BG XLVI

80 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Sana ay nagkamali lang ako ng dinig.

"Kamahalan, pinapasundo na po kayo ng inyong ama," sabi ng kawal kay Riel na may malungkot na mga mata.

Pagkabalik ko sa palikuran ay naabutan ko na doon si Riel na tumatangis habang inaalo ni Mina. Nabalitaan nito ang pagkahimatay ng ina na siyang isinugod agad sa West Kingdom dahil tila ba nag-uumpisa nang maging transparent ang kaniyang katawan tulad ng tubig. Ibig sabihan ay nalalapit na ang kamatayan ni Lady Rien. Malungkot na sumama sa kanila si Riel at mabigat din ang loob namin ni Mina habang pabalik sa arena.

Walang nagsasalita sa amin ni Mina habang naglalakad at malayo pa lamang ay dinig na ang malakas na hiyaw ng mga elementians sa arena. Pagkarating namin ay kasalukuyang naglalaban sa battle ground sila Blue at Thunder. Pumapabor kay Thunder ang laban na mas maganda ang control sa elemento niya kesa kay Blue na tila hindi pa tuluyang nakarecover sa laban nila ni Fiona noong nakaraang linggo. Magkalapit naman ang bilis at pisikal na lakas ng dalawa. May hawak na bughaw na lanso si Blue habang ang sandata naman ni Thunder ay baril na hawak niya sa magkabilang kamay.

Sa gitna kung saan may isang malaking screen ay naka-flash ang mukha ng mga rankers.

Snow - withdraw
Silver - withdraw
Elmira - withdraw

Somi (Win) vs. Bern (Lose)
Fiona (Lose) vs. Quinn (Win)
Blue (Lose) vs. Thunder (Win)

At saka inanunsyo ni Somi ang resulta ng laban bago iminungkahi na magpalista na ang mga apprentice at scholar na makikilahok sa challenge.

"Mina, sasaglit lang ako sa banyo," paalam ko sa kaniya.

"Iihi ka ulit?" nanlalaki ang mga matang tanong nito. "Samahan na kita."

"Hindi na, ayos lang," tinanguan ako nito pero pinagsabihan na huwag ko daw ulitin ang nangyari kahapon.

Patuloy ang hiyawan sa arena at muling may mga rose petals na nahuhulog sa ere. "On stage, Snow and oh- Benevelle and Fiona!" A-ano iyon? My gosh, no! Nagplay doon ang performance namin ni Fiona noong birthday ni Blue at nahihiya akong tumakbo patungo ng palikuran.

Playing: Take a Hint from Victorious

Oh! Get your hands off my hips, 'fore I'll punch you in the lips
Stop your staring at my--- hey!
Take a hint, take a hint
No you can't buy me a drink, let me tell you what I think
I think you could use a mint
Take a hint, take a hint

Pagkalabas ko ay namataan ko sa malapit si Blue na masama ang titig sa isang lalaking elementian. Kung nakakamatay ang pagtitig, bulagta na ito sa sahig. Mukhang magbubunuan pa ang dalawa. Lumapit ako sa kanila at nakita ang pamilyar na mukha nung lalaki na tinawag ni Blue na Stan, siya iyong naka-duel ni Fiona kahapon.

"Icha-challenge mo ulit si Fiona?" hindi ko namalayang nasabi ko ang nasa isip nang malakas. Hindi pa natuto kahapon.

Umismid ito saka ngumisi sa akin. "Benevelle, tama?" pinagmasdan ako nito mula ulo hanggang paa. Aba! "Hindi ko alam kung bakit nag-ampon si Sol ng kuting na gaya mo. Naawa siguro," mayabang ang pagkakasabi niya habang mahinang natawa.

"Stan, tumigil ka," madiin na sita ni Blue.

"I do not take orders from you, Aqua," halata mo ang pagkamuhi nito sa binitawang salita.

Bumaling naman iyong Stan sa akin saka umismid. "Challenge, hmm, magandang idea," nagsulat ito sa maliit na papel na hawak niya. Biglang nag-apoy ang papel at tuluyan na itong umalis.

Nag-aalala akong napatingin kay Blue na nakita kong nagngingitngit habang nakakuyom ang kamao. "Ayos ka lang Blue? Bakit pala nandito ka?" tanong ko sa kaniya dahil akala ko ay susunod ito sa kingdom nila.

"He doesn't know yet," sabi ni Thunder sa isip ko habang naglalakad palapit sa amin.

"Hi, Ben!" Masiyang bati muli ni Blue. "Huwag kang mag-alala, hindi marerecord iyong sinulat niya dahil recruit ka pa lang. Una na ako."

Ha? Anong record? Nakaalis na si Blue bago marating ni Thunder ang pwesto ko. "The challenge request was accepted. Nandito ako para sunduin ka, tss. Good luck, weakling."

Hindi niya na ako hinintay at kinaladkad na papunta sa backstage o preparation area ng mga magduduel. Bakit ako nandito? Naabutan ko din doon si Fiona na nanonood ng kaganapan sa battle ground kung saan naglalaban sila Snow at Somi ng walang kapangyarihan.

"That's the rule. Isip at katawan lang ang gagamitin sa challenge and it will last for five minutes. You see those Knights up there? They will decide if you passed or if you failed," mahabang explanation ni Fiona habang nababasa ang isip ko.

Wait. Don't tell me na may makaka one-on-one duel ako? "It's me silly. Pumasok iyong request ni Stan and I accepted it," kaswal na sabi nito. Ano! Pero sabi ni Blue, hindi iyon papasok dahil recruit pa lang ako. "Asul lang ang nakikita na kulay ni Blue, anything else sa paningin niya ay grayscale or black and white. He cannot see the color of your lanyard, not until scholar ka na," mahabang paliwanag ni Master Fiona.

Ngayon ko lamang nalaman. Kaswal makipag-usap habang blangko ang mukha niya, pilit na itinatago ang pananabik kay Blue ngunit halata sa mukha niya na inaalala niya ang pagsasama nila. Hay. Bakit kasi naghiwalay? Ang gulo din ni Fiona, minsan eh.

Natuon na lang ang pansin ko sa laban nila Ate Snow at Somi. Nagkatotoo kasi iyong sinasabi ni Somi na siya ang magiging first ranker eh, ayan tuloy, siya ang napagbuhusan ng galit ni Snow. Nakakapanibago ang awra ng dalawa habang naglalaban at tila ba kabisado na nila ang galaw ng isa't isa. Mukhang handa silang magpatayan. Mabigat at kalkulado ang mga galaw nilang pareho. Tila ba sumasayaw sila ng tango.

Habang nauubos ang oras ay pabilis nang pabilis ang galaw nilang dalawa. Napatahimik nila pati ang madla sa tindi ng laban. Tanging ang nakakabinging magkakasunod na kalansing lamang ng espada nila ang madidinig at pigil hininga ang lahat hanggang sa madami ang napasinghap. Tapos na ang limang minuto.

Nakatutok ang dulo ng espada ni Snow kay Somi habang ang huli ay nakatutok naman ang espada sa tiyan ng kalaban.

Napatayo ang Hark Knight na si Lovelle habang pumapalakpak. Napatingin sa gawi niya si Snow na may kakaibang kinang sa mga mata. "Take me as your apprentice, please." Kung nakakapagsalita man ang mga mata niya ay halatang iyang ang sinasabi. Sa kabilang banda naman ay sa kaniya nakangiti si Somi na mukhang panalong-panalo sa laban dahil pati mga mata niya ay nakangiti.

Maya-maya lang ay muntikan nang madapa sa sahig si Snow pero nahapit ni Somi ang baywang niya. Makikita mula sa pwesto ko ang dugo sa kaniyang balikat at sa hita. Siguradong magmamaktol nanaman siya tungkol sa dress pero agad din namang bibili ng lima pang bago. Hay.

"Eat this," sabay bigay sa akin ng maliit na puting orb. "Para wala kang masabing kung ano sa laban natin mamaya, minsan pa man din nabibigkas mo nang hindi namamalayan iyong nasa isip mo." Napanguso na lang ako sa turan niya.

Tama naman, kaya nga ako napahamak kanina. Madami pang sumunod na laban. Nakipag-duel din si Mina kay Quinn na para bang iritang-irita siya dito. May kapusukan din pala ito. Kung ano mang away nila, hindi ko alam. At ngayon, kami ay nasa huli na ng listahan ng challenge.

"Ohh, take a hint! Take a hint!" Ramdam ko ang init sa mga pisngi dahil sa malakas na hiyawan ng madla. Nakaflash ang mukha namin ni Fiona sa screen na may status ng levels and points namin. Laking pasalamat ko kay mommy at hindi na iyon 65,000 demerits pero nakakamangha na 999,999+ ang nakasulat kay Fiona.

"Take that off and choose your sword," sabi ni Master Fiona nang nakaturo sa anti-ability bracelet ko.

"Young Lady Sol Fiona Scarlet Illinois versus Benevelle Quentin. Challenge, start!"

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now