Chapter 37

22 2 12
                                    

When the next day followed, I started looking for jobs. Noong una sa online muna ako naghanap dahil mas easy at less hassle roon. Maliban pa roon, I could really find jobs related to my degree. Hindi naman kahirapan medyo maghanap ng trabaho because Japan is also known for music. Kumbaga, binigyan din nila ng pake ang mga aspiring singers or musicians, hindi lamang sa field ng science and technology.

May ilang companies na akong na-apply online, kaso hindi pa sila sumasagot. Kaya no choice akong naghanap na lang personally.

Mary: Saan ka, Zin?

Pagbukas ko ng phone ay nakatanggap ako ng mensahe sa kaklase ko no'ng college. Half Japanese and half Filipino siya, so it was easy to be close to her. Patuloy pa rin ang communication namin kahit na graduate na kami ng college.

Nakatambay ako ngayon sa upuan ng bus stop. Hindi naman ako sasakay pero rito pa rin ako nagdesisyon na umupo.

It's already two in the afternoon but I am still looking for a job. I thought it was easy since there's so many companies related to music. Marami nga, pero they all said na tatawagan nila ako. Some declined or rejected me immediately. Maghihintay na lang siguro ako sa tawag ng ibang companies at sa email din no'ng na-apply ko online.

Zinnia: Naghahanap ng work. Hehe. 🥹

Mabuti pa siya ay may trabaho na. She works as a lyricist in a music company. Magaling din kasi siya gumawa ng kanta, and she's confident, too, so it was easy for her to apply and get accepted.

Habang ako..? Hindi na nga confident, hindi pa masyadong magaling.

Mary: Pwede ka mag-work dito sa company namin.

Mary: Lyric Assistant.

My eyes suddenly glittered. Gusto ko ‘yang position of job na ‘yan.

Zinnia: Mapapasa kaya ako..? 😞

Mary: Ako ang nag-recommend sa ‘yo sa boss ko. Be here not later than 4, ah? May meeting kasi kami by 6. See you, Zin.

Mary: But if you don't want to, I might give it to someone. Just tell me.

Umiling-iling ako.

Zinnia: No, Mary. I wanted the job.

Zinnia: Pupunta ako riyan. Salamat, Mary!

Parang aligaga akong inayos ang sarili pati na rin ang gamit na dala ko ngayon. Sa sobrang excited at panic ko ay nalaglag ang papers ko sa loob ng folder ko.

“Ay pashniya!” naiinis ko na lang usal habang pinupulot na ang mga papel ko.

May tumulong sa akin na mag estudyante na naghihintay ng bus. They are highschool students—ang babait nila.

“Dōmo arigatō,” ngiti kong pasasalamat sa kanila.

Thank you so much.

Napatango-tango lamang sila at ngumiti rin.

Nang maayos na lahat ng dala ko at sarili ko ay pumara ako ng taxi. Doon nagulat ang nandito sa may bus stop dahil tumambay ako rito, tapos sasakay pala ako ng taxi. Wala kasi akong ibang tambayan.

Kanina pa ako naghahanap ng trabaho. Wala pa akong kain kasi balak ko worth it ang araw ko sa paghahanap ng work. Ang haggard ko na rin tignan dahil ngarag talaga. Ilang interviews din ang ginawa ko sa iba't ibang companies, but I could see on their faces that they weren't impressed… at all.

I also applied to voice over casting, sa mga anime series or films. Rejected ako, at may iba na tatawag lang daw sa akin. Kahit na may experience ako roon at nabilang sa isang sikat na anime series as one of the voice casts, hindi pa rin nila ako totally matanggap.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon