BG XVI

90 7 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Inilahad niya ang kamay sa akin saka binanggit ang pangalan niya.

"Aesus Roudein," pilyo ang pagkakasabi niya bago humalik sa kamay ko.

"Aquillina Louise," magiliw na sambit nung water goddess.

"Terran Elvo," Nakahalukipkip lamang earth god na pinag-iisipang mabuti ang sunod na mga kilos.

"Signa Illinois," pagpapakilala ng fire goddess. Taimtim ako nitong tinitigan tulad ng titig ni Fiona na puno ng kuryosidad. Akala ko hinuhusgahan niya ako noon eh pero mabait talaga siya - ganoon lang pala talaga siya tumingin, parang napakadaming tumatakbo sa isip.

"Ngayon, kilala niyo na kami. Hihihi... Magtampisaw na kayo. May magic iyan, hihilumin niyan ang mga sugat niyo, pati ang sugat ng inyong mga puso."

Napako ang tingin ko kay Aquillina. Parang malalim iyong sinabi niya at hindi ko masisid. Bigla akong napaiwas ng tingin nang makitang nagmamasid ito sa akin. Sa pag-iwas ko ay hindi inaasahang mababaling ang tingin kay Thunder na sa akin din pala nakatingin. Inilahad niya ang palad. Takang-taka ko lamang iyon na tinitigan.

"Ano ba!? Paghihintayin mo ba akong habangbuhay?" Iyan nanaman ang inis na tono niya. Sayang naman ang bata niyang mukha kung mabilis siyang tatanda sa kakakunot ng kaniyang noo. Mukha siyang pinaglihi sa takore.

Hindi nakapaghintay si Tanda at hinigit na lamang basta ang kamay ko. Akala ko naman ay aalalayan niya akong bumaba ng hagdan para maabot ang tubig, iyon pala ay itutulak niya ako nang biglaan. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siya natinag at mas malakas pang tumawa.

Nagkatotoo ang sinabi ni Aquillina. Naghilom ang iba-ibang sugat ko sa katawan at lubos na nakakapagpakalma ang tubig nito.

Muli kong naalala ang buhay ko sa mundo ng mga tao, ang masasayang pagsasama namin nila mama, papa, at Cel. Hindi ko maiwasang mangiti... nang mapait. Bagamat gusto kong magtagal sa mga alaala na iyon at biglang nagsulputan ang mga hindi magagandang pangyayari sa buhay namin, sa akin. Inilubog ko na lamang ang sarili sa tubig. Sana makalimutan ko na, please.

Hindi ko man mahalata ay tiyak akong lumuha sa tubig ng pool. Madalas ay nakikita ko ang mga imaheng iyon kapag pipikit ako o sa pagtulog. Ipinagsawalang bahala ko ang bigat ng loob na gumagapang muli sa damdamin ko. Iniahon ko ang ulo, saka ang katawan. Hindi na ako babalik sa mga alaala na iyon, pagsisikapan kong malaman kung sino ba talaga ako at kung anong mabuti ang kaya kong gawin.

Go Beny! Go Beny! Naalala ko kung paano magcheer ang pamilya kong nang minsang sumabak ako sa swimming competition noong high school. Inalala ko ang tunog ng go signal. Bam! Tulad noon, nagsimula na akong lumangoy.

Aquillina, you okay?
O-oo naman, haha, may iniisip lang.

Nang mapagod ay umahon na ako. Nakaupo naman sa gilid si Thunder habang kinukuyakoy ang nga binting nakasawsaw sa tubig.

Aesus, ang propesiya?

Hmm, the land of present and tomorrow
which knows no past will never last
In order to know what's forgotten
the doom of good shall rise

Sana ay nagkakamali lang ako, pero malaki
ang posibilidad na sa timeline ng mga batang ito
maisasakatuparan ang propesiya.

Splash! Tunog iyan ng tubig nang itulak ko si Thunder sa pool gaya ng ginawa niya sa akin kanina. Lumubog siya. Oh my gosh. Kanina lamang ay nakataas ang mga kamay nito na humihingi ng tulong. Hindi ata siya marunong lumangoy.

Napalinga ako sa paligid at abala naman ang gods and godesses sa kanilang diskusyon. Aish! Taranta akong lumusong sa tubig. Nang maabutan ko siya ay nakapikit ito sa ilalim ng tubig tila hindi na humihinga.

Please live. Iniangat ko siya sa pool. May ilang beses ko na siyang niyugyog saka tinapik-tapik sa pisngi. Hindi ito nagigising. I need to perform CPR.

"Bitaw," madiin kong sabi habang matalim ang tingin sa kaniya. Nirespeto niya naman iyon at agad itinaas ang mga kamay. Kanina kasi... Aish!

"I'm sorry," sinsero niya namang sabi.

"Huwag mo nang uulitin iyon."

I need to perform CPR. Habang nasa gilid niya ako ay itinapat ko ang kamay sa dibdib saka inumpisahan ang compressions. Nang makita kong hindi ito gumagalaw ay iniangat ko ang baba nito nang kaunti upang maayos ang kaniyang airways bago ko umpisahan ang pagbigay sa kaniya ng hininga.

Pinisil ko ang ilong niya at bigla itong nagmulat. Sa bilis ng pangyayari ay ilang sentimetro lang ang layo ng mga labi ko sa bibig niya. Natauhan ako. Mabilis pa sa alas kwatro niyang inilapat ang palad sa batok ko kaya hindi ako agad nakaalis. Saglit kaming nanatili sa ganoong posisyon.

"Have you seen death," malumanay na tanong niya sa akin.

"Oo." Bakt niya ba ako kailangang tanungin?

"Naka," saglit siyang natigilan, "nakapatay ka na ba?"

"O-oo." Hindi ko maintindihan bakit kaya ko siyang sagutin.

"It's not your fault."

"Ha?"

"Hindi mo kasalanan," banggit nito habang malambot ang tingin sa aking mga mata. "Well, may pagkakasala ka dahil hindi mo nakontrol ang kapangyarihan mo o ang emosyon mo but you do not have to live in shame, or in fear. You'll overcome it."

Naluha ako sa sinabi niya. Kinakain pa din kasi ako ng konsensiya ko kapag naaalala ang mga iyan. Parang hindi ako ang sarili ko.

"Tsk, weakling." Pinunasan nito ang mga luha ko saka ako binigyan ng maikling yakap.

"Kids, times up na tayo." Sabi ni Aesus.

"Pero may parting gift kami sa inyo bago kayo umalis, hihi" Tinawag ni Aquillina ang iba pang kasama.

"Bahala ka diyan Aquillina, wala akong balak makialam sa daloy ng mundo nila," mariing sabi ni Terran.

"Hindi naman tayo mangingialam eh, magbibigay lang tayo ng basbas."

"Dalian na lang kasi, ang daming daldal," inip na sabi ni Signa (Sinya).

Bumalik silang apat sa natural nilang laki at saka bumuhos sa aming dalawa ni Thunder ang bugso ng mga kapangyarihan nila. Dinala ako ng bigat nito sa isang mahimbing na tulog.

I AM A BAD GENIE.

Nakaramdam ako ng mahinang yugyog sa balikat. Iminulat ko ang mga mata at nasilayan ang hardin ng academy.

"Let's go, Tingting."

"Tanda." Mabilis akong tumayo at naglakad paalis.

"Where do you think you're going?"

Kruug. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng tiyan ko. Napangisi siya dahil doon. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang kinakaladkad papunta sa kung saan. Natigil kami sa dining hall. Natuon ang pansin ng lahat nang makapasok kami doon. Ipinagsawalang bahala ko ang mga tingin at bulong nila dahil magaan ang pakiramdam ko ngayon.

Iniwan ako ni Thunder sa harap ng isang upuan saka siya nagtungo sa counter. Naupo ako. Bumalik si Thunder sa table namin na may hawak na tray.

"Eat." Susubo na sana ako nang biglang yumanig ang lupa. Nabitawan ko ang kutsara sa gulat.

"SILVER!" Nadinig ang malalim at malamig na boses ng headmaster sa buong akademiya. Awtomatikong sinundan ng pandinig ko iyon.

"Hindi pinaghihintay ang pagkain," iritang sabi ni Thunder. "Sumubo ka na o gusto mong subuan pa kita?"

Nilantakan ko ang pagkain pero ang pandinig ko ay nakatuon pa din sa headmaster's office.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now