"Arriya? May balak ka pa palang dumalaw dito?" Salubong sa akin ni Nurse Nami. May hawak siyang folder at halatang busy siya sa pag-asikaso ng mga pasyente. "Anyare? Naubusan ba ng baterya ang orasan mo kaya inakala mong alas siyete pa lang ng umaga?" Napatingin siya sa suot ko saka ngumiti. "Kaya naman pala na-late. Pinaghandaan pa. Pasalamat ka't hindi pa umuuwi si Agon."
"Nasaan siya?"
"Nasa ER. Ipinapunta siya ni Papi Doc doon para daw alam niya ang gagawin kung sakali mang magd-doctor siya. Sige, alis na ako." Sabay alis niya. Talagang binigyan lang talaga niya ako ng impormasyon kung nasaan si Agon.
Inayos ko naman ang suot kong red dress saka nanalamin na rin ako sa cellphone ko. Nag-open naman ito kaya nakita kong alas singko na. Hindi na kasi dapat talaga ako pupunta rito dahil sa pangti-trip sa'kin ni Agon kahapon. Pero binisita ako ng pagiging positive thinker ko at naisip kong baka ginawa niya iyon para mailang ako sa kaniya at para iwasan ko siya kaya pumunta ulit ako rito. Ako? Iiwasan siya? Not in my vocabulary.
Pagbaba ko sa first floor ay nakasalubong ko naman si Nurse Judy na may hawak na tray na may lamang gamot. "O? Arriya? Himala! Parang ngayon ka lang na-late?" Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya habang nakatingin sa katabi ko, saka ko lang naramdaman ang kamay na gumulo ng buhok ko. Sino pa bang mahilig gumawa n'on? Walang iba kundi si Doc Corbyn. Mula noong intern pa lang ito rito, madalas na nitong guluhin ang buhok ko. Obvious na parang kapatid lang ang turing nito sa akin, pero kinikilig naman ako.
Napaaray ako habang sinusundan ng tingin si Doc Corbyn na papalayo na mula sa amin, noong naramdaman ko ang pagkurot sa akin ni Judy. "Nurse Judy naman e!"
"That doctor is mine. May Agon ka na nga. And speaking of my Agon who turned me down, countless times."
Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Agon na papasok na sa room kung saan sila nagna-nap. "Sige. Alis na ako." Sabay takbo ko palapit sa kinaroroonan ni Agon bago pa niya maisara ang pinto. "Agon!" Medyo malapit siya mula sa akin pero sumisigaw ako. Hindi naman ako pinapansin ng ibang nandito dahil sanay na sila sa akin. Huminto muna ako saka yumuko para ayusin ang suot ko dahil hindi ako sanay isuot ito. "Agon my love!" Sabay angat ko ng ulo ko, para lang makitang wala na pala si Agon at nakasara na iyong room na pinagpapahingaan nila. Pinagsarhan niya ako! Ngumuso na lang ako saka pa-squat na umupo rito, sa hallway at wala akong pakialam sa mga nakakakita sa'kin.
"Oh? Arriya? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Doc Corbyn kaya ngayon ay may pakialam na pala ako sa nakakakita sa'kin. Tumayo ako agad. Kumunot naman ang noo niya. "Bakit parang naiiyak ka na? Ano'ng ginawa sa'yo ni Nurse Alacar?" May kinakalkal siya ngayon sa bulsa niya.
"Wala naman po." Iling ko habang nakangiti. Kailangan kong magpa-cute dahil nasa harapan ko ang crush ko.
Tumango siya. "By the way, you want some?" Sabay pakita sa'kin ng chocolate bar na may kaunting bawas. "Chocolate is good in boosting your mood."
"Thank you po." Ngiti ko ulit. Gosh! He's so kind! Mas napangiti pa ako noong ngumiti ulit siya.
"Sige. Iwan na kita ha?" Ibinulsa na naman niya ang isang kamay niya, pero iyong isa'y ginamit niya para guluhin ulit ang buhok ko. Inaakala yata niyang thirteen pa rin ako hanggang ngayon. "Nga pala, ang ganda ng suot mo. Bagay sa'yo." Ngiti ulit niya kaya halos mangisay na ako rito dahil sa kilig habang sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiko siya kaya inilipat ko na ang tingin ko at nakita ko si Agon na nasa may exit pala at ang sama ng tingin sa'kin.
Agon followed Doc Corbyn using his eyes and I don't know if it was just a part of my imagination or what, but I saw pain on his eyes. What the? Nagseselos ba siya?
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...