BG XXXVI

36 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Naikwento ko sa kanila nang maayos iyong punishment ko sa library. Lagot nanaman ako kay Master Ravini. Hindi ko pa naayos iyong mga libro at baka tatlong tables na ang itoka sa akin bukas.

"You've been what!?" Maarteng tanong ni Ate Snow. "Kailan ka pa matatapos magbalik ng libro kung manu-mano mong gagawin iyon, silly." Iyan din sabi ni Master Ravini eh.

"Dummy, have you read the book?" Sumagot ako sa kaniya ng hindi pa tapos inismidan lang niya ako.

"Ugh, whatever. I also suck at basic spells, umabot ng -100,000 points deductions ko sa kababalik ko sa library outside curfew hours. Ikaw ilan na points mo?"

Bago ko pa malabas ay kinuha na ni Thunder iyong ID ko.

"-49,000 points, in two days? Hala, iyong -100,000 points deduct ko isang buong taon iyon na inipon ha tapos makakalahati mo na agad in two days!?" Napahilamos na lang ako sa pagpipigil nila ng tawa. Tss, mabilaukan sana itong si Somi na hindi na nakapagpigil.

"T-tubig," at nabilaukan nga. Natatawa siyang inabutan ng tubig ni Thunder.

"Anyway, come with us tonight. I better demo element manipulation kesa basahin mo."

"Thank you, Ate Snow," White. Pfft. Huminga ako ng malalim para magpigil.

"Let's go, kusot na ang bestida ko." Tumayo na kaming apat at nagpaalam a si Somi dahil hindi pala siya kasama.

"Tss." Napalingon ako sa kaniya dahil sa pag-ismid niya. Thunder Gold, pfft. Lakas ng trip ng mga magulang nila.

"Tinitingin-tingin mo?" Sabi niya sa isip ko na ikinakunot naman ng noo ko. Moody na masungit.

"Anyways, about your element manipulation, uumpisahan natin iyon sa pagpapalabas ng kapangyarihan niyo. It's more on meditation."

Tumango-tango na lang ako dahil kaunti pa lang ang ideya ko sa mga mangyayari. Though alam ko na ang origin ng elemental spirits at kung paano sila naghahanap ng vessels, hindi ko pa nabasa sa history book kung paano sila palalabasin.

Tanging pagkamangha ang naramdaman ko nang marating namin ang isang malaking puting double door. Wala itong door knob, hindi gaya ng ibang rooms dito sa akademiya. Dito ko naabutan si Fiona isang gabi eh. Iyong gabi na naging master ko siya. Nakita kong naglabas si Snow ng card or ID at saka ini-slide sa security lock ng pinto. Dahan-dahan itong nagbukas at narating namin ang isang malawak na silid. Ang buong kwarto ay puti at walang laman.

"Come in!"

Pagkapasok namin ay kusang unti-unting nagsara ang pinto. Nag-inat si Snow saka nag-Indian sit sa kinatatayuan.

"So far, this will be the hardest part.

There are only two ways para mapalabas ang inyong kapangyarihan. We only have either the easy way or the hard way. I prefer the latter," nakapameywang na paliwanag ni Snow.

"Come here, sister," anyaya niya na maupo ako sa tabi niya. "Hindi magwo-work sa kambal ko iyong una so let's watch the two of them duel."

"Akala ko napalabas niya na iyong kapangyarihan niya?"

"Tsk, yabang lang napalabas ng kapatid ko sister. He cannot control it well yet," nakapwesto sila Silver at Thunder sa gitna habang nasa gilid kami ni Snow. So, hindi siya nagbibiro na back to basics talaga siya?

"In one... two... three... DUEL!"

Agad nagpalabas ng malakas na hangin si Silver kaya napatalsik sa kabilang dako si Thunder. Bago pa tumama ang katawan niya sa dingding ay umikot ito. Naunang tumapak ang kaniyang mga paa sa dingding at mula dito ay tumalon siya papunta kay Silver.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now