BG XLVII

40 4 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Blue ~

"Challenge, start!"

Wala na akong nagawa ngayong hapon kundi sapilitang panoorin ang challenge duels. Nakabantay sa magkabilang gilid ko si Thunder at si Silver dahil na din sa utos ng headmaster na nagbabawal sa akin na umuwi habang nasa West Kingdom na ang buong pamilya ko. May pagpupulong pa daw ang rankers mamaya. Bawal pang umalis.

Nakakaburyo na ang mga sumunod na mga laban pagkatapos nung kila Snow at Somi. Sana naman hindi ganoon ang laban nitong dalawa. Pinagmasdan ko ang itsura ni Fiona na wala namang pinagbago mula ulo hanggang paa maliban sa pinaikli niyang buhok. Ganoon pa din ang matapang niyang tindig kahit na sa kabila nito ay totoo siyang malambing. Sa akin nga lang niya ipinapakita, swerte ko 'di ba?

Ngayon ay hindi na. Pagkabalik ko mula sa West Kingdom ay pakikipaghiwalay agad ang bungad niya na para bang balewala lahat ng pinagsamahan namin sa loob ng siyam na taon. Hindi ko pa din makontrol ang kapangyarihan ko. Hanggat hindi ko napapatahan ang pabugso-bugso kong mga emosyon ay magwawala ito sa loob ko at dumadalas ang panahon na para akong nalulunod sa sarili kong mga alon. Para akong batikang manlalangoy na natutong matakot sa tubig.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Silver.

Tumango ako sa kaniya pero hindi. Nanatili ang maasim na lasa sa bibig ko habang dama ko ang sariling dugo na bumabagal ang daloy sa katawan ko. Kailangan kong pumirmi. Kung hindi, literal na magiging bato ako tulad ng isang patay na koral.

"Nasaan si baby Celine?" iniba ko ang takbo ng isip.

"Nakay heleng Lily," sagot ni Thunder. Mabuti naman at nasa Aqua-Terra ang sanggol ngayon sa pangangalaga ng nanay ni Gen. Doon siguro saglit na iniwan ni Gen.

"Nasaan si Gen?" tanong kong muli dahil hindi ko pa ito nakikita buong araw.

"Tss, mukha ba kaming lost and found?" iritang baling ni Thunder na ayaw maistorbo habang nakatuon ang pansin sa laban. Kanina ko pa ito napapansin na nangungunot ang noo sa tuwing pumapabor kay Fiona ang laban, sa tuwing mawawalan ng balanse si Ben, o tuwing mapapaatras si Ben sa lakas ng hampas ni Fiona ng sandata.

Fiona ko, wala kang awa.

"Gusto niyong magpustahan?" biglang singit ni Silver.

"Psh, anong ipupusta ni Thunder, demerits?" pang-aasar ko.

"May 38,000 pa ako, inyo na lahat kapag natalo si Benevelle," kaswal na sabi niya.

"Naks naman loverboy! Sige 38K din ang taya ko para kay Fiona, sali ako ha," mapaglarong sabi ni Somi nang makiupo ito sa amin.

Pfft. 38K. Nanalo si Thunder kanina sa laban namin kaya nakaipon ng dagdag na 30,000 points pero mas mataas pa din ang ranggo ko dahil sa baba ng points niya, five digits na walang pang kalahating daang libo.

Kaya heto ang rankings matapos ang rankers' duel. Para itong patalastas na ipinapakita sa ilang monitors sa loob ng arena.

This year's Hark Knights!
1st Rank: Somi
2nd Rank: Blue (na gwapo)
3rd Rank: Quinn
4th Rank: Fiona
5th Rank: Thunder
6th Rank: Bern
7th Rank: Vacant

Maswerte ang dalawa pang scholars na makakatapak sa rankings dahil hindi pa naman kami gragraduate ni babe, ex-babe.

"40K kay Benevelle," pusta ni Silver na inismidan at pinaningkitan naman ni Thunder. Saglit siyang tinapunan ng blangkong tingin ni Silver na para ding naghahamon.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now