C9

783 13 0
                                    

9

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ni Tito Sherwin ang pumuno sa buong kuwarto kung saan naisagawa ang sikretong kasal. Iilan lang ang bisita naming hindi namin kapamilya. Dadalawa lang sila ni Ate Maiden.

Inilibot ko ang tingin ko. This is not the wedding I dreamt of since I was a kid. But still, I'm not sad because at least, the guy whom I married was Agon, my dream groom.

Tahimik lang ngayon si Agon at parang balisa. Hindi ko naman maiwasang mapa-overthink. Nagsisisi ba siya? Pang-ilang beses ko siyang tinanong kung sigurado siyang pakasalan ako, bago ang araw na ito. Panay naman ang sagot niyang oo. Pero ngayon...

Inilipat ko ang tingin ko, para maiwasan ko ang pag-iisip na naman ng kung ano-ano. Ngumiti ako kay Agartha na panay ang pag-picture sa'min. Ang ganda niya sa suot niyang baro't saya. Dito sa Shaman City kasi namin isinagawa ang kasal. Nag-rent lang si Agon ng room dito, para maisagawa ang simpleng seremonya.

Parehong kimono ang suot namin ni Agon at bagay na bagay sa kaniya ang suot niya dahil may lahi naman kasi talaga siyang Hapon. Hapon kasi ang lolo niya sa mother side.

Napatingin ako kay Kuyang maluha-luha ngayon. Bagay naman sa kaniya ang suot niyang tuxedo. Lutang tuloy ang pagiging Amerikano niya. Half American kasi ang tatay nila. Pinunasan niya ang luha niya, sabay yakap sa'kin. "Mas nauna pa kayong ikasal kaysa sa'kin," iyak niya. Sunod niyang niyakap si Agon. "Alagaan ninyo ang isa't isa ha? Kapag kayo, nagsakitan, ako mismo ang mananakit sa inyo," habilin pa niya sa'min na tinawanan ko lang.

"Labas lang ako," mahinang saad ni Agon. Maya-maya pa'y lumabas na siya. Padabog pa niyang isinara ang pinto. Kulang na lang ay basagin na niya kanina ang cellphone niyang hawak.

"Huwag mo na iyong pansinin. Baka lumabas lang para umiyak. Umiyak dahil sa tuwa." Ngiti ni Kuya, pero hindi ko magawang tumigil sa pag-iisip ng kung ano-ano.

"Asan ang anak ko?" tanong ni Tita dahil oras na para kumain. Halos mahimatay siya noong in-inform siya ni Agon tungkol sa kasal. Nahimatay naman siya noong nalaman niyang buntis ako. Hindi na ipinaalam sa kaniya ni Agon kung bakit niya ako binuntis.

"Nasa labas po. Ma," inihabol ko ang huli dahil sinabihan niya akong tawagin ko raw siyang mama. Mabuti't kahit pa biglaan ang pag-announce namin tungkol sa kasal ay pumayag pa rin siya. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ni Agon para mapapayag siya. Sila lang ni Agartha ang nakapunta rito dahil busy si Agatha.

"Dahil wala si Agatha, ikakain ko na lang siya," saad ni Agartha na kumakain na ngayon kaya sinabayan ko siya sa pagkain. Kaming dalawa ang nagluto nitong mga handa kaya dapat lang na magpakabusog kami. "Nga pala, talaga bang bawal i-post ito sa Facebook? Sayang naman ang suot ko."

"Hindi naman sa bawal, pero hangga't maaari, hindi puwede." Naninigurado kasi kami. Alam na ni Agon ang sitwasyon ko at sinabi niyang huwag ko raw itong i-open sa kapatid niya dahil sa bibig nito.

Natapos ang seremonya na sina Agartha at Ate Maiden lang ang kasama ko. Mas matanda ng isang taon si Agartha kaysa kay Ate Maiden, pero si Ate Maiden lang ang tinatawag kong ate. Si Agartha naman, biniro pa niya akong i-enjoy ko raw ang honeymoon. Babaeng iyon, wala na nga ang tatlong nurse na sobrang open minded, pumalit naman siya.

Bago kami sumakay sa kotse ni Agon, ay ilang oras munang niyakap ni Tita ang anak niya. Pupunta na kasi kaming Baguio. Nakakita raw kasi roon ng mapagtatrabahuan si Agon kaya't doon kami magtatago pansamantala.

Matapos ang paalaman, ay umalis na kaming dalawa. Naiwan naman si Kuya dahil may trabaho pa siya rito.

"Ayos ka lang?"

Tumango ako sa tanong ng katabi kong busy sa pagmamaneho. "Ikaw, ayos lang?"

Tumingin siya sa harap at halatang hindi siya okay.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon