🌼🌼🌼🌼🌼🌼
Nang nagsimula akong mapasok bilang isa sa mga miyembro sa bandang Florescence ay halos gabi na ako umuuwi ng bahay. Pagkatapos kasi ng klase ay diretso kami sa music room, nag-ja-jamming tapos rehearsals na rin, dahil mag-pe-perform kami sa darating na English month. Si Mama at Kuya ay okay lang naman doon, as long na may maghahatid sa akin pauwi. Mabuti na nga lang at hinahatid pa rin ako ni Haru, kahit nang hindi na siya masyadong pumapansin sa akin. Pumapansin lamang siya kapag may kailangan siya, o ‘di kaya tatawagin na ako para ihatid pauwi.
Hindi ko ba alam sa kaniya… kung nagseselos ba siya nang dahil kay Yohann. Kasi hello?! Wala naman siyang gusto sa akin, kaya wala akong karapatang itanong kung nagseselos ba siya. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin. Baka nga may something kay Yohann, na ayaw niyang makasama rin.
“‘Cause this angel has flown away from me… Living me in drunk in misery…” kanta ko habang ang iba kong mga kasama sa banda ay tinutugtog ang instrumentong naka-assign sa kanila.
Akala ko magiging smooth ang pagkanta ko nang bigla na lamang napahinto si Haru, na ikinareklamo ni Yohann.
“Ano ba ‘yan?!” Rinig kong bulalas niya nito.
Nag-alalang lumibot ang tingin ko nito at nakita itong naiinis sa sariling uminom ng bottled water. Pawis na pawis ito, kaya naman sinuklay nito ang buhok paalis sa noo. Nang dahil doon ay hindi ko napigilang humanga sa kagwapuhan na mayroon ito.
Ang suot nito ay isang oversize printed t-shirt at isang maong jeans. Walang ka-effort effort ang mga outfit nito, pero shesh, sobrang gwapo pa rin.
“For once magseryoso ka naman! Ikaw pa naman ang leader dito!”
Biglang bumahid ng inis ang mukha ko nang dahil hindi pa rin tapos si Yohann kakatalak sa crush ko. Hindi naman kami nagrereklamo no'ng paulit-ulit itong nagkakamali… In fact, parang naiisip namin na wala lang talaga ito sa focus ngayon, kaya patient pa rin kami. And besides, noong nagkamali nga siya, kaming lahat ay hindi rin nagrereklamo; wala siyang narinig ni isang talak. Mainitin lang talaga ang ulo niya kahit sa ano'ng bagay. Imagine if makatuluyan ko ‘tong lalaking ‘to. Kahit bata pa ako ay tatanda na kaagad ako.
“Yohann, chill!” pagkakalma ni Michael sa kaniya.
“Hindi, eh!” surot niya; ang kaniyang mukha ay iritado. “Kanina pa siya nagkakamali riyan! Hindi na nga mahirap ang gagawin niya, eh! Mag-gigitara lang siya, tapos kunting blend sa boses ng vocalist. Nagkakamali pa.”
“Yohann, please…” Luno interfered.
“I'm just telling the truth, Luno. Kanina pa nagkakamali ang lalaking ‘yan! Sinasadya niya!”
Bumaling ulit ang tingin ko kay Haru. Nakayuko siya, tila nakatingin diretso sa sahig. He didn't say a word, but I could see a pinch of pain just by looking at his handsome face. That's just how he is. Hindi niya kayang ilabas ang emosyon niya… Naiirita siya, oo! Pero hindi niya kayang lumaban nito.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...