Hindi ko pa rin makalimutan ang huling sinabi ni Haru sa akin hanggang sa pagkapasok ko mismo sa bahay. Napalunok lamang ako nang maigi, para hindi tumulo nang tuluyan ang mga luha ko. Ayokong makita nila Mama at Kuya, kasi alam kong madami na naman silang itatanong, na hindi ko masasagot muna sa ngayon.
Masarap sa feeling na pinagkatiwalaan niya ang isang katulad ko. Na walang takot inamin niya ang mga bagay na malalim kong ikinatataka. Kahit na masakit 'yon... Sobrang masakit pala... Masakit malawan ng pinakamamahal mo sa buhay. At isipin ito sa mismong Point of View ko, alam kong hindi ko makakaya ito kagaya ng sa kaniya.
"Bunsoy! Nandiyan ka na pala!"
Pinilit kong ngumiti para hindi nila makita ang bahid na lungkot sa mukha ko. Dahil sa nararamdaman ko ngayon, parang nawawala ako sa mood makipag-usap sa kanila. Ganito pala ang pakiramdam kapag nalulungkot ka 'no? Parang gusto mong mapag-isa. Hindi naman ako ganito dati... Siguro nga hindi 'yon gaano kalungkot. Itong mga bagay na nararanasan ko ngayon, mas malungkot ito.
Niyakap ako ni Kuya nang mahigpit. Nabigla ako sa ginawa niya... Pero siguro, hindi ko magawang magsinungaling sa kanila, kasi alam nila kung sino ako. Bawat akto ko, mga salita, at kung ano pa 'yan, alam nila.
"Okay lang 'yan... Iiyak mo lang 'yan..."
Nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko tuloy napigilang umiyak. Ipinahinga ko ang mukha sa balikat niya at roon mas lalo pang umiyak na parang bata. Ganito talaga ako umiyak, may halong gigil, na para talagang batang nagwawala.
Mga ilang segundo ay naramdaman ko rin ang yakap ni Mama sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang emotional ko, kahit alam ko naman ang mga rason kung bakit.
"Tahan na, Anak..." malambing na bulong niya sa akin.
Ibinalikwas ko na ang yakap kay Kuya para matignan ito. Tumango na lamang ako. Kahit hindi ko kayang tumahan ngayon ay pinilit ko.
May tanong ako... Hindi para sa akin kundi para kay Haru at Yuna. Umiiyak din ba sila sa malulungkot na nangyayari sa buhay nila?
Pagkatapos naming kumain ay umupo muna ako sa upuan malapit sa bintana. Hawak hawak ko ang ukulele habang dumudungaw ng tingin doon sa kalangitan. This time, wala akong nakitang mga bituin. Maraming makakapal na mga ulap doon, kaya alam kong uulan. Kung hindi dahil sa mga ilaw sa daan, tiyak na sobrang dilim talaga.
"Sunlight comes creeping in..." kanta ko habang nag-stra-strum ng aking ukulele.
"It made me think of you... It made me think of you..."
Biglang pumatak ang isang luha mula sa kanang mata ko habang kinakanta ang kantang 'Wings'. Una kong narinig ang kantang ito sa computer shop, dahil ito ang unang nagpakita sa YouTube. Nagustuhan ko ang kanta... At noong una, hindi pa ako umiiyak no'n. Pero ngayon, naiiyak na ako. Siguro nga, mas nararamdaman mo na ngayon ang sakit... Ang lungkot. Parang when you perceive an emotion, it will inject a feeling. Kapag masaya ka, tumatawa ka. Kapag naman malungkot ka, umiiyak ka. Emosyon, tapos nararamdaman.
Hanggang sa sumapit ang umaga ay ramdam ko pa rin ang hapdi ng kahapon. Kahit na wala ako sa mood pumasok ay sinubukan ko pa rin, kasi wala namang dahilan para um-absent. Hindi valid reason 'yong a-absent ako kasi malungkot ako... Malungkot ako nang dahil kina Arel, Yuna, at Haru.
"What happened to your eyes, girl?!"
Nabigla ako sa pagsalubong kaagad sa akin ni Yamara ng ganiyang tanong.
"Wala lang 'to..." tugon ko na lamang.
"Nag-cry ka?!"
Umiling ako. Eh, huwag ka nang tanong nang tanong, please.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...