BG XXIV

50 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"What? Got any problem with that, bro?" Maarteng tanong sa kaniya ni Ate Snow. "Oh! Oo nga pala, you lost your powers. Holy freak! Paano ka niyan sa duel?"

"Tsk," iritang umismid si Thunder. I don't know. Hindi ata niya namamalayan na gumagamit pa din siya ng telepathy sa akin.

Napatingin ito sa akin habang kunot ang noo. Kasalanan mo toh, Tingting.

"Anong kasalanan ko, inagaw mo kasi iyong manika ko," baling ko sa kaniya hanggang sa maalala ko na hindi ko na nga pala mahanap iyong manika ko. Iyon na lang ang natitira kong gamit mula sa taas tsaka alaala kay Celine at sa pamilya ko doon. Naalala ko ulit ang nangyari. Gusto kong maiyak. Kasi naman, bakit nawala ko pa.

"Stop that. You're leaving me out again."

Natauhan ako saka biglang napatingin kay Thunder. Tulala ito sa ibang direksyon. Nakita niya ba lahat ng inisip ko? Oh no. Did he see all of it? Nababagabag ako.

Hoy, tanda. Wala namang sumagot, sa tingin ko ay naputol niya ang telepathy bago ko binalikan ang nakaraan ko sa isip. Paano kung hindi?

"I'm annoyed," biglang sabi ni Thunder. "Pagkarating ko dito ay hindi ko na magamit ang kapangyarihan ko at kailangang balikan ang basics. I can use my special abilities, but that's it."

"Well, that. Gen told me na nahulog kayo sa fountain," nahinto si Ate Snow na parang may biglang naalala. "Anyway, for the meantime, ako na lang muna magtre-train sa inyo. I have nothing to do anyways. If you're both back to basics, para na rin kayong mga recruits who have least knowledge about their power control and potential."

"Tss."

"Let me help you, okay? Let's see what we can do within a month," sambit ni Ate Snow bago ito biglang naging excited saka ihinarap sa kaniya si Thunder. "Wait, if the legends are true, you saw them?" Kumikinang ang mga mata na tanong ni Ate Snow.

"Nah, at kung oo, hindi ko maaalala."

"Aww, sayang. The legends must be true since pareho kayo ni sister na walang kapangyarihan." Haha, hindi ko alam at hindi ko sigurado, napalabas iyong usok ko kanina dahil doon sa babaeng may bad wish. Anong gagawin ko?

Napatigil ako sa pag-iisip nang mapataas kaunti ang boses ni Ate Snow. "Sabay tayong gra-graduate next year! Hahaha"

Takang tumingin sa kaniya si Thunder at saka nagtanong. "WHAT?!"

"Yeah, bro. You heard me right."

"Anong gra-graduate next year, ate? What do you mean by that?"

"Pinapili ako ng headmaster, gra-graduate this year but my title will be revoked or I'll graduate next year with my top ranking. Of course, I chose the latter. As if. I'm the first rank since novice ako. That's not an easy feat."

"Tss. Pagsisisihan mong hindi ka pa gra-graduate this year." May halong pang-aasar sa boses ni Thunder.

"Well, kung hindi mo naman kasi inaway si sister at hindi kayo napadpad sa mundo ng mga tao, eh 'di wala sana akong failed mission noh? Elmira was in critical condition so I wasn't able to find the two of you."

"Tss. How's Elmira?"

"It's good that she's already conscious."

Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming tatlo saka bumalik ang excitement ni Ate Snow. "Anyway, since nandito naman na tayo, let's go shopping!"

"I'm out." Sabi ni Thunder bago kinuha si baby Celine saka dali-daling umalis.

"Pretty please," pagsusumamo sa akin ni Ate Snow habang nakanguso. Nakahawak pa ang isa niyang kamay sa kamay ko, parang pinipigilan akong umalis. Napatango na lang ako. "Yay! Let's go."

Na siyang hindi ko dapat ginawa. Plok. Pabagsak akong napahiga sa kama ni Snow. I'm tired. Mag-gagabi na kaming nakabalik sa academy sa dami ng pinuntahan namin. Wala na akong energy. Napatingin ako kay Ate Snow na malawak ang ngiti.

Nakaharap siya sa salamin. Heto at excited na ilabas lahat ng mga pinamili. Hay. Ramdam ko ang sakit ng katawan sa pagod. Andami niyang pinasukat sa akin na mga damit, tinotoo nito ang mga sinabi kahapon.

Parang black credit card ang ID card niya na tila hindi nauubusan ng points. Huhu Gusto ko nang matulog.

"Hey, sister. Try this," excited pa ding sabi nito sa akin.

Inabot niya sa akin ang isang watch. Katulad ito ng suot ng mga estudyante sa academy.

"Inilagay ko na diyan ang contact ko at ng mga Rankers. Ipinasa ko na din lahat ng pictures natin kanina and nandiyan na din ang Chronicles."

"Chronicles?"

"Yeah, official newspaper or news website ng Kromelia. You may check it later."

Isinuot ko ang watch at agad ko doong nakita ang vital signs ko. Amazing. Tinignan ko ang watch at may walong contacts na nandoon: Snow, Silver, Blue, Fiona, Elmira, Thunder, Somi, at si Gen. Sunod kong tinignan ang pictures namin at hindu ako makapaniwala sa dami ng bilang nun.

1111 pictures. Lahat ng iyon ay ang mga litrato namin ni Snow kanina habang nagshoshopping. Mayroon doon iyong mga litrato ko habang naglalakad, iyong mga litrato ko sa mga sinukat kong mga damit, iyong dalawa kami na parehas ang suot, saka madami niyang selfies.

"Holy freak! What is this?" Taranta niyang tili kaya napatingin ako sa kaniya.

"A-anong nangyari, ate?"

"Oh come on! Ate sounds so matanda. Just call me sister. Sisters?" Tanong niya sabay lahad ng kamay. Hindi ko alam ang gagawin kaya nakipag-shake hands naman ako kay Ate Snow.

"Sisters."

I AM A BAD GENIE.

"I cannot believe na pinagtatambal kami ni Silver, eww." Sabay check nito sa mga comments. "Ikaw ito noh?"

Napatango na lang ako.

Hindi ko inaasahang ganito ang Chronicles, isang tabloid ng mga pangyayari sa Kromelia, karamihan ay tungkol kila Snow, Blue, Fiona. May column na nakalaan para sa kanila at may headline na "The Heirs."

Napako naman ang tingin ko sa balita tungkol sa matinding duel nila Blue at Fiona kanina. Hot topic ito ngayon. Madaming kumento doon tungkol sa lakas nilang dalawa, tungkol sa alitan ng mga unlike elementians ng apoy at tubig, may pustahan pa tungkol sa nalalapit na year-end duel.

Bakit ganoon sila?

Nakita ko din ang ilang negatibong kumento kila Blue at Fiona. Kung makapanghusga ang mga ito ay parang alam nila ang buong nangyari.

"Hey, sister. Are you alright?" Napatango ako sa kaniya. Saglit lang nang magsalita ulit ito. "Kadarating mo pa lang sa academy pero kalat na ang mukha mo sa Chronicles. Please beware. Ang dami mong stolen shots dito."

Hindi ko pa nakikita ang mga sinasabi niyang stolen shots pero habang nag-i-scroll ay namataan ko ang isang masamang hiling. May mainit na pwersang namumuo sa katawan ko.

Sana ay hindi na namin makita pa ang Fiona na iyan sa academy. Expel her.

Kita ko ang paglabas ng usok sa mga palad ko. Itinalukbong ko sa akin ang kumot saka humiga nang nakatalikod kay Ate Snow. Pinagdikit ko nang mariin ang mga palad ko hanggang sa makatulog.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now