Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
~ Thunder ~
Kailangan ko nang bumangon dito. Mukha akong tanga na nakadapa sa sahig pero mas mukhang tanga iyong babaeng tanaw ko sa hindi kalayuan, kalong-kalong iyong sinira kong manika habang umiiyak. Ano siya, bata?
"Tss. Ang ingay!" Masama niya akong binalingan ng tingin at nakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa gulugod. Bakit ako kinabahan?
Hindi. Hindi ako kinabahan, nagulat lang ako dahil ngayon lang may tumingin sa akin gaya ng sa mga tingin niya. Mas malakas ako sa kaniya. Sisiw lang siya. I will never like her.
Tss. Nandito din pala sila Silver at Elmira, siyempre magkasama nanaman sila. Inayos ko ang upo at doon ko lang napansin ang kanina ko pang nakayukom na mga kamay. Kakaibang inis ang sumisilay sa dibdib ko tuwing nakikita silang magkasama. Gusto kong manuntok ng lalaking mahangin. Ang yabang. Ang laki-laki pa ng ngiti kay Elmira.
"Tinitingin-tingin mo!?" sigaw ko nang maramdam ang titig nung patpating babae.
"Selos ka?"
"WHAT?" Halos maputol ang litid ko sa pagkasigaw.
"Sa kanila, selos ka." Ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na kausapin ako.
"Hindi!"
"Kailangang nasigaw?"
"Oo!" Irita kong baling, bakit ko ba kinakausap toh.
"Noisy," aba, sinusubukang niya talaga ang pasensiya ko. Ang kapal naman ng mukha niya.
Wala sa sarili kong sinalo ang manikang ibinato niya. Magkahiwalay ang ulo at katawan nito, nakakadiring tingnan.
"Ayusin mo," masama pa din ang tingin nito sa akin. Galit na galit. May kakaiba sa mga titig na iyon na para bang ibabaon ka sa lupa anumang oras.
"What!?" Pero siyempre, hindi ako padadaig doon. Sino ba siya?
"Ayusin mo, ikaw ang nanira hindi ba, ikaw ang mag-ayos."
"Pwede ba tingting, kumukulo ang dugo ko sa iyo." Itinapon ko ang manika niya at bakas sa galaw niyang nagpipigil ito ng galit. Nakatingala ito sa taas at napapikit ng mariin habang kuyom ang kamao.
May usok na lumalabas sa mga kamay nito pero unti-unti din itong nawala.
Nakangisi itong bumaling sa akin, "Sana..." Natigilan ito saka humingang muli nang malalim. Parang tanga, bakit niya ba ginagawa iyon? Pinulot niyang muli ang manika na itinapon ko.
"Hinay-hinay sa pagkulo ng dugo mo. Baka maluto ka at manigas ka diyan." Nakakabanas.
"What!?" Gusto kong burahin ang nakakalokong ngisi sa mukha niya. Gusto ko ding tusukin ang mga mata niyang grabe kung makatingin.
"Ang limited naman ng vocabulary mo, 'what' lang ang alam mong sabihin."
"WHAT!?" Shit. Napatayo ako at pinatamaan ko ito ng kidlat sa inis pero nang wala itong balak umilag ay binawi ko ang kapangyarihan.
Matagal kaming nagtitigan bago ako ang unang mag-iwas ng tingin.
"Pwede ba tingting, alam kong gwapo ako pero huwag mo akong titigan. Hindi kita type!"
"Akala mo naman gusto kita," itinaas nito ang manika saka umismid. "Kilala ko iyong gusto mo."
"Sino? Si Elmira? She's just a weakling tulad mo, hinding-hindi ko siya magugustuhan." Nagkibit-balikat lamang ito na parang hindi naniniwala sa mga sinabi ko.
YOU ARE READING
Bad Genie [Book One-Completed]
Fantasía"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...