BG XIX

75 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Ngayon ay parehas na kaming nakatingin ni Snow sa salamin. Kumuha siyang muli nung likidong nagpapalit ng kulay ng buhok at saka may hinanap sa tokador. Contact lenses.

Bumalik siya sa tabi ko na kulay itim na ang buhok at mga mata. Inaaninag ng salamin ang aming mga pigura na halos magkaparehas mula ulo hanggang paa. Kahit ako ay hindi makapaniwala.

"OMG! Mukha tayong kambal." Para kaming isang bersyon ng princess and the pauper. Siya iyong princess, ako iyong pauper. "Tanggalin mo iyong facemask mo, dali," Mangha at excited na sabi nito.

"Holy freak, kamukha kita," Inilapit niya ang mga mukha namin sa salamin. "Hmm, no. Hindi pala gaano pero sobrang laki ng pagkakahawig natin."

Napatango ako sa kaniya dahil kita ko din iyon sa salamin.

"Ibalik mo ulit iyong facemask," utos nito nang may mahinang pagtapik sa braso ko. "We really look alike." Tama siya, medyo. Mas matangkad siya kaunti at mas malaman din kaunti. Ako kasi, parang buto't balat na ewan eh.

"Kyaaaa!" Nabigla ako sa pagtili niya na sinabayan niya pa ng maliliit na talon. Pfft. "Do you know what this means?" Titig ito sa akin habang hawak ang dalawang kamay ko. Umiling ako.

"We're going shopping! Tapos bibili tayo ng matching outfits tapos magtetake tayo ng madaming pictures. Kyaaa! I've always wanted a sister, hindi ko naman maaya si Thunder sa shopping eh," mabilis at matinis ang pagkakasabi nito bago sumimangot pero nababalot ng kinang ang mga mata. Tila ba tuwang-tuwa sa mga pangyayari.

"Ugh! But not today, I'm so over today. Bukas, bukas na lang tayo magshopping. Pretty please," sabi nito habang naka-puppy eyes. Hala, ang cute.

"Si-sige."

"Yay! Babalikan kita here. Magpahinga ka na din muna, I'm sure you want to take a rest din gaya ng kambal ko." Tumango na lamang ako.

Nagpaalam na ito. Humiga ako sa kama niya at hinayaan ko naman ang sarili na daluhan ng antok.

"Liars go to hell, mommy." Maya-maya ay nag-iba ang lugar pero parehas pa din ang ginagawa ng batang babae edad tatlo. Patuloy lamang itong tumatakbo.

"Mommy, daddy." Pag-iyak nito. Halos wala na siyang maaninag sa dinaraanan dahil puno na ng luha ang mga mata niya.

"Beny, makikinig ka kay daddy. Maglalaro tayo ng takbuhan," kumikinang ang mga mata ng bata nang marinig ang salitang laro. "Run, run and don't look back. Kapag tumingin ka pabalik sa akin, ikaw na ang taya."

"Opo!" Ginulo ng ama ang buhok ng bata.

"Okay, run. NOW." Masiyang tumakbo ang bata hanggang sa magkakahalong ingay na ang nadinig nito sa kalayuan. Natanaw naman nito ang kaniyang ina kaya lalo nitong binilisan ang pagtakbo.

Iyon na siguro ang finish line. "Mommy!" Napayakap ito sa ina. "Hihi, wala pa si daddy."

"Oo nga, mabagal si daddy. Buti pa si Beny, mabilis tumakbo." Inabot niya sa bata ang berdeng likido pero umiling ito.

"Gusto mo ba ikaw na ang taya, tapos ako ang hahabulin mo?" Napipilitang ininom ng bata ang likido at nanumbalik ang lakas nito.

May inilabas ang ina na itim na kwaderno, humawak ito sa batok ng bata, bumigkas ng ibang salita saka humalik sa noo.

"Mommy, umiiyak ka po ba? Gusto mo ba ako na lang ang taya?"

"No, Beny. Si Mommy ang taya. Naalala mo pa iyong sinabi ni daddy?"

Yumakap nang mahigpit ang bata sa ina, "Mommy ako na lang ang taya, umiiyak ka naman eh." Natawa naman ang ina.

"Si mommy na ang taya, hindi na ako umiiyak, oh." Napatango na lang ang bata habang nakanguso. "Benevelle, run." Pero hindi tumakbo ang bata.

"Dalian mo na ang tumakbo, baka nasa kabilang dulo na ang daddy mo."

"Si daddy?"

"Oo, ayun na siya oh, naunahan ka na." Tumingin siya sa tinuro ng ina pero wala doon ang daddy niya. Ngumuso ito ulit sa ina.

"Dali na, Benevelle. Ayaw mo na bang maglaro," Iyon ang magic word para sa kaniya - laro. "Kapag tumingin ka pabalik sa akin, ikaw na ang taya."

Tumakbo ulit ang bata pero malayo-layo na ang takbo niya ay wala pa din ang mommy at daddy niya. Hindi naman siya hinahabol ng mga ito.

"Mommy, daddy." Patuloy ang pag-iyak nito habang tumatakbo.

"Benevelle...
Benevelle, Holy Freak,
BENEVELLE!"

"HAH!" Isang malalim na hininga ang hinabol ko sa paggising. Ramdam ko ang pagkirot ng batok ko, parang nasusunog ang balat ko doon.

"Oh no, ang init mo," naramdaman kong kahit papaano ay napapawi iyon dahil sa inilalabas na kapangyarihan ni Snow. "Let's go sa clinic. Kaya mo bang tumayo?"

Tumayo ako at halos naduduling ang paningin.

"My gosh, nevermind," maarteng sabi ni Snow saka ako binalot ng kapangyarihan niya. Para akong binalot ng kumot na malamig habang nakalevitate.

"What happened to her?" Tanong ni Silver na kalalabas lang ng pinto ng clinic.

Nagkibit-balikat lang si Snow saka dumiretso papasok at sumunod naman sa kaniya si Silver.

Napabuntong-hininga si Gen nang makita nanaman kaming tatlo. "Ginawa niyong tambayan ang clinic ko."

Ihiniga ako sa kama ni Snow saka ako dinaluhan ng ibang healers.

"She's got a seal," kaswal na sabi ni Snow. "It will hurt a lot when it begins to wear off, based from experience."

"Pinatanggal mo na ba iyong iyo?" Tanong ni Gen kay Snow.

"Kusang natanggal."

I AM A BAD GENIE.

Mabilis na natapos ang gabi na iyon. Matapos kong magpagamot sa clinic ay ihinatid ako ni Snow sa room nila at saka nagpaalam na may misyon daw ulit siya. Mag-isa akong natulog doon. Mag-isa din akong nagising.

Ipinaalam din ni Silver sa akin na kinakailangan kong pumunta ng headmaster's office. Ito ang araw na iyon. Pwede bang huwag na lang pumunta? Napatingin ako sa bintana at nakita doon ang nag-aagaw na kahel at dilaw na kulay ng kalangitan. Umaga na.

Pababa na ako ng hagdan nang madinig ang pamilyar na boses nila Blue at Fiona. Kasabay ito ng mahinang pag-iyak ng isang sanggol.

"Anong balak mo sa bata?" Mahinang boses ito ni Fiona. Inipon ko naman ang atensiyon ko sa kanila.

"Aalagaan ko," mas malinaw na dinig ko sa boses ni Blue.

"Eavesdropping again?" Napabalikwas ako sa pagsulpot ni Thunder. Nagtatago ako sa isang gilid habang tahimik na nakikinig sa usapan nila Fiona at Blue.

"Tara na," hinawakan nito ang mga kamay ko pero agad kong binawi. Iritable itong tumingin sa akin. "Tsk, suit yourself."

"Alam mo ba kung anong gulo ang pinasok mo?" May galit at pag-aalala ang tinig ni Fiona. "Hahabulin lamang ng mga Ignis ang sanggol na hawak mo. Mapapahamak ka, Prince Blue," madiin ang pagkakasabi niya dito.

"Hindi ko hahayaang kitilin nila ang baby." Teka, bakit sila may baby?

"Pahawak ako niyang baby."

"Anong gagawin mo?" May pagdududa ang nag-aalalang boses ni Blue.

"Patatahanin ko lang. Ang ingay."

"Fiona," Nagbabantang saad ni Blue. Nakakakaba naman. Napakaseryoso nilang mag-usap, hindi ako sanay. Madalas kasi nagbabangayan lang sila eh.

"Wala akong masamang balak. Amin na ang bata," mahinahong sabi ni Fiona.

Masiyado na ata akong nagtatagal dito, kailangan ko nang pumunta ng headmaster's office.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now