C11

375 12 0
                                    

11

"You're really good in torturing me, ey? I love you, goodnight," he whispered between his deep breaths, while his lips is still touching mine and it tickels! Pagdilat ko, wala na siya. Panaginip lang pala! Pero parang totoo. Nag-iisip pa rin ako nang malalim paglabas ko ng kuwarto at wala lang sa'kin ang epekto ng morning sickness.

"Ba't ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Agon na nagkakape ngayon. Should I tell him?

Ngumiti ako. "Nanaginip kasi ako kagabi."

"Anong panaginip? Anim na numero? Tayaan natin sa lotto."

"Hindi!" sabad ko habang naghihilamos. Kasama ko siya mula pagkabata kaya nahaharap ko na siya kahit hindi pa ako naghihilamos. Ganoon din naman siya sa'kin.

"E ano?"

"Nanaginip akong k-in-iss mo raw ako sa lips tapos sinabi mo pang mahal na mahal mo ako." Ngiti ko pagkaharap ko sa kaniya.

As always, binigyan na naman niya ako ng hindi makapaniwalang tingin, habang nakababa ang diyaryong binabasa niya. "Tama iyang panaginip mo." Tango niyang ikinatuwa ko. "Panaginip lang 'yan."

Wala na. Sira na agad ang magandang araw ko sana.

Ф†Ф

"Honey, lavey doves ko, mahal, irog sinta ko," banggit ko na naman sa lahat ng endearment.

"Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mong sabihin." Gaya lang ng dati, kontra-bida pa rin hanggang ngayon ito. Natutulog na kami ngayon. Nakatihaya na naman siya at tinatakpan niya ng kanang braso niya ang mga mata niya.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. "Puwede bukas, punta tayo Trinidad? Bisitahin natin si Ate Agartha sa Trading Post." Linggo kasi bukas, day off niya kaya naisipan kong bisitahin namin ang kapatid niya.

Noong kasal kasi namin, kinumbinsi ko si Agartha na maging disposer na lang o 'di kaya'y maging buyer ng mga gulay. Magaling kasi siyang makihalubilo at magaling magtinda, kaya naisipan kong baka iyon talaga ang bagay sa kaniyang trabaho. Hindi naman ako nahirapan sa pag-convince dahil sinabi niyang gusto nga raw niyang maging buyer, kaso puhunan ang kulang sa kaniya kaya hindi niya ito ipinu-pursue. Ipinautang ko naman sa kaniya ang ilan sa pera ko. "Dali na? Burong-buro na kasi ako rito." Nguso ko pa.

"Sige. Tulog ka na."

"Kiss muna," hirit ko pa. Baka makapuntos.

"Ano ka? Pinagpalang lubos?"

"Eh?" Sabay bangon ko. "Dali na, ikinasal na tayo't lahat-lahat, wala pa rin akong mwa-mwa galing sa'yo o 'di kaya'y, tsup-tsup."

"Your words, Ara!"

"Kiss mo na ako?"

"Manalangin ka." Sabay harap niya sa kabilang side kaya ngumuso ako. Mukhang hindi effective ang payo sa'kin ng tatlong nurse. Nakasando at short pant na ako't lahat-lahat, pero wala pa ring kiss.

Ф†Ф

"Sino 'yon?" Kunot noong tanong ni Agon pagpasok ko ng sasakyan, halatang kanina pa naghihintay.

"Hulaan mo." Ngiti ko. Ma-try ngang inisin ito.

"On duty ngayon ang malalanding nurse, kaya malamang ay hindi sila." Ipinapaandar na niya ngayon ang kotse habang nag-iisip pa rin nang malalim. "Ah!" Sabay beep niya kaya nagulat ako. "Iyong gagong hinayupak na Corbyn?"

Nanatili akong tahimik dahil iniisip ko kung bakit gano'n siya mag-describe ng mga tao. I wonder kung ano ang pang-describe niya sa'kin.

"Si Corbyn?"

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon