“Hindi kita pipigilan, Haru.”‘Yon ang sagot ko sa tanong patungkol sa gusto niyang sumama sa akin. Realistically speaking, he can find a job in Japan related to his field of study. He doesn't need to learn Japanese because he studied there, lived there, and is half-Japanese.
Ayoko naman pigilan siya, kasi kung pipigilan ko siya, ibig sabihin gusto ko magkalayo kaming dalawa. Sa totoo nga, I wanted us to be with each other. ‘Yong tipong after an exhausting day ko roon ay makikita ko pa rin siya personally. That's how I wanted… That's how I imagined.
But of course, if his dream is in America, I won't stop him. Nasa kaniya pa rin ang desisyon, at hindi ko siya pipigilan sa kahit anumang gusto niya.
“Really, Zinny?” His eyes sparkled. “Gusto mo ako makasama roon?”
I bit my lip as I nodded. “Oo naman!”
Natuwa siya sa sagot ko kaya niyakap niya ako nang mahigpit. He even kissed my cheek lovingly, and I just simply giggled. Natutuwa rin ako na mas excited at happy pa siya sa akin. That means, he really loves to be with me.
Niyakap ko rin siya nang mahigpit. I rested the side of my face on his shoulder. Pakiramdam ko tuloy ang liit liit ko. He's not that masculine, but he's tall, that's why he's huge. Or maybe payat pa rin talaga ako, kaya gano'n ang feeling.
“Thank you, Zinny… Thank you so much.”
Bumuwag ako sa yakap para matignan ang mukha niya. I could see tears in his eyes again. “You don't have to thank me. Gustong-gusto ko rin makasama ka roon.”
Siya na sana aalis ng mga luha niya ngunit naunahan ko siya. Habang patuloy na bumaba ang mga luha mula sa mga mata niya ay matamis siyang ngumiti na may halong tawa sa kalagitnaan. This man is so lovely. Ang gwapo niyang umiyak, tumawa, ngumiti. ‘Yong parang normal lang sa kaniya, pero sa akin definitely a special one.
“Kasi… I thought you would say no… I expected that last night. Kaya I was having a hard time deciding for myself, for us… Ang hirap mag-function ulit na wala ka.” He shook his head emotionally. “Ayoko nang humiwalay sa ‘yo…”
“Ayoko na rin humiwalay sa ‘yo, Flowero,” I said back, being emotional also. “I am not complete without you.”
“Nahihirapan tayo pareho…” he talked.
Tumango ako. “Sobra…”
Ibinaling namin ulit ang tingin sa paglubog ng araw. Halos hindi na namin ‘yon nakikita kasi palubog na talaga ito nang palubog. Minsan, naglalaro rin kami sa mga buhangin, hanggang sa nagdesisyon kaming maligo sa dagat.
“Wala tayong damit…” sabi ko na lamang sa kaniya.
“Uuwi tayong basa,” natutuwa niyang sagot.
Halos lumabas ang eyeballs ko nang dahil sa bigla siyang naghubad ng damit. First time ko tuloy makita ang abs niya. Ang ganda ng katawan niya… Bumilis tuloy tibok ng puso ko.
“Zinny, sige na..!” sambit niya sa akin, parang inu-urge ako.
Bigla akong nagtaka. Hindi pa rin nawala ang tingin ko sa abs niya, tsaka tinuro ang sarili. “Huh..? A-ano’ng sige na?”
“Take off your shirt, para hindi mabasa.”
Nagulat ako. Napatingin-tingin pa ako sa paligid, kami lang pala dalawa rito. “Huh? Ah, eh…”
“Don't worry, Zinny. I'll be by your side.” He smiled.
Parang naging komportable ako sa sinabi niya, kaya hinubad ko na ang suot kong t-shirt. Mabuti na lang at puwedeng pang-beach ‘tong bra ko.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...