C31

487 12 0
                                    

31

"Ano nga pala ang trabaho ni Agon if ever magtatrabaho siya sa ibang bansa?"

"Simple lang. Tagakanta. Mahilig sa kanta ang mga customers namin sa ibang bansa."

"Ah. Kagaya sa Extraordinary."

"Exactly. Just the difference is, hindi kami basta-bastang nangtatapon ng staff, kagaya ng ginawa ng Extraordinary kay Agon."

"A—ano ulit?" Medyo malabo kasi ang sinabi niya.

"Oh. Seemed like you're not aware that Agon was fired in Extraordinary. Am I right?"

"Fired? Bakit naman siya matatanggal?"

"Oh my! Arrietty, you're still as innocent as before." Iling pa niya. "As what I've said, the CEO of that business sees this as a big threat to his business. And one of his staffs is a husband of one of the owners here, in short, para lang siyang nagpapatira ng ahas sa bahay niya. Kaya bago pa siya tuklawin ng ahas, of course kailangan na niyang bugawin ito."

"But Agon is not a snake. Hindi siya traidor." Snake represents bad. Agon is not bad.

"Well he is, in the field of business."

"Kung natanggal na siya sa trabaho niya, saan siya nagtatrabaho ngayon?"

"Sa restobar ko. Inaalagaan namin siya do'n kaya huwag kang mag-alala. Saka, mas malaki rin ang sahod niya. Iba pa iyong tip na ibinibigay ng customers sa kaniya."

"Tagakanta rin ba?"

"Hindi. Taga-serve. Sa abroad, tagakanta na. Sa ganda niyang lalaki, I'm sure marami siyang mapapaligaya." Tumingin na siya sa relo niya. "Malapit nang mag-alas tres." Tumayo siya. "I must leave now." Naglapag siya ng maraming bill sa mesa. "Keep the change."

Tumanggi ako, pero ipinilit niya. Ang motto namin ni Ella rito, huwag tumanggi sa blessing kaya hindi na ulit ako tumanggi pa. Malaki rin kasi ang bigay niya. Mukhang napaka-successful talaga niya. Soon, magiging successful din kami ni Agon. Pati ni Ella.

"Bakit?" tanong ni Ella na naghahanda na para umuwi.

"Nakapasok ka na ba sa Extraordinary ngayon-ngayon lang?"

"May sarili tayong kainan, kaya hindi. Bakit?"

Umiling ako. Nagpaalam naman na siya para umuwi dahil kailangan pa niyang maglaba. Wala pang customer kaya free akong tumulala. Marami akong gustong itanong. Bakit hindi sinabi sa akin ni Agon na natanggal na pala siya roon?

"Ba't nakatulala ka?"

Tinitigan ko ang kaharap kong kumakain ngayon. "Kailan ka pa natanggal sa pinagtatrabahuan mo?"

Nahinto siya sa pagkutsara. "Sino namang nagsabi sa iyo? Ako ang umalis doon."

"Bakit?" Mahal niya ang pagkanta. Bakit basta-basta siyang aalis?

"Kasi gusto ko."

"Pa."

Binigyan naman niya ako ng sukong tingin saka bumuntong hininga. "Sinabihan ako ni Boss na ipasara ko raw sa iyo ang restaurant ninyo dahil malaki ang naibawas sa kita niya mula noong nagbukas ang EllAra... at, ayaw kong mahinto ang business mo dahil alam kong pangarap mo iyon. Pangarap ninyo ni Ella. Iyong trabaho, nandiyan lang iyan. Pero iyong opportunity na hawak mo ngayon, iyong business na hawak mo ngayon, kapag nawala, mahihirapan ka ulit bumuo... kaya umalis ako sa pinagtatrabahuan ko," saad niyang nagpatubig ng mga mata ko. Alam ko kasi kung gaano siya nag-e-enjoy sa pagkanta sa Extraordinary. Alam ko ring madali lang ang trabaho niya roon. "Sarili ko iyong desisyon, kaya huwag kang malungkot. Mas mahal kasi kina Aditty."

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon