XXXIX | Duel: Training

51 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Hindi pa nangangalahati sa oras pero parang bibigay na ako. Nakaramdam ako ng mahinang pagtapik sa hita ko. "Diretso lang ito." Maya-maya sa likod naman ang tinapik niya gamit ang stick. "Ito din." Tapos iyong braso ko naman, nangangawit na ako.

"Ayoko na," sabi ko at itinukod ko ang espada para alalayan ang sarili. Napaupo ako sa damuhan.

Napabuntong-hininga na lang ito saka naupo din sa damuhan. Nagulat ako nang hindi niya ako pinagalitan.

"Okay na pala ako ulit," daglian akong tumayo kaya pinulikat.

"Tss. Mamaya na sa training room," sabi nito sabay tapik sa tabi niya. Hinagisan niya na lang ako nung green potion. Hindi ba ako mao-overdose dito?

"Hindi mo ba ako tatanungin kung nakanino iyong bata?" Biglaang tanong niya sa akin.

"Hmm, nakanino?"

"Sa tatay niya."

"Kilala mo?" Iiling-iling lang ito na sumagot. Hindi niya kilala pero nasa tatay iyong baby? Ang gulo niya naman.

Nang makapagpahinga ay inalala ko ulit kung paano ako napunta dito.

"Kapag nasugatan mo ako sa loob ng limang minuto, sasagutin ko ang tatlong tanong mo." Kaso tatlong minuto na lang, ni daplis sa damit niya ay hindi ko magawa.

Inipon ko ang pwersa sa kamay sa malakas na ihinampas ang espada sa kaniya. Hindi niya ito sinalo at sinipa lang and isang binti ko. Nahalikan ko ang sahig dahil doon.

"Ako mismo ang maghahatid kay Celine sa mga Ignis. Mamatay ang bata nang dahil sa iyo." Ginamit pa talaga niya ang bata.

Nahihirapan man ay tumayo ako mula sa pagkakadapa. "Pwede bang gumamit ng kapangyarihan?"

"Do as you wish."

"Well, I wish you to trip." Nagulat ito nang bigla siyang madapa. Sinimulan kong ipunin ang usok sa kamay at hiniling na mapagod siya. Hiningal ako sa ginawa ko pero wala iyong saysay, pagod na ako.

"Sa ganiyang paraan mo ba proprotektahan ang bata? Mahina ka." Napantig ang pandinig ko sa sinabi niya. Tama. Hindi ko maproprotektahan si Celine kung ganito ako kahina.

Batid kong sa lahat ay si Fiona ang higit na nakakakilala sa mga Ignis. Nakikita ko na ang punto ng labang ito. Nabuhayan ako ng loob. Ginawa ko lahat ng hakbang na alam ko sa laban namin ni Fiona pero walang tumalab. Isa na lang ang naiisip kong paraan. Sana gumana.

Sampung segundo.

10

9

8

Ang lakas ng opensa niya at tumilapon ako. Kailangan kong makalapit.

7

6

Itinapon ko ang sarili sa kaniya. Agad niyang sinalag ang atake ko. Ito na ang huli kong pagkakataon. Inilabas ko ang kapangyarihan at pinakapal ang usok sa pagitan naming dalawa.

4

3

2

"Asul," pabulong na sabi ko pero sapat para marinig niya.

1

Bahagya itong natigilan at nadaplisan siya ng espada sa leeg. Ting!

Sapul. Yay! Nabigyan ko siya ng maliit na maliit na sugat dahil doon. Hindi ko lang alam kung umabot ako sa oras. Blanko pa din ang tingin nito sa akin pero agad ding nagsalita habang nakahalukipkip.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now