Kuya: Masaya ako, bunsoy, dahil masaya ka riyan. Iyan lang naman ang pinagdarasal ko. Mag-ingat ka riyan ha? Nakita ko mga post mo sa Instagram, ang ganda riyan. Sa susunod, ipunta mo ako riyan. Hehe.
Kuya: ‘Di ba gusto mo mag-aral si Kuya? Ito ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Huwag ka nang mag-alala pa masyado sa akin, katulad ng dati ay kaya pa rin ng kuya mo. Love you, bunsoy!
Kuya: Good luck sa college life mo, bunsoy! Music daw ang degree mo..? Iyon ang sabi sa akin ni Dr. Sienna. Galing! Galing! Astig!
Kuya: Sure akong proud si Mama mula sa langit. Proud na proud din ang kuya sa ‘yo, bunsoy!
Kuya: Miss you na sobra.
Iyon ang iilang mga mensaheng natanggap ko kay Kuya, at lahat ng ‘yon nire-replyan ko. Minsan, ako ang unang nagse-send sa kaniya ng mensahe, tapos kung may oras siya ay ire-reply niya ‘yon. Minsan naman ay nagvi-video call kami o voice call. Nandoon pa rin ang closeness namin isa't isa. I thanked Dr. Sienna because he still allowed me to keep in touch with my brother.
I'm in my first year in college already. Nagsimula ang klase noong mga nakaraang dalawang linggo. It was hard to adjust to the new environment, but luckily I've found new friends and enjoyed their company. Nag-uusap kami about music, share our favorite music genre, compose songs, and sing so many songs. Hindi rin hanggang doon lamang, nag-uusap din kami tungkol sa plano namin sa kinabukasan, at tungkol din sa mga bagay bagay na nangyari sa buhay namin.
Zinnia: Masaya ako, Kuya, dahil ipinagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Pareho na tayo college student ngayon. Ikaw siguro ang palagi kong mara-rant tuwing may masamang nangyari sa araw ko sa university. Hehe.
Seen by KuyaKuya: Gano'n din ako, bunsoy. HAHAH. Pero so far naman, bunsoy, okay lang naman ang college life ko. Madaming katulad ko na working student din. At tsaka, hindi naman ako masyadong affected kapag may mangyaring masama sa araw ko bilang isang estudyante sa kolehiyo. Siguro sanay na sanay na ako sa pain. Hehe.
Zinnia: Ako rin, Kuya! Pero umiiyak pa rin ako o makakaramdam ng bigat sa dibdib ko.
Kuya: Ahw, bunsoy. Nandito lang ako… Sabihin mo kaagad kapag may mangyari hindi kaaya-aya riyan, para maibsan ang sakit… ang bigat.
My lips curved into a smile when I read his last message. I reacted heart to it instead because he's not active anymore. I already knew he's busy on something already. Alam ko ‘yan si Kuya, madami ‘yang raket sa buhay… madiskarte kumbaga.
Hindi na ako nag-cellphone pa at nagpokus na lamang sa laptop ko at sa gitarang hawak ko na ngayon. May pinakikinggan akong kanta sa YouTube habang nagstra-strum ako ng aking gitara. Para kasing I could make a song while listening to music. I know some don't like listening to music or want to hear any sound while they are focusing on something—like studying, reading, and etcetera. Ako naman ay opposite roon. I want to listen to the noise while I focus on something.
I bought this guitar using my allowance. Ang laki kasi ng binibigay nila Dr. Sienna at ng asawa niya ng allowance ko sa isang linggo. Kaya inipon ko ‘yon hanggang sa makabili ako ng bagong gitara… at hindi nila alam ‘yon. Nagpasama kasi ako kay Shawn sa mall noong last weekend bago ako umuwi roon.
Binigyan din nila ako ng credit card. Bale, may card ako at pocket money. I used my pocket money to buy this guitar. I'm not sure pero… parang makikita kasi sa credit card ang pinamili mo or something.
Mga ilang minuto ang nagdaan ay biglang nag-vibrate ang phone ko at umilaw. Nakita ko message na nag-pop up, at galing iyon kay Shawn.
Shawn: Kyō no gogo wa suite imasu ka?
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦
General FictionFlorescence: Love Blossom is a story about two teenagers blossoming their feelings for each other. Zinnia Natsuki is an average type of student who dreams of becoming a musician in the future. She did not come from a wealthy family but she definite...