BG IV

128 7 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Hinayaan ko ang sarili na tumitig sa kaniyang mga mata. Kulay abo ang mga ito. Ang kulay na paborito ko. Habang walang malay, nagpatuloy ang mga imahe hanggang sa panaginip ko.

"Benevelle, laro tayo."

Pag-aaya sa kaniya ng batang lalaki. Nasa isang malawak na bakuran ang dalawang bata, nakaupo sila sa damuhan, sa ilalalim ng isang matayog na puno.

"Silver, pagagalitan tayo." Nag-aalalang suway ng mas batang babae.

"Lagi naman tayong pinapagalitan eh."

"Ang kulit-kulit mo kasi."

"Dali na Benevelle, may ipapakita ako sa iyo." Walang nagawa ang batang babae nang hilain siya patayo ng kalaro kaya tahimik na lang itong sumunod.

"Tignan mo oh. Kaya kong paliparin ang mga dahon." Namamangha man ang babae ay nag-aalala pa din ito na baka mahuli sila.

"Ang galing Silver... pero halika na, matulog na tayo."

"Ayaw."

"Bahala ka diyan, matutulog na ako. Pagalitan ka sana ni sister."

Akmang aalis na ang babae nang may gawing nakakaloko ang kalaro kaya napasigaw ito.

"Sino iyan?" Bakas ang takot sa mukha ng dalawang bata nang marinig ang nakakakilabot na boses ng madre sa bahay ampunan.

"Sister." Pinaluhod ng madre ang dalawang bata sa asin bilang parusa.

Tahimik na lumuluha ang batang babae dahil sa sakit ng mga tuhod at braso. Gusto niya nang matulog. Maaga pa silang maglilinis kinabukasan.

"Sorry, Benevelle." Tikom lang ang mga bibig ng batang babae, pakiramdam niya ay matutumba siya anumang oras. "Salamat kasi hindi mo ako iniwan."

"Balak na kitang iwan kanina," inis na sumbat niya sa kalaro.

"Pero hindi mo itinuloy."

"Ihinangin mo kasi iyong bestida ko!" Napataas ang boses ng bata dahil sa pagkabagabag at matinding inis.

"Tahimik!" Muli silang pinag-initan ng madre at pinalu-palo gamit ang manipis na kawayan.

Napahilata ang batang babae dahil sa sakit ng katawan pero patuloy pa din ang pagpalo ng madre.

"Ako na lang, ako na lang po. Kasalanan ko po, huwag niyo na pong idamay si Benevelle." Tumigil sa pagpalo sa batang babae ang madre pero dinig sa kuwarto ang mas maingay na pagdaing ng kalaro nito na si Silver.

Habol-habol ko ang hininga pagkagising. "Aah," napahawak ako sa ulo dahil parang mabibitak ito. Pansin kong binabalot ako ng usok. Nag-iinit ang katawan ko na para bang inaatake ako ng sarili kong kapangyarihan. Ang init. Para akong sinusunog nang buhay.

"Benevelle," bati sa akin ni Silver. "Shit, you're still hot." Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

"We should go back na, Silver." Kunot ang noo na sabi sa kaniya ni Fiona.

Itinaas ni Blue ang isang maliit na papel at bumigkas ng kakaibang lenggwahe. Isang portal ang humarap sa amin.

Nangungunang lumusot doon si Fiona. Buhat-buhat naman ako ni Silver na parang isang lantang gulay na pasyente saka siya pumasok doon. Sumunod naman si Blue.

Pagkarating namin sa kakaibang lugar na iyon ay agad gumaan ang pakiramdam ko. Parang hinihigop ng kalikasan ang kapangyarihan ko. Nabawasan ang init na nararamdaman ko at nakahinga ako nang mas maluwag.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now