Chapter 4

27 3 0
                                    

“Wow, Natsuki! Ang ganda ng hair clip mo! Saan mo nabili?!”

Salubong kaagad sa akin ni Yamara nang nakarating na ako sa classroom. Hindi ako umabot sa flag ceremony, kasi medyo sumakit ang tiyan ko kanina. Akala ko nga hindi ako makakapasok ngayon. Mabuti na lang medyo nawala dahil nilagyan ni Mama ng Efficascent ang tiyan ko. Kaya naman ngayon, mabuti-buti na ang pakiramdam ko.

“Bigay lang sa akin, eh… Bigay ni Mama.”

Hindi ito ang perfect timing para sabihin ko na bigay ni Haru itong hair clip na suot ko. Alam mo naman na ma-issue na ang mga tao ngayon… ang mga kaklase ko ngayon… Kaya as much as possible, mag-white lies sa mga bagay na alam mong makagagawa ng issue sa lahat.

Lumapit siya nang kaunti sa akin at hinawakan ang suot kong clip. Namangha siya nang kaunti roon.

“Ang ganda, mamsh!” Tumili siya. “Gusto ko rin ng ganito!”

Alam ko nang magiging spotlight ito sa mga kaklase kong babae. Mahilig din kasi sila sa mga hair clip, kaya naman nang nakita nila ang sa akin ay talaga namang nagtatanong kaagad sila kung saan ko nabili. Gusto rin kasi nila ‘yon.

“Itanong mo sa mama mo, Zin, ha?” paalala pa niya sa akin.

Tumango lamang ako habang hiyang binuklat ang libro sa Filipino. May assignment kasi kami, tapos hindi ko nasagutan kagabi. Ewan ko ba… Wala naman akong ginawa kagabi, kaya may time talaga ako na masasagutan ko ang assignment ko sa mga oras na ‘yon. Kaso… tinatamad kasi ako… kaya waley.

Bakit ba ako nahihiya no’ng binuklat ko ang libro?

Kasi parang nararamdaman kong narinig ni Haru ang mga kaklase kong pinupuri ang suot kong hair clip. Tapos tinatanong pa nila sino ang nagbigay. Nagsinungaling kaya ako… Baka sabi nito sa isipan na napaka-sinungaling kong tao.

Pero siguro may parte rin sa isipan niya na thankful kasi hindi ko talaga sinabi sa mga kaklase namin na siya talaga ang nagbigay.

“Wala ka pang answer sa assignment mo, Natsuki?”

Napatingin ako kay Arel na katabi ko na ngayon at umiling kaagad sa tanong niya. Kinuha tuloy niya ang Filipino book sa loob ng kaniyang bag, ibinuklat ang pahina ng assignment namin, tapos inabot sa akin para makopya ko ang sagot niya.

Nakakahiya pero tinanggap ko pa rin.

“Salamat, Arel! You're the best!” maligaya kong sabi.

“You're welcome, Natsuki!”

Parang nagkaroon na ako ng energy dahil wala na akong iniisip na ngayon. Kanina puro kaba pa at takot na baka hindi ko masagot talaga ang assignment, kasi super lutang ko talaga ngayon. Kagaya na nga ng sinabi ko kanina, sumakit ang tiyan ko, kaya wala talagang energy ang brain kong mag-function nang mabuti sa pagsagot sa assignment. Mabuti na lang talaga at to the rescue ang genius kung friend na si Arel.

Need talaga natin ng ganitong friend.

“Nga pala, Natsuki. First time mong ma-late ha? May nangyari ba sa inyo?”

Napatigil muna ako sa pagsusulat upang masagot ang tanong nito sa akin. “Sumakit kasi ang tiyan ko, eh.”

Lumaki ang mga mata niya. “Dahil siguro ‘yan sa kinain nating fish ball kahapon..!”

Umiling ako. “Hindi ‘no! Tao rin kasi ako… Minsan nagkakasakit…”

Tumango-tango siya. “Kung sa bagay, tama ka, Natsuki.” Hinawakan niya ang balikat ko. “Mabuti na ba ang kalagayan mo ngayon? Gusto mong uminom ng warm water? Kukuha ako sa canteen.”.

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon