XV | Recruit: Benevelle

54 6 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Benevelle ~

Nag-iinit ang mga pisngi kong isipin na yakap-yakap ko siya. Kanina pa kami nasa ganitong posisyon. Gaano katagal ba siyang matutulog? Sinubukan ko siyang itulak kanina pero ang bigat niya, ganunpaman, magaan ang pakiramdam ko sa bigat niya hindi tulad nung - ayaw ko nang maalala. Idinukmo ko ang noo sa dibdib niya. Nakasiil ang magkabila kong braso sa yakap niya kaya naman ito lang ang kumportableng posisyon. Pagod na akong tumingala.

May kaunting kasiyahan sa dibdib nang maalala ko ang napagtagumpayan kong pagpipigil kanina. Kaya ko pala. Pwede pa lang hindi na ako makapatay muli ng tao. Pakiramdam ko ay kaya ko pang itama ang mga mali ko. Nabuo ang loob ko at desisyon ko - gusto kong magsanay, gusto kong manatili sa Kromelia, mag-aral sa akademiya, at matutunang kontrolin ang kapangyarihan ko. I love you, Beny. Kahit para na lamang sa alaala ni Celine.

Blag! Napahawak ako sa balakang dahil sa lakas nang pagkakatulak niya sa akin. Gusto ko na atang bawiin ang mga sinabi ko. Ano kaya kung bawian ko na lang siya ng buhay.

"Shit, I'm sorry," puno nang pag-aalalang tugon niya. "Fuck," daing niya habang sabunot an sarili.

Nangyari sa kaniya? Kanina ko pa kinagigiliwan ang mga reaksiyon niya. Nakakatawa kasi ang mabilis na pagkunot ng noo niya, malaking pagmulat ng mga mata, pamumula ng pisngi, parang ang dali-dali niyang basahin, mukha pa lang. Pfft. Ngayon naman ay nagpapapadyak siya na parang bata at patuloy na namumula sa galit o sa hiya. Napakaikli ng pasensiya.

"Pikon," hindi ko namalayang nasabi ko pala.

"Anong sabi mo?" Ingit nito habang matalim ang tingin sa akin at nakaduro. Agad ko naman itong tinampal.

"Sabi ko pikon ka!" Nilapitan ko siya lalo saka tinignan diretso sa mata. Pansin ko ang pamimilog nito, pigil ang hininga nito sa sobrang inis.

"Hindi ako NAPIPINGKO!"

"Pfft. AHAHAHA" Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa pagkabulol niya. "AHAHAHA" OMG. Napipingko. Mukhang may bago nanaman akong ipang-aasar sa kaniya.

Tinignan ko ang itsura niya at nakatakip ang dalawa nitong mga kamay sa mukha habang pulang-pula naman ang mga tainga niya. Binawi naman nito agad ang postura at bumalik sa gusot niyang mukha. Nakatitig ito sa akin nang masama habang hindi pa din ako matigil sa pagtawa.

"Napipingko, hahaha"

"Tawa pa, Tingting. Malunok mo sana dila mo."

"Anong sabi mo Tanda?" Napasinghap ito, tila ba hindi makapaniwalang pinatulan ko ang sinabi niya.

Sa totoo lang, hindi naman siya talagang mukhang matanda. Katunayan, bata siyang tingnan at maganda ang korte ng mukha niya. Matangos ang ilong niya. Manipis ang ibabaw na labi pero matambok iyong ibaba, tapos natural na mapula ang mga iyon. Nakakainggit. Mas maganda pa ata siya sa babae, parang manika. Pero masculine pa din ang aura niya.

Mahaba din ang mga pilikmata niya. Sa kaloob-looban ko ay nais kong makita ang tunay na kulay ng mga mata niya, hindi gaya nitong sumasalamin sa akin, sa kaparehong kulay ng mga mata kong itim. Napagtanto kong nakatingin din ito sa akin at lalong umikli ang isang metro naming distansiya kanina.

Dali-dali akong humakbang paatras. May nasagi ang mga paa ko at muntik na akong matumba pero mabilis niyang hinapit ang baywang ko palapit sa kaniya.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang hindi pinuputol ang tingin. Isang dangkal na lang ang pagitan namin.

"Ngayon mo sabihin sa akin na mukha akong matanda, Benevelle." Benevelle. Mas malalim ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko at dama ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Bakit ako kinakabahan?

Hindi, hindi ako kinakabahan. Hindi lang ako sanay na madinig ang pangalan sa ganoong tono. Nakakakilabot. Teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?

Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya at hinayaan naman niya akong gawin iyon. Huminga ako nang malalim. Noon ko lamang napansing pigil na pigil ang paghinga ko kanina pa. Sinalubong ko ang nakakalokong tingin niya. Pakiramdam naman niya nanalo na siya, ang ganda ng ngisi.

"Mukha kang matanda, Thunder. Thunder tanda, bagay naman, 'di ba?" Natutuwa ang kalooban ko kasi rhyme, ang talino ko doon. Hay, kung nandito si Celine ay mapagsasabihan nanaman ako noon na sa kalokohan at biruan ako magaling.

"Tingting," pagpatol nito.

"Tanda," baling ko. At hindi ko alam kung ilang beses pa kami nagbatuhan ng salita.

"Tss," sabay naming pag-ismid.

Ayeeeiii, diyan nagsisimula iyan.

Parehas kaming nagulat sa boses na iyon na umalingawngaw sa palasyo at tila awtomatikong napayakap kami sa isa't isa. Mabilis din naman ang aming pagbitaw. Bakas sa mukha niya ang pagkairita habang pinapampag ang sarili. Bakit ba ang arte nito?

Inilibot ko ang tingin upang hanapin ang nagsalita. Hindi ko alam kung nasaan siya at nasaan kami. Napupuno ng ginto at mamahaling mga bato ang paligid, at napakadaming naglalakihang mga muwebles. Hindi lang doble ang laki nito kundi sampung beses kumpara sa normal. May apat na trono ang nasa mas malayuan at hindi ito gawa sa anumang bagay kundi gawa sa iba't ibang elemento sa Kromelia.

Welcome sa aming tahanan. Masiglang bati ng isang higanteng diwata na bughaw ang kasuotan. Ang taas niya. Nakakatakot. Para akong langgam kumpara sa laki niya.

Sumulyap ako sa katabi at bakas sa mukha nito ang pagkamangha. Halos kuminang pa ang mga mata nito. Buka pa ang bibig. Para siyang batang dinala mo sa ocean park o sa zoo.

Maya-maya ay may tatlo pang higanteng nilalang ang dumalo sa higanteng diwata.

Relax lang kayo, hihi. Gusto niyo munang mag-spa?

Isinayaw nung diwatang nakasuot ng bughaw ang mga kamay at nagkaroon ng pool malapit sa amin. Magiliw ito, parang si ano, si Blue.

Mabilis kong hinigit ang damit ni Thunder na excited nang magtampisaw sa pool. Tinapunan niya ako ng iritableng tingin at sinuklian ko lamang siya ng blankong tingin pabalik.

"What?" Siraulo, iyon lang ata talaga ang alam niyang sabihin.

"Hindi mo ba alam na masamang tumanggap ng kung anu-ano sa mga 'di mo kakilala?"

"Hindi mo kilala. Ako, kilala ko sila. Sila ang mga gods and godesses ng Kromelia. Bitawan mo nga ako," tugon niya saka iritang hinugot ang damit. Ang bilis naman magalit nito.

Sige, wala naman talaga akong alam sa mundong ito. Napuno ng pagkadismaya ang aking kalooban, parang gusto ko nang makabalik ng akademiya at dumiretso sa silid-aklatan para naman hindi ako nagmumukhang tanga sa mga ganitong maliliit na bagay. Napapunas ako ng luha. Bakit kasi ang bilis kong maiyak?

"Pasensiya na hindi kami nakapagpakilala," ani ng isang god na nakasuot ng puti. Tiningala ko pa ito. Nang mangawit ako ay tumingin na lamang ako sa paa niya.

Nagulat na lamang ako nang biglang kasinlaki na lamang namin sila. Inilahad niya ang kamay sa akin saka binanggit ang pangalan niya.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now