Prologue

48 3 0
                                    


“Isang order ng Adobong Baboy, tsaka dalawang order ng double rice, NatNat.”

Iyon kaagad bungad ni Kapitan Tano sa akin, kasama ang kaniyang labing dalawang taong gulang niyang anak na si Marco.

Suking-suki na talaga itong si Kapitan at ang pamilya niya rito sa Karinderya. Hindi kami ang nagmamay-ari nito, nagtatrabaho lamang kami. Ang nagmamay-ari talaga nito ay silang Tiya Lany. May tatlo siyang anak at graduate na ng college; may mga trabaho na rin ang mga ito. Sa totoo nga, nasa abroad na, kaya naman si Tiya ay panay bakasyon na lang at shopping- shopping.

Kagaya na nga ng sabi ni Mama at Kuya sa akin, kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa gayun maging maganda ang buhay ko. Gustuhin man ni Kuya mag-aral, kaso kailangan niya na rin magtrabaho pangtulong sa pagbayad ng tuition fee ko sa school. Hindi ko alam kung bakit gusto nila ako pag-aralin sa private school, eh puwede naman akong mag-aral doon sa comprehensive high school. Kaso nga lang, malayo ito sa amin, kaya na rin ang sabi nila, pareho lamang ang gastos—kasi kailangan ko pang mamasahi, tapos iyong baon ko pa—kapag ikuwenta iyon sa isang buwan, parang pareho lamang sa tuition fee ko sa private school. Malapit lang din kasi ako sa private school, kaya puwede akong pumunta rito sa Karinderya para tulungan sila tuwing matapos ang klase.

“Thank you, NatNat!”

Napangiti ako kay Kapitan nang iabot ko na sa kaniya ang mga order nila. Nakaupo na sila sa bakanteng puwesto ng Karinderya. Para hindi na sila tumayo ay ako na mismo ang pumunta sa may refrigerator para kunin ang isang pitsel na tubig. Nilagay ko iyon sa kanilang lamesa, na agad nilang ikinangiti.

“Salamat ulit, Ate NatNat!” tuwa na sabi ni Marco sa akin.

“You're welcome po,” sagot ko naman habang nililinis ang kabilang table.

I love my job. Iyon lamang ang masasabi ko sa ginagawa ko ngayon. Pinaka-paborito ko talaga pagkatapos ng school year ay tulungan si Mama rito sa Karinderya. Wala naman akong magawa sa bahay dahil walang TV, tsaka ayoko rin makipaglaro na sa mga kalaro ko noon. Ito siguro ang sinabi ni Mama sa akin, kapag nagdalaga ka na, hindi na bata ang isip mo. Feeling ko nag-matured ako. Nag-matured ang pag-iisip ko, pero cute pa rin ako no matter what.

“Nga pala, NatNat, grade 10 ka na ngayong pasukan, ‘di ba?”

Abala ako sa pagliligpit ng mga kalat nang napatingin ako kay Kapitan para tumango.

“Opo, Kap.”

“Malapit ka na mag-Senior High. Mabilis lang ang panahon. Baka bukas college ka na,” masaya niyang sabi.

Napatango ulit ako at hiyang tumawa. “Opo nga, Kap, eh..!”

“Ano ba’ng dream course mo, kapag nag college ka na?”

Napaisip ako sa kawalan.

Dream course? Wala ako no'n, eh. Ang pangarap ko lamang sa buhay ko ay maging isang singer, oh ‘di kaya… maging isang k-pop idol. May mga cellphone na kasi ang mga kaklase ko, tapos nanonood sila ng mga k-pop videos. Sumasayaw sila, tapos kumakanta, tapos ang ganda pa ng mga kasuotan nila. Kaya parang may parte sa isip ko at pati na rin sa puso ko… na gusto ko rin maging katulad nila. Wala namang imposible.

“Gusto ko pong maging isang teacher.”

Dahil sa ayokong pagtawanan, iyon ang sinagot ko sa kay Kap. Natawa kasi ang mga kaklase ko no’ng sinabi ko sa kanila gusto ko rin maging isa sa mga pinapanood nila. Para sa kanila, iyon ang pinaka-delusional na pangarap ng isang katulad ko. Hindi ko pa nga alam kung ano'ng meaning ng salitang ‘delusional’, kaya ngumiti pa ako sa kanila, kasi ang nasa isip ko nakakatuwang komento iyon kasi nga tumawa sila. Pero no’ng i-search ko iyon sa internet sa computer shop ni Tiyo Pedro, roon ako nalungkot nang malaman ko na.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon