Chapter 19

22 1 0
                                    

Noong nagsimula na talaga ang seryosong ensayo para sa paparating na moving up ceremony ay parang may napansin akong biglang pagbabago kay Haru.

Parang nakikita ko ulit sa kaniya ang Haru na una kong nakilala noon. He stays silent all the time-tipid na rin siyang nagsasalita-malalim ang iniisip. Gusto ko siyang matanong kung ano'ng nasa isip niya... Kung bakit nag-iba ang turing niya sa akin.

"Hindi ka ba kakain ng snack, Haru?" malambing kong tanong sa kaniya. Nagkaroon kasi ng snack break sa practice namin ngayong umaga. Nandito kami sa loob ng gymnasium-nakatayo ako sa harapan niya kung saan siya nakaupo sa puwesto niya.

He was busy scrolling on his phone before he shook his head. Hindi niya ako sinagot gamit ang salita, umiling lang talaga siya habang hindi ako tinitignan. May bigla tuloy akong naramdaman na kirot sa dibdib ko. Naiisip ko bigla na baka... hindi na niya ako mahal.

Tatlong buwan at kalahati na kaming magka-relasyon. Sa loob ng tatlong buwan at labing dalawa na mga araw ay sobrang saya pa namin. Pagsapit ng labing tatlo ay bigla na lamang siyang nag-iba.

"Zinnia, hindi ka sasama?!"

Naghihintay na ang mga kaibigan namin sa amin, kaso umiling na lamang ako sa kanila, nagpapahiwatig na hindi na kami sasama. Nakita ko pa nga ang mukha nila na parang naawa sila sa akin. Maski kasi sila ay nakita rin ang pagbabago niya. Just like me, they would say it was all so sudden.

Wala silang choice kundi ang umalis na lamang sa gymnasium na hindi kaming dalawa kasama. Nang dahil doon ay napatingin ako pabalik sa kaniya at nagdesisyong umupo sa vacant chair katabi niya.

My cold hand touched his. "May problema ba..?"

Matamlay ang mukha niyang umiling. Hindi niya pa rin ako tinitignan sa mukha, pero kahit na gano'n ay nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Somehow I could sense that he has something heavy inside. Gusto kong ipa-gaan ang nararamdaman niyang mabigat. Nangako kami na maging tapat sa isa't isa.

"Haru... Paano kita maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin?" May bahid na alala sa mukha ko. "Alam mo naman nandito ako palagi sa 'yo, 'di ba?"

Nang dahil sa sinabi ko ay mas lalo kong nakita ang tamlay at lungkot sa kaniyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang abala kaka-cellphone, pero nakita ko na wala naman siyang ginagawang abala roon. He was just simply scrolling on his social media fastly. Hindi niya binabasa o tinitignan nang mabuti ang mga content doon.

"Hindi mo na ba ako mahal?" Kahit masakit sa kalooban ko ay tinanong ko pa rin sa kaniya. I don't want to make this hard for him, so I wanted to confront him about this matter. Baka nasasakal na siya sa akin... napapagod... o baka hindi niya maramdaman ang pagmamahal na mayroon ako sa kaniya... O baka may gusto na siyang iba.

Doon na siya nagsimulang tumingin sa akin. "Would that be easy to answer, Zinnia?"

My eyes went doe. Hindi na niya ako tinatawag na 'Zinny'.

"Kung hindi pala madaling sagutin... bakit ang dali mong ipakita sa 'kin?"

"You don't know anything, Zin..."

"Kasi hindi mo sinasabi sa akin," I answered back.

He breathed hard. "I don't want to talk."

Bumalik siya sa pag-ce-cellphone niya, na bigla kong ikinaluha. Mabilis kong inalis ang mga luha na bumagsak sa magkabilang pisnge ko para hindi niya makita at magsalita pa. He seemed frustrated. Paano ba naman kasing hindi..? Hindi niya sinasabi ang mga iniisip niya riyan sa utak niya. Alam naman niyang ang hirap niyang basahin, eh.

"Ang sama mo..." pabulong ko pang sabi sa kaniya, humihiling sa hangin na sana marinig niya.

At narinig niya nga, kaya tumingin siya pabalik sa akin. "Zin, please..."

𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬𝐜𝐞𝐧𝐜𝐞: 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐬𝐬𝐨𝐦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon