C42

592 10 0
                                    

Content warning. Rspe topic. (Though, informative siya at hindi nakat-trigger, still, you may skip if you find it disturbing.)

"Did he harass you?" tanong ng babaeng attorney.

"Ma'am, pang-ilang beses na po iyang naitanong sa kapatid ko," saad naman ni Kuya na inaayos ang camera. Dahil sa wala silang ebidensiyang nakuha ay ang malinaw at hindi pabago-bago ko raw na pagkuwento tungkol sa nangyari ang ilalaban namin sa korte. Meaning ikukuwento ko nang buo ang nangyari dahil hindi sapat iyong sasabihin kong, 'muntik na akong ma-rape'.

Nanatiling nakatitig sa akin ang attorney at hindi pinansin si Kuya. "Did he?" Tumango ako. "Paanong harass?"

"Putang-ina!" mura naman ni Ella samantalang pumatak naman na ulit ang luha ko. Ayaw ko nang sumagot dahil maaalala ko lang ulit ang nangyari. Pero dahil sa gusto ko ng hustisya, kailangan.

"Just trust me," she said. Hindi pinapansin ang pagmumura ng katabi ko.

"H—hinawakan niya ang... dibdib ko." Tumaas ang kilay niya, halatang naghihinatay ng sasabihin ko pa. Tiningnan ko si Ella na naghihintay rin ng sasabihin ko pa.

"We won't judge you. Ang gumawa niyan ang huhusgahan namin," she attorney assured. "Did he... insert something?"

Napatingin naman sa akin si Kuya, pati na rin si Ella na katabi ko at nakahawak sa kamay ko.

Napalunok ako saka huminga nang sunod-sunod, bago dahan-dahang tumango. "He... inserted his finger—" tuluyan na akong napahagulgol. Niyakap naman ako ni Ella. Ni minsan, hindi iyon ginawa ni Agon kaya alam kong hindi siya iyon.

"I guess alam n'yo na ang tamang kasong maipapataw sa kaniya."

"Rape," Kuya said. Halatang tuliro at nakatingin lang sa sahig. Nakakuyom ang mga kamao.

"What?" tanong ni Ella. Ganoon din naman ang tanong ko. Gusto kong mapatawan ng mas mabigat si Etham para sigurado nang wala siyang takas, pero ayaw kong maghabi ng krimen para lang magawa iyon.

"It's considered rape," dagdag ni Kuya. "Through sexual assault."

Shortly after that, the police filed a warrant of arrest against Etham. Then after two weeks that feels like two centuries, a preliminary hearing was held, and Etham pleaded not guilty with the help of his lawyer, Attorney Carter— the best lawyer I know who had never lost a case not even once. Ngayon pa lang tuloy ay sobra na ang kaba ko para sa mismong trial. Paano kung matalo ako? Wala kaming ibidensiya maliban sa testimony ko, kaya paano kung lalabas lang ang lahat na parang pinagpeperahan ko lang siya?

Pero sana ay makuha ko ang hustisya. Kahit hindi na death penalty or life imprisonment, kahit reclusion perpetua lang, okay na, basta maikulong lang siya... I want justice. I need justice.

Ф†Ф

"Kilala mo si Etham?" Dinig kong tanong ng isang babae sa katabi niya. Nakatambay ako ngayon sa mini library sa labas ng university na pinagtatrabahuan ni Attorney Jessa as an instructor dahil may gusto akong sabihin sa kaniya. "Iyong nagmamay-ari ng One Four Three restaurant diyan sa Jacinto?"

"Laman siya ng newsfeed ko ngayon kaya oo."

"So you're aware tungkol sa kasong naipataw sa kaniya?"

"Iyong kasong rape against him? Oo. Huh! If I know, gusto iyon ng babae. Hunk kaya iyong lalaki."

"Gaga!" tawa ng kausap. Napahigpit naman ang pagkakakapit ko sa laylayan ng damit. "Pero ano, para sa akin ginagatasan lang siya ng babae. Kung sino man iyong babae, sana hatian niya ako sa makikita niya," dagdag niya. Hindi ko namalayang pumatak ang mga luha ko dahil sa sinabi nila. Mga babae sila, pero bakit ganoon sila magsalita?

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon