Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
~ Elmira ~
"Reminder, drink in moderation. At siyempre, hindi lang kami na three musketeers and one birthday boy ang magpapakitang gilas," nagpalipad ito ng rose petals. "Let's welcome on stage, Silver and Quinn for their song number."
Playing: Yugto by Any Name's Okay
Payak ang buhay nang 'di ka kilala - Silver
Takot, nakakakaba na pukawin
Wala nang inatupag sa 'ting mundo
Hangga't dumating ang inyong luningning
Sa munting liwanag, ako'y nagisingAng lamig. Napahawak ako sa dibdib ko nang bigkasin niya ang unang berso. I can't get enough of his voice.
"Dahan-dahan, baka matunaw hahaha" pang-aasar sa akin ni Snow habang may hawak na na baso ng wine.
Nakatuon man ang pansin ko sa boses niya ay hindi ko maiwasang ma-distract sa gulo sa paligid ko.
Tuloy at tuloy lang ang paghihintay - Quinn
Ikaw na ang aking bukang-liwaywayHindi ko mapigilang umiling sa pandedemoniyo ni Somi sa mga rankers. Napainom na niya lahat. Mahahalata mo kung sino ang pinagkadiskitahan niya dahil heto si Blue na tuloy-tuloy ang paglagok ng alak habang sumasabay pa sa kanta.
"Ikaw na ang aking BUKANG-LIWAYWAY," sigaw nito bago naiyak. Oh no.
Maginhawa (ang mundo kapag nariyan ka)
Hanggang mata (ang abot ng iyong tawa)
Sigaw sa bituin at pangako sa 'yo
Noong simula pa, ikaw na ang duloNatapos ang kanta na pinapatahan na ni Bern si Blue habang nakatulala naman sa kung saan si Fiona at wala sa sariling winawagayway ni Benevelle ang lightstick.
Si Master Pandone na magbabantay daw? Iyon, kung anu-anong pagko-comfort na ang sinasabi kay Blue. Ang dami nang nakwento.
"Please please please, pretty please. I can't sing," pangungulit ni Snow kay Benevelle. She can do everything pero may stage fright talaga si Snow.
"Help me, please," pagsusumamo nito habang nakalingkis sa braso ni Benevelle at inaabutan ito ng mikropono. "Hihi, I love you!"
"Let's welcome on stage, Snow and oh- Benevelle and Fiona!"
Saglit kong chineck ang camera. Sapat pa naman ang battery at nagrerecord pa din ito.
Playing: Take a Hint from Victorious (Benevelle as Tori Vega, Fiona as Jade West)
Why am always hit on by the boys I never like - Benevelle
I can always see 'em coming, from the left or from the right - FionaWOW. I'm surprised. She can sing and, she can sing well.
"Ilang baso na ang nainom niya?" May halong pag-aalala na tanong ni Silver.
Itinuro ko na lamang ang baso na kanina'y hawak ni Benevelle. Hindi pa siya nakakaubos ng isa pero mahahalata mo sa pagkanta niya na may tama siya. She plays her part well na para bang paulit-ulit niya na itong napraktis
"That's their favorite song," banggit ni Silver kaya napalingon ako sa kaniya. "Sa taas, iyan ang paboritong kanta nila ng kapatid niya, Celine ang pangalan."
"Hmm."
"Hahaha what's with the hmm?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
Malay ko, hindi ko na lang sinagot.
YOU ARE READING
Bad Genie [Book One-Completed]
Fantasy"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...