdag niya noong tumango ako.
Inilayo ko naman muka sa kaniya ang mukha ko at imbis na kilabutan ako'y na-curious ako sa gusto raw sabihin ni Mama, na para sa akin ay maaaring totoo. Alam ko kasing nakakakita ng supernatural si Min, kaya malamang ay ganoon din ang batang ito dahil kay Min ang mata niya.
"Jack, huwag tinatakot ang ate," sita ni Tita, pero hinawakan ko ang magkabilang braso ni Jack.
"A—anong sabi niya?"
"Huwag ka raw pong umiyak." Tumingila pa siya sa tabi ko at parang may nakikita rito kahit pa wala akong katabi. "Tapos mahal ka raw po niya. Kayong tatlo po."
Hinawakan ni Tita ang bata. "Jack, kailangan mo nang matulog." Umalis naman si Jack. Maya-maya'y hinarap niya kami. "Hindi ko alam kung naniniwala ka sa sinabi ni Jack, pero kailangan mo iyong paniwalaan." Hindi gaya ng dati, mahinahon ang pananalita niya. Inalalayan pa niya akong tumayo. "Pero hindi ko sinasabing nakita niya ang multo ng nanay mo. Sanay lang talaga siyang magsalita ng gano'n kaya huwag kang matakot." Binalingan niya ang kabaong na tinitingnan ngayon ni Agon. "Kilala ko si Linda na ayaw na ayaw kang nakikitang umiiyak... na nahihirapan... kaya nga hindi ka niya dinadalaw sa hospital noon. Nahihirapan daw siya kada nakikita ka niyang umiiyak at nahihirapan... kaya alam kong kung nandito man siya ngayon ay hindi niya magugustuhan ang pag-iyak mo. Kaya tahan na."
Ipinaupo niya kami sa mga bangkong naka-display rito. "Tama rin si Jack noong sinabi niyang mahal kayo ng mama n'yo." Tiningnan din niya si Agon. "Sa sobra niyang pagmamahal sa inyo, nagawa niyang mag-self rehab para sa inyo... nakalulungkot nga lang na kailangan niyang mawala pagkatapos niyang makalaya mula sa impluwensiya ng droga," dagdag niyang nagpaiyak na naman sa akin. Panay naman sa pagpapatahan sa akin si Agon.
Nagpaalam nang umalis si Tita, pero panay pa rin ako sa pag-iyak. Buong buhay ko, akala hindi ako mahal ni Mama dahil madalang ang pagbisita niya sa akin noon sa hospital.
Ф†Ф
Kagigising ko lang nang ibinalita ni Agon na nasa labas daw si Kuya kaya agad akong lumabas. Bumungad naman sa akin ang mga taong nakikilamay. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Kuyang may kasamang pulis din, base sa uniform nila. Lalapit na sana ako sa kaniya nang nakita ko si Tita Cas na lumapit sa kaniya. Base sa senyas ni Tita'y halatang ipinasusunod niya si Kuya sa pupuntahan niya, sa likod ng bahay, kaya sumunod ako.
"Kailan mo pa po alam na nagtutulak na si Mama?" Dinig kong tanong ni Kuya.
"Bago pa maoperahan sa puso ang kapatid mo... madalas na silang mag-usap ni Chris. Kaya nagkahinala na akong isa siya sa galamay ni Chris."
"Bakit... po siya nagtulak? Alam mo po ba?"
Hindi agad sumagot si Tita, kaya atat na akong marinig ang rason kung bakit nagtulak si Mama. "Pangpaospital ng kapatid mo," saad niya sa wakas, dahilan ng panghihina ng mga tuhod ko. "Ayaw ka niyang mabaon sa utang... siya na raw ang gagawa ng paraan. Nang nakapag-ipon na siya't nakalabas na ng hospital ang kapatid mo, alam kong may balak na siyang huminto sa trabaho. Nagtataka ako noon, bakit hindi pa siya umaalis sa pagtatrabaho kay Chris? Hanggang sa napansin ko ang mata niya... nagkahinala na akong nilulong siya sa droga ni Chris, para hindi siya tumiwalag sa pagtutulak."

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...