C24

1.7K 25 3
                                        

"Huwag mong dibdibin, may likod ka pa naman." Tawa nang tawa si Agon habang sinasabi ito, samantalang mangiyak-ngiyak naman na ako. May bagyo ulit. Malakas na bagyo ang bumungad sa December. At kapag may bagyo, hindi kami pumapasok sa trabaho. At kapag hindi kami pumapasok sa trabaho, dito lang kami. Dahil doon, bagot na bagot na ang kasama ko at kada nababagot siya, nakapag-iisip siya ng kung ano-anong paraan niya pangpalipas ng oras. "Dali na, takpan mo na ang mata mo. Hindi mo pa nahuhulaan e."

Nakanguso kong tinakpan nga ang mga mata ko, pero bago ko takpan ang mata ko ay nakita ko pa siyang tuwang-tuwa at halata pang nag-iipon ng lakas. Maya-maya pa'y naramdaman ko na ang malakas na pagpitik niya ng kamay ko kaya imbis na mag-focus ako sa paghula ng nakataas niyang daliri ay mas nag-focus pa ako sa sakit ng kamay ko.

"Mali. Takip ulit," tawa ulit niya.

"Ang sakit na ng kamay ko!" reklamo ko. Bakit ba kasi pumayag ako sa trip niyang pitik bulag?

"Akin, masahein ko." Sabay kuha ng kamay ko para masahein nga. Wala pang ilang sandali'y nagsalita na siya, "Ayan, okay na. Continue, continue." Kahapon lang, napakaanghel niya, ngayon, balik na naman siya sa pagiging demonyo.

"Ayaw ko. Sabihan mo muna ako ng 'I love you'."

Nakangiti niya akong hinalikan kaya mas napa-pout pa ako. Gets naman yata niyang words ang gusto ko at hindi action. "Gusto mo, sayawan kita ng otso-otso?" tanong niyang ibig sabihin, ay mas gusto pa niyang sumayaw ng otso-otso kaysa sabihan ako ng words na iyon. Dahil alam kong wala lang din akong chance marinig iyon mula sa kaniya'y tumango ako. Tumayo naman na siya saka sumayaw rito sa kama.

Hindi ko naman maiwasang matawa dahil sa tigas ng katawan niya. Akala ko, tapos na siyang sumayaw, may part two pa pala, ginaya pa niya ang mga pole dancer sa paggiling at pagkagat-kagat ng labi. Ang hindi nga lang niya magaya'y iyong malambot na katawan ng mga pole dancer.

"Tama na. Masyado ka nang nawiwili." Sabay akyat ulit dito sa kama. Bumaba kasi siya nang nag-pole dancing siya at ang ginamit pang pole ay iyong base ng sampayan. Yumuko siya saka hinaplos ang tiyan ko. "Paano kung kambal ang magiging anak natin?"

"Okay lang... ikaw?"

"Okay lang din. Gusto ko kasi ng kambal. Kamukha ko iyong isa, kamukha mo naman iyong isa." Pinisil pa niya ang pisngi kong palagi na niyang pinanggigigilan. "Excited na akong maging tatay ng mga anak mo!"

Namula naman ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang kiligin dahil minsan lang siya maging ganito.

Ф†Ф

Ang bilis ng araw! Parang kailan lang noong nag-celebrate kami ng monthsarry namin, ngayon, magse-celebrate ulit kami. Hindi na naman kami lumabas. Nag-stay kami sa restaurant dahil hindi muna namin ipinapasok si Ella, na pumayag nang maging business partner ko.

Ako ang tagaluto, samantalang taga-serve naman si Agon. Panay pa ang reklamo niya sa mga customer na nag-o-order ng pang-breakfast kahit pa oras na ng lunch.

"That's business, Alpha."

Ngumuso na lang siya na ikinatawa ko dahil ngayon ko lang siya nakitang nag-pout. Ang cute niya!

Habang wala pang masyadong customer ay kumain na kami. Ang arte kasi nito, kailangan daw sabay kaming kumain para maganahan siyang kumain ng luto kong wala raw lasa. Isinisisi pa sa luto ko ang dila niya.

"Magpa-check up ka kaya ulit? Baka may mahanap na silang rason kung bakit ganiyan ang dila mo," I suggested.

Nagkibit balikat siya. "Sayang lang sa pera. Saka, wala talaga silang mahanap na rason kung bakit. Ilang hospital na ang napasok namin noon ni Mama, pero wala talaga. Ipina-checkup na rin ako ng mama n'yo noon, sa Manila pero wala pa rin silang mahanap na dahilan. Maski nga albularyo, napasok ko na rin dahil lang dito, pero kalokohan lang ang sinabi ng albularyo."

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon